"uhmm.." naalimpungatan ako pero hindi ako dumilat, actually hindi naman kase talaga ako natutulog eh, i'm just resting my eyes.. saka kahit napagod ako dun sa dyug namin ni Arlan (what the?! dyug talaga. hehehe) ayokong matulog, baka kase paggising ko mawala lahat ng ito dahil panaginip lang siya.
siniksik ko pa yung katawan ko palapit sa kanya. niyakap niya naman ako pabalik. napangiti ako, ramdam ko yung tigas ng dibdib niya. pwede bang dito nalang ako tumira? okay lang ako dito kahit 24/7 pa. HIHIHIHI
"ehem ehem.." ang sweet talaga ng boses ni Arlan.. parang pambabae..
teka?!
o_O
pikit... mulat... pikit.. mulat
humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Arlan saka hinanap ng mata ko kung sino yung nagsalita.
o_O
OH.MY.GOD!
SI NANAY MINDA NAKATAYO SA MAY PINTUAN!!!
"NANAY MINDA!!!" dali dali akong bumangon sa pagkakahiga kaya hindi ako aware na dumausdos na pala pababa yung kumot na nakatakip sa katawan ko.
nagkatitigan kami ni nanay Minda. nauna akong nagbaba ng tingin, okay..
spell AWKWARD?!
pinagpapawisan ako ng malagkit, kasing lagkit nung wiwi ni Alan. (shoot! bastuga) para akong batang nahuling nagnanakaw ng kendi sa tindahan. hindi na ako makatingin ng diretso kay nanay Minda. para kaseng dissappointed siya sa inabutan niya eh..
sabagay, haller! sinong magulang naman kaya ang matutuwa kapag nakita yung anak nila na may kasamang hubad na babae sa bahay nila?
ano yun, nagtruth or dare, tapos pag nag dare, magtatanggal ng isang gamit sa katawan? wholesome eto ganon?!
"anak, kanina ka pa hinihintay sa inyo, magbihis na kayo diyan." yun yung sabi niya na sobrang malumanay saka umalis. napatingin ako sa kanina pa tahimik na si Arlan at ang gago nakatingin sa boobs ko!
gusto ko sana siyang bbatukan pero wala ako sa tamang wisyo kaya hindi ko na sya pinatulan.
"hey, look at me.." hinawakan niya ako sa baba para mapatingin ako sa kanya. "everything's gonna be alright. i promised." ngumiti lang ako sa kanya pero andun parin yung takot. pano pag sinabi ni nanay Minda yung tungkol sa nakita niya ngayon?
OH MY GOD! IM SO DEAD!!
nagbihis na lang ako ng tahimik saka kami lumabas para makapagpaalam kay nanay Minda, hindi na nga ako nakalapit sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan eh.
tahimik padin ako hanggang sa makarating kami sa mansyon, ang dami daming tumatakbo sa utak ko ngayon para akong mag eexam sa science, math at english..
nagrarambol ang mga letters sa utak ko. xD
"maniwala ka sakin Ann, magiging okay ang lahat." tango at ngiti lang ulit yung naisagot ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa lips. namula na naman siya.. ewan ko nga ba dito, lagi naman namin yun ginagawa kung bakit nagbu blush parin siya?
pagpasok ko sa bahay sumabay na ako kila nanay kumain para hindi mahalatang may iniisip ako pero ramdam padin ata nila yung tamlay ko.
"oh rhoanne.. hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo.. may sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Lola Aura. napatingin naman sila lahat sakin.
"uhmm wala lang po la, medyo wala lang po akong gana kumain ngayon." sabi ko habang pinaghihiwalay yung mga ingredients nung ulam naming kaldereta.
"wala kang gana, di ba favorite mo yan kase maanghang? gusto mo magpaluto pa tayo ng iba?"
"wag na po nay, akyat na lang po ako.. excuse po." tumayo na ko sa lamesa saka dumiretso sa kwarto ko. wala ng linis linis, diretso higa nalang ako.
"ano ka ba naman kase Ann.. ang landi mo yan tuloy namo mroblema ka ngayon. tsk!" ayan pinapagalitan ko yung sarili ko.
KINABUKASAN
pansin na pansin yung pagiging malamig nung trato sakin ni Nanay Minda, hindi ko naman siya masisisi pero, hindi talaga ako mapalagay eh.. i really need to talk to her.
binantayan ko lang maghapon si Nanay Minda, sinigurado ko din na wala ng ibang tao sa mansyon bago ko siya kausapin.
nasa kusina siya naghahanda ng pananghalian nung pinuntahan ko siya dun at niyakap sa likod.
"Nanay Minda.. pwede ko po ba kayong makausap?" hindi naman siya nagalit o anuman, ibinaba niya yung hawak niyang sandok saka niya ako hinarap. grabe! i've never been this nervous.
nakatingin lang siya sakin na parang naghihintay ng sasabihin ko.
"ahh, ehhh.. yung tungkol po.. sa nangyari..." i cleared my throath bago ulit magsalita. "mahal ko po talaga ang anak nyo... at.. handa ko po siyang panagutan."
geez! kung ano anong lumabas sa bibig ko! kase naman hindi ako nagpraktis ng sasabihin eh,
nanlalaki ang matang nakatingin lang siya sakin na para ba akong multo. sabagay, dapat si Arlan ang magsabi nunsa nanay ko at hindi ako sa nanay niya pero nagawa ko na eh, ayoko namang ito lang yung maging dahilan ng paghihiwalay namin ni Arlan? ayoko nga..
naging okay naman na kami ni Nanay Minda pagkatapos nun eh. sinabi ko nalang sa kanya na sasabihin ko din naman kila Nanay Erin yung tungkol samin ni Arlan sa birthday ko.
may approval na kami galing kay nanay Minda kaya 'tong si Arlan, wagas na naman kung makatuka! nyay parang manok lang eh.
naadik na ata sa halik ko. pumaparaan eh. andyang naglalakad lang ako bigla na lang may brasong pupulupot sa bewang ko saka ako hihilahin sa may likod ng kurtina para manghalik.
minsan naman, tumutulong siya kay nanay Minda maghiwa nung mga lulutuin, syempre andun din ako. pag tumatalikod saglit si nanay bigla na lang manghihila para makahalik. grabe lang! kamag anak ata ni Flash yun eh.
ANG ADIK SA HALIK!!!
weh parang ako lang hindi. hihihihi
bukas na yung debut ko kaya last day na namin'to sa pagiging SIKRET UN. xD
andito kami ngayon sa may ilalim ng tulay gumagawa ng milagro. ;D HAHAHAH jowk lang! nakikiuso lang kami. nagsusulat kami dun sa may wall dun.
tinignan ko yung ginagawa niya. 'LANLAN LOVES ANNANN'
ayiiiieeeeh!!! kinikilig ako ane beh?! kinuha ko yung pentel sa kanya saka ako nagsulat ng 'ANNANN LOVES LANLAN MORE' saka tumingin sa kanya. ayy namumula na naman yung negritong yun. harhar
hinawakan ko yung mukha niya saka ako nag tiptoe para mahalikan siya. smack lang dapat yun eh kaso yunng adik bigla ba namang hinawakan yung batok ko para hindi ako makagalaw edi ayun..
LAPLAP KUNG LAPLAP WITH MATCHING FENCING NG DILA PA. PENG PENG PENG!
parehas na kaming hinihingal nung maghiwalay kami. grabe naman kase..
namumula yung pisngi kong nag iwas ng tingin. mahirap na, baka matuloy nga yung pag gawa namin ng milagro dito sa may ilalim ng tulay. kahit naman gustong gusto ko yun hindi naman pwede at baka may makakita samin noh!
"gabi na pala.. tara hatid na kita."
tumingin ako sa kanya na nakatingin sa langit. lumipat din yung tingin ko sa tinitignan niya. ang ganda ngayon, ang daming mga bituin. "i could live like this forever.. ikaw at ako lang."
napatingin ulit ako sa kanya na nakatingin lang din sakin. ang seryoso ng tingin niya pero hindi ko makuhang magseryoso din kase..
EHHHH!!!!!!! KINIKILIG AKO EH! ANO BA YAN! XD
"magkakadiabetes na ko nyan sa sobrang tamis mo.. halika na nga! uwi na tayo." nauna na akong tumayo pero hindi pa siya tumYO. INEXTEND NIYA LANG YUNG MGA BRASO NIYA NA AKMANG NAGPAPAHILA. WAGAS DIBA?! ANG LAKING TAO NIYA TAPOS MAGPAPAHILA SAKIN?!
pero syempre hinila ko parin siya kase sayang ang body contact! wahahaha para namang ang manyak nung dating ko nun.
"AAAAHHHHHH! SIRAULO!!!" napatili ako. ang gago naman kase imbes tumayo ako pa ang hinila paupo kaya ang resulta..
napahiga ako sa ibabaw niya! alamnyo yu? oo yun na yon. nakatitig lag ako sa mukha niya. nakakaduling na nga dahil sobrang lapit lang ng mga mukha naming dalawa.
"gaano mo ako kamahal Ann?" tanong niya out of nowhere.
"i love you.. hanggang sa matuyo ang dagat sa Sta. Catalina. in other words-- until i die..." sabi ko saka
*chup*
hindi ko na natiis eh. kating kati na yung nguso kong halikan siya eh mukhang may balak ata siyang mag staring contest kami... yoko nga xD
nabigla siya sa ginawa ko kaya ayun pinakawalan ako nung loko. hahaha kala niya ha! tumakbo ako agadpagtayoo ko at ayun, hinabol naman niya ako. take note NASA KALSADA KAMI. buti nalang walang masyadong sasakyan dito. nasa probinsya kami remember?
"bilis Lan! ang bagal.. hahahah!"
"pinagbibigyan lang kita, pag ikaw nahabol ko, lagot ka sakin!!" sabi niya habang hinahabol parin ako.
"hoooooh i'm so scared!" sarcastic kong sabi. hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya naman..
*BLAG*
natigil ako sa pagtakbo hindi dahil sa nasaktan ako sa pagkakabangga ko, kundi dahil sa....
tumigil din siArlan sa pagtakbo at tumingin sa tinitignan ko.
*GULP*