Chapter 12 - mahal nga kase kita eh..
SUMMER, EIGHT YEARS AGO
Two months nalang.. EIGHTEEN NA KO. ^_^ yuhooh! FREEDOM!!!
This is the summer vacation i look forward to.. finally pwede ko nang pakasalan si Arlan! :)
'kasal agad?! Di pwedeng boyfriend muna? Ahihihi
Pinag uusapan na nila yung gagawin sa debut ko pero ako? Ayokong makialam.. Ayoko ngang magparty eh. simpleng bumuo lang nang sariling pamilya kasama si Arlan este simpleng salo salo lang ng pamilya okay na ako eh. Ajujuju
"Nak, kelangan namin ng labing anim pang pangalan sa eighteen roses mo." sabi ni nanay. Napagdesisyunan kaseng icelebrate ng maaga yung birthday ko since alanganin nga sa pasukan yun.
May twenty eight nalang gaganapin at sa Sta. Catalina ang venue.
"Nanay, kelangan pa ba ng mga yan? Hindi ba pwedeng magpancit nlang tayo?"
Ayoko kaseng magsuot ng gown. Fashion Designs ang course ko pero hindi talaga komportable magsuot nun.
"Hindi pwede baby.. Si lola Aura mo ang may gustong mag debut ka.. gusto mo bang magtampo sayo yun?"
Eh si nanay, ginamit pa si Lola Aura para mapapayag ako.
"Eh nay, pwede bang mag debut ako na nakapants nalang?"
"Naku mother, wit pwede ang type ng junakis moh! Aba sayang ang fez value kung may i hide lang. At ang curves winner!" sabi naman nung bading.
"HA??!"
"Hindi daw pwedeng naka pants, sayang daw ang ganda at sexy mo kung hindi mo ipapakita."
"NAY! Nagets mo yun?!" naamaze naman ako. Talent yun! Ako nga hindi ko naintindihan yun eh.
"Oo. at agree ako sa kanya. aba! Isang beses lang kung mag debut ang isang babae noh!"
Pagkatapos ng mahaba habang pilitan, napapayag na din nila ako. ang isang bagay lang na ikinatuwa ko sa mga nangyari ay yung last dance ko si Arlan at yung paguwi ni Hans. Ay dalawa pala un. Hahaha engot!
Nasa manila kami ngayon para sa gown fitting saka para na din mag confirm kung sinu sino yung mga makakasama sa cotillion ko. Nag decide na kame nila nanay na sa mall nalang maglunch tutal past twelve na naman.
Pumasok kami sa isang sosyal na restaurant. And oh, kasama namin si Arlan. yieh! Kinikilig ako sagad sa matres. :D
Lumapit samin yung isang waitress na sumobra yung lawak ng ngiti. Okay lang sana kung lahat kami iniintindi niya.
"hi ma'am, hi sir, may i take your order?" magalang na sabi niya pero halata mo namang nagpapacute lang siya kay Arlan.
"Miss, ano bang specialty nyo, yun nalang." sabi ni nanay
"okay ma'am, would that be all?" sabi nung waitress pero kay Arlan nakatingin.
'imbyerna tong babaeng to ah! Si arlan naman, alam ng nagpapa cute sa kanya kung makangiti wagas! Grrr!'
"miss, pa additional naman ng peace of mind kung meron kayo. nawawalan ako ng peace of mind dito eh." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng sarcastic
"ah, sige ma'am iseserve na po ba kasabay ng main course or dessert nalang?" sabi niya sakin na sarcastic din.
'aba't!'
"Pwedeng ngayon na mismo? Pantanggal umay lang?!"
Nakanganga na yung mga kasama ko sa table pati dun sa kabilang table sa way ng pag uusap namin nung waitress.
"Okay ma'am, che check ko lang kung available na yung peace of mind namin." sabi niya saka taas kilay na umalis.
