JENNIE "Why are you here?" walang emosyon na tanong ko kay max, nang abutan ko siyang naghintay sa akin sa labas ng bahay ko. Ngumiti siya sa akin at umalis sa pagkakasandal ng katawan sa pintuan ng penthouse ko. "Pinapunta ako dito ni boss," sagot agad ni Max. Hindi na ako nagtanong pa. Normally, tinatawagan ako ni Boss Alexander kapag may kailangan siya, pero ngayon lang nangyari na pinapunta niya dito sa bahay si Max. Kung sabagay, nandito na nga pala ako sa Pilipinas, kaya pwede niyang utusan ang kahit na sino sa mga tauhan niya, para puntahan ako dito sa penthouse. Walang kibo na binuksan ko ang pintuan at pumasok ako, kasunod si Max. Inilapag ko ang dala ko sa sahig at walang buhay na umupo sa sofa. "You look exhausted." Narinig kong sabi ng kasama ko, pero hindi ko siya sin