JENNIE Nagpupuyos ako sa galit, habang nakahiga sa sahig at nasa nasa ilalim ni Lyndon. Hindi ako makapag-isip ng maayos, dahil natalo ako ng labis na frustration at halo-halong emosyon na nararamdaman ko para sa lalaking nasa ibabaw ko. “Kapag hindi ka umalis d'yan, pagsisisihan mong sinama mo ako dito sa bahay mo!” galit na banta ko sa kanya, pero tila amazed na napangiti pa si Lyndon. “Bakit? Anong gagawin mo?” pilyong tanong sa akin ni Lyndon. Naningkit ang mga mata mo. “Susunugin ko itong bahay mo, kasama ka!” Hangga't maaari ay ayaw kung gumamit ng dahas, dahil ayaw kong ipakita sa kanya kung ano ang kaya kong gawin. Mas mabuting low profile lamang ako at walang nakakaalam kung hanggang saan ang alam ko, para ipagtanggol ang sarili ko. Narinig kong mahinang tumawa si Lyndon at