Chapter 1
Chino’s POV
Gagawin mo ba ang lahat sa ngalan ng kasikatan? Handa mo bang itaya ang iyong buhay para lamang mapagbigyan ang request ng mga taong sumusuporta sa iyo? Kung ako ang tatanungin, handa kong gawin ang lahat huwag lamang maagaw sa akin ang spotlight na matagal ko nang iniingatan.
Dahil sa biglaang pagsikat ng vlogging sa bansa ay naging pagsubok para sa akin kung paano hindi masapawan ng mga baguhang vlogger ang tulad kong matagal na sa industriya. Hindi kasi biro ang biglaang pagsikat ng mga baguhang content creator dahil karamihan sa kanila ay mga artista at may established fan bases na talaga namang susuportahan sila sa kahit na anong pasukin nila.
Kahit pa ako ang may pinakamalaking fan base sa mundo ng vlogging ay ayaw kong maging kampante dahil hindi biro ang mga pangalang makakaribal ko. So me and my team is now planning up for our new 'pakulo'.
"Kathryn Bernardo is now in vlogging, pare. Kathryn Bernardo, pare! Kathryn Bernardo." Napabuga na lang ako ng hangin sa paulit-ulit na sambit ni Ivan. Seriously? Hindi na nakakatuwa ang pagpapamukha nila na maaaring mawala sa akin ang spotlight.
Ivan is my cousin and also my video editor. Nagsisimula pa lang ako sa pagba-vlog ay siya na ang nag-e-edit ng mga videos ko. Kaya naman masasabi ko na isa si Ivan sa mga tumulong sa akin na maka-attract ng maraming subscribers. Because without his excellent editing skill, my videos will be lousy and could not get any attention.
"Liza Soberano is now in streaming, too," Dylan utters. Uminom siya sa tasa ng kape na in-order niya. Dylan is my cousin too and my videographer. Siya ang nagpi-film sa lahat ng videos ko especially those travel vlogs I've done.
I only have my two cousins as my team pero nagawa naming maging successful in this field. Hence, our parents are against our job. We're all from family of doctors and nurses. But we all took up Multimedia Arts kaya halos itakwil kami ng mga pamilya namin. They want us to be professional as well just like the rest of our family.
We feel their cold treatments toward us kaya pinili naming bumukod. We buy our condominium nang magsimula kaming kumita sa vlogging. Kahit pa malaki ang kita namin sa ganitong platform ay hindi pa rin namin maramdaman ang suporta ng aming mga pamilya. Sobrang sinasamba kasi nila ang profession at degree at hindi nila matatanggap ang ganito naming trabaho.
"We need to think of something new, mga pare." Tumango ako sa sinabi ni Ivan dahil iyon naman talaga ang dapat naming gawin. Wala nang iba pang paraan kundi ang bigyan ng bago ang viewers.
Pero ano ba ang bago sa paningin ng mga viewers? Parang halos lahat ay may gumawa na. Hindi na rin uubra ang mga challenge dahil kung sinu-sino na ang gumawa ng ganoong mga content. Gusto ko ng bago. Nag-browse kami sa aking youtube channel at nagbasa ng mga comments. Pero mostly ay dare and challenge lang. Wala kaming nakikitang may potential na pwedeng pumatok.
"Ikaw ang magaling dito, Chino. Give them something only Chino Acosta would dare." Nagtawanan sina Ivan at Dylan pero ngumiwi lang ako sa kanila. Natahimik ako dahil sa pag-iisip. I really need to think fast dahil sa isang iglap lang ay maaaring mawala ako sa mainstream.
"Take a look at this, pare..." Iniharap sa amin ni Dylan ang kanyang laptop at may isang post sa f*******: ang ipinakita niya sa amin. "Ise-send ko sa GC 'yong link para makita ninyo nang ayos." Binuksan ko ang link na sinend ni Dylan sa GC naming tatlo at dinala kami sa isang blog.
"Tawid-bundok, the lost city?" mahinang basa ko sa title ng video. Hindi ko maiwasang matawa. So, hindi lang pala Atlantis ang lost city, huh? Bahagya akong napailing. Nawala ang ngiti ko nang maramdamang nakatingin sa akin ang dalawa.
"Don't you know about Tawid-bundok?" tanong ni Ivan at napakunot ang noo ko.
"Uh, no?" Nagkatinginan silang dalawa na tila ba hindi makapaniwala sa naging sagot ko. They look so weird at hindi ko alam kung anong problema nila. May espesyal ba sa Tawid-bundok na 'yon? Obviously, may alam sila tungkol doon and it makes me look stupid na wala akong idea.
"Wala kang alam about its myth?" tanong pa ni Ivan.
"Wala, okay? Now tell me what's with that Tawid-bundok?" inip kong tanong dahil wala sa plano ko ang manghula. I'm too busy thinking about our new content and this guessing game would not help me a bit.
