JENNIE Kasama namin ang mga kapatid at pinsan ni Lyndon hanggang matapos ang dinner, pero hindi nagtagal ay isa-isa na silang nagpaalam sa amin. Naiwan kaming dalawa at hinatid na rin niya ako dito sa hotel room ko. "Tomorrow, we will publicly announce our wedding. May gusto ka bang i-add or i-suggest, para masabi ko sa publisher ko?" tanong sa akin ni Lyndon. "Wala," maikli at walang ganang sagot ko. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Pinili kong sumandal sa sofa dahil pakiramdam ko ay hinang-hina ako. "I'm sorry if I dragged you, sa ganitong sitwasyon." Narinig kong hinging paumanhin ng katabi ko. Instead na sagutin siya ay nagtanong ako tungkol sa bagay na bumabagabag sa isipan ko. "Sino sa mga kapatid mo ang may anak na lalaki, tapos kamukha niya at may buntis