“How’s your work at our company, hija?” nakatangiting tanong ni Mr. Edwards kay Noraine habang kumakain sila ng agahan isang araw. Saglit na tumigil sa pagkain ang dalaga at tiningnan ang matanda. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi bago siya nagsimulang magsalita. Hindi na niya masyadong nakakausap si Mr. Edwards sa tuwing makakauwi sila ni Andrei sa gabi galing kompanya dahil ang nasa kaniyang isip na lang ay ang makarating siya sa kaniyang k’warto at makapagpahinga na agad. “Okay naman, nae-enjoy ko ang mga ginagawa ko ro’n lalo na kapag kaming dalawa ni Mrs. Amy ang magkasama, marami akong natututunan na mga bagay sa kaniya tungkol sa kompanya.” Magiliw niyang k’wento. Ipinapakita niya talaga kung gaano siya kasaya sa pananatili niya sa kompanya. “May mga nakakausap din akong