"Maraming curious about that place, pare, but no one dared to go there," simula ni Dylan. "There were, actually. Pero wala isa man sa mga sumubok ang nakabalik sa kani-kanilang pamilya." Napakunot ang noo ko.
"And you guys believed in that? Sounds like one of mga kwento ni Lola Basyang." Hindi sila natawa sa biro ko. Totoong naniniwala sila roon?
"Dude, listen, Tawid-bundok is a serious talk of the town. Maraming buhay ang kinuha nito and you can't just invalidate their beliefs. May feelings kang masasagasaan." Ivan is serious about it. Ganito sila naniniwala sa myth na 'yon pero bakit ako lang ang hindi nakakaalam sa aming tatlo?
"You should take this seriously, Chino." Nangalumbaba si Dylan at tila nag-isip. "I wonder how does Tawid-bundok looks like..." As if there's a bulb lighted on my head, I snap and it get their attention.
"How about a content about Tawid-bundok?" sabi ko at nagkatinginan sila. Sabay silang tumango-tango bilang pagsang-ayon.
"Pwede rin. How about giving facts and trivias?" Ivan suggested.
"Marami nang educational vlogs ang gumagawa niyan, pare." Tumango ako sa komento ni Dylan. Mukhang hindi lang dapat basta facts and trivias lang ang ihain namin sa mga viewers dahil marami na silang pwedeng mapanood na ganoon.
"Sabagay. Komplikado rin dahil kailangan natin ng reliable sources. I will not trust google and wikipedia." Muling nag-isip si Ivan. Nabalot kami ng katahimikan dahil sa malalim na pag-iisip.
Maraming comments ang article kaya alam kong sikat ang myth about Tawid-bundok. Alam kong malaking amount ng followers and views ang makukuha ko kung makaisip man ako ng content na may kinalaman sa misteryosong lugar na iyon.
"How about a Tawid-bundok tour?" Muli ay nagkatinginan silang dalawa dahil sa suggestion ko. At hindi ko alam kung matatawa ba sila or what.
"You're kidding, right?" sambit ni Ivan.
"I'm dead serious here." Parehas silang napangiwi nang makitang seryoso ako. Akala ba nila na hindi ko 'yon kayang gawin? Hindi pa ba nila ako kilala? I'm the most daredevil man they have ever met.
"We won't, Chino," matigas na sambit ni Ivan. He's using an authority na tila ginagamit ang pagiging panganay niya sa aming magpipinsan.
"Why not, dude? It's just a myth," I said, chuckling.
"At mananatiling mito," pinal niyang sabi kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi natin alam ang mga maaaring naghihintay sa atin doon, Chino. Paano kung hindi na rin tayo makabalik tulad ng sinapit ng ibang sumubok na pasukin ang lugar na 'yon?" sabi pa ni Dylan. There they are. Pinagtulungan na nila ako.
"This is for our vlog, mga pare. Come on, let's try this one." Umiling si Ivan. "Wala namang mawawala." Wala akong plano na sukuan ang isang ito at mangungulit ako hanggang sa makuha ko ang pagpayag nila.
"Walang mawawala kasi tayo mismo ang mawawala." Ngumiwi ako sa sobrang negative ni Dylan.
"Naduduwag ba kayo? Mga pare, Acosta tayo." I tried to provoke them pero nanatili silang desidido na salungatin ako. Hindi talaga sila kumbinsido sa plano ko. For me, it's very exciting pero nasisira iyon ng pagiging killjoy nila.
Ganito ba talaga katindi ang istorya ng Tawid-bundok that even my daredevil cousins would refuse to try? It makes me even want to try it. Gusto kong malaman kung may sense at worth it ba ang atensyong nakukuha ng mito na iyon. It has such a lame name and I think Tawid-bundok is just overrated.
"Listen, Chino Acosta, never ever dare to enter Tawid-bundok. May iba pang bagay ang pwede natin maging content. But not this one." I just make face at Ivan just to end this conversation. I badly want to try Tawid-bundok. Wala akong pakialam kahit gaano pa ito kadelikado tulad ng sinasabi nila. I need to be there for my content.
Sabay-sabay na kaming tumayo at naglakad palabas ng unit. It is our one of our girl cousin's birthday and she invited us. It would be a family dinner and we know that our parents would be there. Ayaw na sana naming pumunta dahil alam na namin ang mangyayari. Hindi lang talaga namin matanggihan si Kyra kaya wala na kaming ibang choice kundi ang pumunta kahit pa alam naman namin na mamaliitin lang kami ng sarili naming mga kadugo.
Sanay na rin naman kami sa mga salita nila kaya alam na namin ang tamang paraan para i-handle ang ganoong uri ng senaryo. Kaya pa nga naming baliktarin ang sitwasyon. Instead of belittling us, we can simply piss them off.