Chapter 2
Chino’s POV
Nagkanya-kanya na kami ng sasakyang tatlo papunta sa bahay nina Kyra. Sunod-sunod kaming nag-park sa tapat ng kanilang gate. There's a party inside their house pero tahimik naman sa labas na tila walang okasyon sa loob. How boring coud that be.
"I'm sure Kyra's bored," sabi ni Ivan. Kyra is her younger sister. She's 25 now and Ivan is 27. I couldn't agree more. Kyra is one of the boys and we know how adventurous she is. She used to hangout with us before. Ang pinagkaiba lang sa amin ni Kyra ay takot siya sa mga magulang niya kaya sinunod niya ang mga ito na mag-take ng Medicine.
Pagpipinta ang passion niya pero inihinto niya iyon dahil ayaw ng mga magulang niya na may iba siyang pinagtutuunan ng pansin bukod sa pag-aaral.
"Another one boring night..." I smirk at sinarado ang pinto ng sasakyan ko. Naglakad na kami papasok ng kanilang mansyon.
When we reached the doorstep ay saka pa lang kami nakarinig ng mahihinang ingay. Ngunit hindi pa rin sapat para isipin na may masayang party sa loob. So classy and sophisticated murmuring na kuwentuhan ng mga nasa alta sociedad.
All eyes on us when we walked in. Hindi na kami nagulat. We love attention and our family never failed to give us all the attention we are craving for. Walang bago.
"Happy birthday, Kyra!" bati naming tatlo. Lumapad ang ngiti niya nang makita kami. Agad niya kaming sinalubong at ganoon din ang iba pa naming pinsan.
"Buti nakarating kayo," aniya.
"Kailan ba kami nawala sa birthday mo?" Ginulo ni Dylan ang buhok ni Kyra.
"What brought you here, boys?" Hindi na namin namalayan ang paglapit ng daddy ko. He has this strong personality that screams power. There's a mockery the way he called us 'boys'. He believes that we're not man enough because we can't get any professional degree.
"Hi, tito. It's our house. So I guess that's not a question anymore," Ivan utters. Nagkibit balikat si daddy na tila walang pakialam sa sinagot ni Ivan. Tila ba sinasabi niya na mayroon siyang mahabang pasensya sa tulad namin at hindi namin siya maiinis.
"Kumain na ba kayo? Let's eat!" Niyaya kami ni Kyra sa table na ngayon ay punong-puno na ng pagkain. Tamang-tama dahil hindi pa kami kumakain ng dinner. Naupo kami sa tabi ng kanya-kanya naming mga magulang.
Ang kaninang masaya nilang kuwentuhan ay tila napalitan ng katihimikan. Nagkatinginan kaming tatlo nina Dylan at Ivan. Sabay-sabay kaming ngumisi. Sanay na kaming ganito sa pamilya. Kaya mas lalo kaming nang-aasar. Our presence is enough to have a little revenge for belittling our passion. We're earning enough in vlogging pero hindi iyon sapat para sa kanila. They want our professional degree na maaaring ihanay sa kanilang angkan.
Pero anong magagawa namin? Wala kaming degree. Hindi rin naman namin planong ipagsiksikan ang mga sarili namin sa kanila. After all, matagal na rin namang sira ang pamilya namin.
Actually, my dad has been very supportive with my passion. I love photography. Nakuha ko ang hilig sa pagkuha ng mga larawan sa aking ina. And yes, my mom was a photographer. Sobrang tutol ang lolo ko sa relasyon nila noon dahil ang gusto niya para kay dad ay tulad niyang may professional degree.
Pero hindi sila napigilan ni lolo. Hanggang sa isang araw, may pinuntahang event si mommy pero hindi na siya bumalik. She was with Tita Minda and Kyra that time. Pero sina Tita at Kyra na lang ang bumalik. Natagpuan ang kanilang sasakyan sa isang aksidente. Tita Minda is dead, while Kyra had an amnesia and she was just eight years old that time, traumatized.
Gustuhin man naming malaman sa kanya ang mga nangyari ay hindi naman namin magawa dahil hindi niya pa rin maalala ang mga bagay na nangyari noon hanggang ngayon.
"Puwede bang mag-cameo sa next vlog ninyo, Chino?" biro ng pinsan naming si Shane.
"Sure—"
"Why not, Shane? But Chino should emphasize that you're lawyer," sabi ni daddy. "You know, para naman hindi isipin ng mga tao na puro videos lang ang mga Acosta." Tumawa si daddy at ang mga kapatid niya. Napangisi naman ako dahil sa insultong nakuha ko sa sarili kong ama ngunit nabigo naman siya sa tangka niyang pang-iinsulto sa akin dahil hindi iyon tumalab. Immune na ako sa ganyan niyang mga salita. Tila nga mas nainsulto pa siya sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na ito na ang buhay na mayroon ang kanyang anak.
"Tapatin niyo nga kami, wala ba talaga kayong planong tatlo na mag-aral ng medisina o abogasya?" tanong ni lolo.
"Wala po," sabay-sabay naming sagot na tatlo.