"Pusanggala! Pigilan nyo ako. Masasabunutan ko yung babaeng yun!" bulong ko habang pinipigilan ako ni Arlan. Bulong lang. ayoko maeskandalo nuh.
"tumigil ka nga Ann! Para kang bata!"
"isa ka pa! Bitiwan mo nga ako! Malandi ka din! Alam mo ng nilalandi ka na, nagpapalandi ka din naman! Para kang globe! Go lang ng go!"
"Tsk! sabi mo kanina pigilan ka, ngayong pinipigilan ka, pinabibitaw mo naman ako."
Napaisip ako.. 'oo nga noh?' pero syempre kelangan kong panindigan ito kaya..
"Sinabi ko bang ikaw ang pumigil sakin?! ayan si nanay saka si Pam oh?!"
"as if naman kaya kang nilang piilin.. yang .. ehem.." hindi niya na itinuloy yung sasabihin niya dahil pinandilatan ko na siya ng mata.
'Oo na! aminado naman akong chubby ako eh! kelangang ipangalandakan?hmmmp!!!
Natawa naman si nanay. Sa kanya nga talaga ako nagmana. medyo baliw din yung nanay ko eh.
"Tumigil na baby, nandito tayo para kumain hindi para makipagbasag ulo."
"nanay naman.. basag ulo agad? Di ba pwedeng catfight muna para sosyal?"
"gusto mong mabasag ang ulo mo gamit 'tong kutsara?" hinawakan niya pa yung kutsara saka akmang ibabato sakin.
"sabi ko nga nay, behave na ako eh." sabi ko sabay arteng zinip ko yung bibig ko.
Dumating din naman yung order namin pero hindi na yung babaeng flirt yung nagserve. tinanong ko pa nga siya kung asan na yung order kong peace of mind pero nginitian niya lang ako. infairness kay kuya. ang cute niya.
Nung natapos kaming kumain, nauna akong lumabas. nakasalubong ko pa yung flirt na waitress.
"thank you ma'am, comeback soon." sabi niya pang nakangiti. ajujuju ang plastik! Buhusan kita dyan ng suka eh.
"saka na ako babalik dito, kapag wala ka na. what's the essence of good food without good service?" sabi ko saka taas noong umalis. kala niya ha!
"Ann!" gah! Boses pa laang kinikilig na ako, pero hindi! GALIT KA RHOANNE! Ipakita mong galit ka.
"ANO?!" hahaha pasigaw yan para intense
"init talaga ng dugo mo dun sa waitress na yun." nakangiting sabi niya.
"malandi kase siya. pati ikaw malandi ka din! Harap harapan pa talaga yung ginagawa nyo!" nandidilat na mata kong sabi sa kanya.
"nagseselos ka ba?"
"OO! NAGSESELOS AKO!! AKIN KA LANG ARLAN. AKIN!! NAIINTIND--- s**t!" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil lumawak lalo yung ngisi niya.
"nagseselos ka nga." pagku kumpirma niya.
"ASA KA DUDE!" Tumalikod nalang ako dahil pakiramdam ko pulang pula yung mukha ko. Naglalakad nalang ulit ako palayo. nakakahiya kaya.
"ANN-ANN!" tawag na naman niya. pumikit nalang ako bago humarap sa kanya.
"ANO?!" nagsisigawan na kame dito. Gumagawa ng eksena sa mall at pinagtitinginan na ng mga tao pero wala akong pakialam.
"MAHAL KITA!"
'ano daw?'
"YIEEEHHH"
Wow lang ha.. nauna pang nagreact yung mga usisero't usisera sa paligid.
"a-anong sabi mo?"
"sabi ko mahal kita." sinundot ko yung tenga ko gamit yung daliri ko.
"nabibingi na ata ako.. ano nga ulit yung sabi mo?!"
"tsk! gusto mo lang yatang paulit ulitin ko eh!" kakamot kamot ng ulong sabi niya. actually, naintindihan ko naman yung mga sinabi niya.. gusto ko lang talagang ulit ulitin niya kase...
