M2: STALKING

1125 Words
Kakalabas lamang ni Andrei, pauwi na siya matapos ang nakakapagod na maghapon sa opisina nang bigla siyang nagulat sa sumulpot na babae harap niya. Medyo madilim kaya hindi niya ito gaanong mamukhaan. “What the heck?!” sigaw ni Andrei sa babae na bumangga sa kanya. “I'm sorry,” sabi lamang nito. “Ikaw na naman? Are you blind?” tanong niya kahit hindi siya sigurado kung sino ang babae pero bulto at kilos nito ay tila ito rin ang babae sa hallway na nakausap niya. Stupid! Bulong ni Andrei sa sarili. Hindi gaanong naaninag ni Andrei ang mukha ng babae dahil nahaharangan ito ng mahabang buhok niya at nakayuko. Naglakad na ito papalayo habang yakap-yakap ang kanyang bag. Tinanaw na lamang ito ni Andrei at napabuntonghinga. Alam niyang hinihintay na siya ng driver kaya binilisan na lamang niya ang mga hakbang. Marami siyang iniisip, pati na ang surpresa na gagawin ng kanyang ama ay sumisingit din sa isip niya kahit oras ng trabaho. Idagdag pa ang madalas niyang makasalubong na babae na lalong nagpapainit ng ulo niya. She is getting on my nerves! “Manang, I want a hot bath. Can you prepare them for me?” pakiusap ni Andrei sa kanilang mayordoma nang bumungad siya sa pinto. Gusto niyang mag-relax. “Sige, ihahanda ko pero kumain ka muna, Hijo.” Malambing na sagot nito at kinuha sa kamay niya ang hawak na briefcase. “Sure. Where is Dad by the way?” luminga siya, nagbabakasakali na mahagilap ng mata ang presensya ng ama. “Ah, may katagpo daw siya ngayon. 'Wag mo na siyang hintayin sa dinner dahil ipinaghain daw siya ng masarap na pagkain ayon sa kausap niya,” nakangiting paliwanag ng mayordoma. “Manang Celia, please don't lie. Is Dad having an affair? Is he really dating? What do you think?” kunot ang noo na tanong niya dito. “Hijo, your Dad has been a widow for almost fifteen years now. Ano naman ang masama if meron siyang napupusuan?” Sagot ni Manang Celia. Mababakas sa boses nito ang concern sa kanyang ama. “Manang, you know what I mean, right? He is not healthy at all,” nababahala na sagot naman ni Andrei. Bukod sa kalusugan ng ama, concern din siya na posibleng makatagpo lamang ang ama ng mga gold digger. Sa edad ng ama, maaring lokohin lamang ito. “Andrei, that is why your Dad needs a companion. Who knows?” depensa naman ni Manang Celia. Matagal na siyang naninilbihan sa Edwards family at kahit papaano ay may mga lihim ang pamilya na ipinagkatiwala sa kanya. “I don't mind. As long as totoong mamahalin siya at hindi siya lolokohin. At higit sa lahat hindi pera niya ang habol ng mga babaeng umaaligid sa kanya,” seryosong sagot ni Andrei. Hindi niya mapapatawad ang kung sino mang babae na mangangahas abusuhin ang kanyang ama. “Aba, Andrei. Matalino ang Daddy mo kaya 'wag mong sabihin 'yan. Ikaw ba, kumusta na kayo ng girlfriend mong si Lorebel?” tanong ulit ni Manang Celia. Animo binabago ang mood at para mai-divert ang atensyon niya kaysa mag-focus sa ama. Hindi na sumagot si Andrei at nagsimula na itong kumain habang si Manang Celia naman ay kibit-balikat na lamang. “Bueno, ihahanda ko na lamang ang bathtub,” sabi nito at tumalikod na. Matamang nag-iisip si Andrei. Paano nga kaya kung mag-asawang muli ang kanyang ama? Hahadlangan ba niya ito? Kung mabait naman ang kanyang magiging madrasta, magkakasundo sila. Sa katunayan, nais niya rin na makitang masaya ang ama. Hindi naman sa nais niyang may pumalit sa kanyang ina, ngunit tulad niya, normal lang na maghanap nang may nagmamahal at mag-aaruga sa kanyang ama hanggang pagtanda niya. Biglang napangiti si Andrei, hindi kaya ang sorpresa na tinutukoy ng ama ay tungkol sa kanyang ka-date ngayong gabi? Napapa-iling na lamang si Andrei. Mahal niya ang kanyang ama at ito ang ipinamulat sa kanya ng mga magulang lalo na ng kanyang yumaong ina. Kinabukasan ay hinahanap niya ang file na iniabot sa kanya ni Mrs. Amy. Listahan iyon ng mga bagong hired na intern. Mahigit fifty applicants ang natanggap at alam niyang may kinalaman ang kanyang ama rito. Isa sa mga programa na sinusuportahan ng kanilang kompanya ang makapagbigay ng oportunidad para sa mga freshly graduate ang makaranas ng six months on the job training. “Mrs. Amy, please tell the HR to send me the copy of the newly hired intern,” utos niya sa kalihim at binasang muli isa isa ang pangalan ng mga intern. “Right away, Sir.” Nagtataka man ay mabilis na tumalima si Mrs. Amy at tinawagan ang HR department. Maya-maya lamang ay nakatanggap ng mail notification si Andrei at agad niya itong binuksan at binasa. Damn! What is her name in the list? Naiinip na tanong ni Andrei sa sarili. Kung ito ay itinanong niya kay Mrs. Amy, kanina pa siya may hawak na record ng taong hinahanap niya. Ngunit nahihiya siyang sabihin dahil kahit kailan ay hindi niya na kaugalian na alamin ang record ng mga empleyado. Gotcha! Pag uwi niya sa bahay ay masaya at malapad na ngiti ng kanyang ama ang sumalubong sa kanya. “Oh, Hijo. On Friday, I will reveal my surprise to you. Cancel all your appointments and be on time, okay?” paalala ni Mr. Edwards sa anak. “Are you dating, Dad?” deretsong tanong niya sa ama na ikinatahimik nito. “Kung sakali ba, is it fine with my son?” seryosong tanong ni Mr. Edwards sa kanya. Sandali siyang nahimik at tinitigan ang ama kung ito ba ay nagbibiro lamang o seryoso sa tinuran. “Dad, of course. Sure, I know you love my Mom so much but you deserve to become happy.” sincere niyang sagot sa ama. “That's my son. Well, you know son, I am old and I love your Mom so much. No one can ever replace her in my heart. No one,” nakangiting sagot nito habang tinuturo ang kaliwang dibdib. “So what's the catch, Dad?” kunot ang noo na tanong niya. Parang hindi niya gaanong maunawaan ang tinuran ng ama. “Come to think of it. Mas masaya if meron tayong makakasama dito sa bahay. May mag-aasikaso at may mga–" naputol ang sasabihin ni Mr. Edwards nang mag-ring ang telepono nito. “Excuse me, son.” sabi nito at agad na sinagot ang telepono. “Noraine, dear. Sssh, don't worry. Pupuntahan ka diyan ng driver, okay?” Sunod-sunod na sabi nito sa telepono. Bakas ang pag-aalala at pagkabahala sa kausap. Muntik ng nabilaukan si Andrei nang marinig ang pangalan ng kausap ng ama sa kabilang linya. What?! Oh, please... Napahawak sa sentido niya si Andrei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD