JENNIE Maagang umalis si Lyndon at naiwan akong mag-isa dito sa kanyang bahay. Agad akong naligo at nagbihis. Isinuot ko ang damit na pinabili niya, na hinatid dito ng kanyang personal assistant kanina. Mabuti na lang at kasya sa akin ang mga ito ng isukat ko. Masarap sa pakiramdam ang tela at komportable ako. Base sa tag, mukhang mamahalin rin ang brand na pinamili ng assistant ni Lyndon, pero since hindi naman ako mahilig sa branded na mga damit ay hindi na ako nag-abalang tingnan kung magkano ang halaga ng mga ito. Lumabas ako ng silid at palihim na iginala ang mga mata ko sa buong kabahayan. Kung titingnan ay wala akong nakitang mga camera sa paligid, pero alam kong nagkalat ang mga ito kahit saan, dahil malinaw na nakita ko ito ng ma-traced ng smart watch na gamit ko. Mukhang tam