EEEHHHHH!!! KINIKILIG AKO EH!!! HIHIHI
"ayaw mong ulitin? k fine!" tumalikod na ako at akmang maglalakad palayo nung bigla siyang sumigaw
"RHOANNE SANDOVAL! MAHAL NGA KASE KITA!!" naiwan sa ere yung paa ko. syet! nanginginig yung tuhod ko.
"AHHHHH!!!
"OH.MY.GOD! NAKAKAKILIG!"
nakalimutan na ba namin na nasa mall kami at maraming taong nanonood samin? NAKAKAHIYA! pero on the brighter side...
ahhhhh!! mahal niya na ako..~~ mahal niya na ako..~~ ME IS KINIKILIG!! IM KINIKILIG!!! yung feeling na sumasayaw ng gentleman yung malanding pagkatao ko? hahahah heaven. lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"uy magsalita ka naman.." nasa harapan ko na pala siya, hindi ko man lang napansin. yumuko nalang ako at tumingin sa sapatos niya. "look at me Ann."
dahan dahan kong itinaas yung tingin ko mula sa sapatos niya, sa kulay brown na pantalong suot niya, pataas sa.. *lunok* waah! ayokong tignan! yung virgin eyes ko hindi na virgin!! huhuhu. iniwasan ko ng tingin yung totoot niya. kaya diretso sa belt niya na yung tingin ko. sa shirt niyang medyo hapit sa kanya pataas sa balikat hanggang sa mukha. tinitigan kong maigi yung buong mukha niya.
"hay Arlan! why so gwapo?!" bigla siyang ngumiti.
"Ewan ko? tanong mo kay nanay minda." tinakpan ko yung bibig ko. ohmy! naivoice out ko pala yung laman ng isip ko. humiliation part hindi ko na mabilang. yumuko nlang ako. ahhh! nakakainis.
"uhmm wala ka bang isasagot dun sa sinabi ko?"
"hah?!" te-teka.. ano bang tinanong niya?
"sabi ko mahal kita.. wala ka bang sagot dun?"
:"eh? hindi naman tanong yun eh.. bat kelangan ng sagot?" biglang nagbago yung itsura niya.
"ang korni naman ni ate.. akala mo naman kagandahan." may nagsabi sa paligi nun. lumingon lingon ako, madami dami padin palang nanonood samin.
"HOY! GUSTO MO PALIT TAYO? PAKIALAMERANG 'TO!" sigaw ko sa kanya. nag walk out naman siya kasama yung mga kaibigan niya siguro.
"tsk! warfreak.." binulungan ni Arlan yung tenga ko. shocks! nakiliti ako! "so ano nga.. anung sasabihin mo?"
"uhmm.." grabe naman,. ninenerbyos ako eh! ano bang isasagot ko dun? i love you too? tapos magiging kame? eh hindi pa nga ako pwedeng mag boyfriend diba? ayokong madissapoint sila nanay at tatay sakin.
"uhmm.." nakatitig ako sa shirt niya. "uhmm.. next time wag ka ng magsusuot ng ganyang klaseng damit ha?" bulong ko sa kanya.
biglang kumunot yung noo niya. urgh! sorry Arlan.. kahit naman matagal na kitang mahal ayoko namang sirain ang tiwala nila nanay eh. di bale, sa araw mismo ng debut ko, kahit hindi ka na manligaw, sasagutin na kita. ayiieh!!
pina intertwine ko yung mga kamay namin saka ko ginamit yung isang kamay ko para unatin yung nakakunot niyang noo at salubong na kilay.
"alam mo na naman yung sagot dun diba? kalma ka lang.. dadating tayo diyan." bulong ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi. sa pisngi lang, nakita ko na kase sila nanay na nakatingin samin eh.
ngumiti naman siya saka tumango sakin.