"Hayaan na natin ang mga bata, Papa..." Kung may magiging kakampi man kami rito, iyon ay ang Tita Monica. She is my mom's best friend at kapatid ni daddy. "Sige na, kumain na kayo." Si Tita Monica ang panganay sa magkakapatid. Wala siyang asawa kaya sa aming mga pamangkin niya ibinuhos ang pag-aalaga.
It feels like forever and the dinner is done. Nagpunta kami sa rooftop dahil nagyaya si Kyra na mag-inom doon. Hindi kasi kami makakakilos kung makikita kami ng mga magulang namin.
"Hey, Chino, can you do a video greeting for one of my nurses? She's a huge fan of you," sabi ni Amelia. She's a pediatrician sa hospital na pag-aari ni lolo.
"Yea, sure..." Tulad ng request ng pinsan ko, I film myself a video greeting for the nurse she's saying.
"Iba talaga ang Chino Acosta." Nagtawanan kami at nagsimulang uminom. Isa sa pinagpapasalamat namin ay naging suportado kami ng mga pinsan namin. Kahit na mga degree holder na sila ay hindi naman nila kami minamaliit. Naiintindihan kasi nila kami. Ayaw rin nila sa mga kurso nila ngunit napilitan sila dahil iyon ang gusto ng kanilang mga magulang.
"Sana naging kasing tapang ninyo kami, 'no?" sabi ni Kyra.
"Kung naging matapang tayong lahat na magpipinsan, baka mabaliw na ang mga magulang natin dahil wala nang degree holder sa generation natin." Muli kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Ivan.
"Ivan is right. Tama nang kami na lang ang itratong iba ng family natin," sabi ko. Ayaw ko rin namang maranasan nila ang ganitong treatment. Kung kaya nilang i-compromise ang kanilang passion, much better. Mananatili silang tanggap ng pamilya.
"But anyway, what's up for your new vlog?" usisa ni Miguel, our doctor cousin.
"I want to try Tawid-bundok." Nabalot ng katahimikan ang kaninang maingay namin na inuman. Humupa ang tawanan at ihip ng hangin lamang ang maririnig.
"You're kidding, right?" ani Shane.
"Napag-usapan na natin 'to, Chino. Ayaw namin sa idea mo," seryosong sabi ni Ivan.
"That's crazy, dude." Ngumiwi pa si Miguel.
"No, really, I'm serious. Imma try Tawid-bundok. It's for the vlog." I shudder for them to know that their words won't change my mind.
"Napakatigas talaga ng ulo mo, Chino," Dylan said in defeat.
"I'm sorry, Chino, pero hindi ko talaga susuportahan ang plano mong 'yan. That's suicide." Alam kong magmamatigas si Ivan pero naiintindihan ko.
"I know. Hindi ko rin naman kayo plano na isama. Kung may mapapahamak man, tama nang ako na lang. Ako rin naman ang may gusto nito." I'm serious. Kung totoong delikado nga ang lugar na gusto kong puntahan ay mas mabuting wala nang iba pang madadamay.
"Nangongonsensya ka ba?" I laugh at Dylan.
"We're serious, Chino. Kung plano mo talagang pumunta, then sasamahan ka namin ni Dylan—"
"Plano ko, okay? But I would do it all alone."
"What? Hell no!" protesta ni Kyra.
"Listen, kung hindi man ako makakabalik sa loob ng isang buwan, consider me dead." Napuno ng protesta ang mga pinsan ko. Pero kahit gaano pa sila tumutol, hindi na mababago ang pasya ko. I've decided, papasukin ko ang Tawid-bundok.
"f**k you, Chino!" Miguel exclaimed but I just laughed.
"Fine, Chino. Pero oras na hindi ka makabalik sa loob ng isang buwan, susundan ka namin." Tinitigan kong mabuti si Ivan. I thought he's blabbering. Pero nakita kong seryoso rin ang mga pinsan namin.
"Don't you ever do that," I warned them and there's no way in this world I will allow them do that.
"Try us, Chino," Dylan challenge me.
"You guys are crazy..."
"No, Chino, you are crazy," Amelia fires back.
Hindi nagpatalo ang mga pinsan ko at sila pa ang nakipagkasundo sa akin. Oras na hindi ako bumalik next month, susundan nila ako sa Tawid-bundok. I'm not scared, though. Alam ko naman sa sarili ko na kaya kong makabalik.
Well, I have too. Ayoko namang maabala pa ang mga pinsan ko dahil may kanya-kanya rin silang trabaho. Kaya kailangan kong bilisan ang filming ng Tawid-bundok tour na binabalak ko. Kailangan kong maipakita sa lahat ng viewers kung ano ang buhay na naghihintay sa akin doon...kung ano ang naghihintay kung tangkain man nila na pasukin din ang lugar na 'yon.
Kinabukasan ay agad akong nag-post sa lahat ng social media na mayroon ako. I tease them about the possibility. I didn't give them details. I just gave them the chance to guess what would be my next content.
As what I expected, naging usap-usapan ang tungkol sa malaki kong pasabog. And everyone is now expressing of how excited they are for my new vlog. Most of the comments are telling me to be careful with Amaranhigs.
And hell, ano naman ang mga Amaranhig na 'yon?