Sina Ann-ann at Lan-lan pa rin

1066 Words
chapter 11- si Ann-ann at Lan-lan parin Summer, nine years ago "Boyfriend mo na ba yung Arlan na yun?" tanong sakin ni Ate Camille isang araw. "Huh?! Hindi ah.. Kahit naman pinapayagan ako nila nanay na maaga kumerengkeng, bawal pa akong mag boyfriend hanggat hindi pa ako eighteen." Si Ate Camille yung pinsan ko sa father side, matanda na yan. Hahahaha twenty five na siya ngayon at may dalawa ng anak. "Hindi mo pa boyfriend, eh ano pala kayo?" "MOMOL lang ate Cams--ARAY!!" binatukan ba naman nya ako. "Momol ka diyan! isumbong kaya kita kay Tita Erin! Ikaw na babae ka! Mamaya mabuntis ka ng maaga niyan." si Ate Cams talaga daig pa niyan si nanay kung manermon. Ayaw niya daw kaseng magaya ako sa kanya. Yung dalawang anak niya kase magkaiba yung tatay. Yung na ano lang ba? "Momol nga lang mabubuntis agad?! ang advance ng utak mo ha." Hindi kami nakauwi ng sta. Catalina ngayong bakasyon dahil may inaasikasong bussiness sila nanay at tatay sa Manila. Malungkot ako dahil hindi ko man lang mabibisita si Lola Aura at the same time, okay lang din naman kase wala dun si Hans. and speaking of the devil, Nag aaral na ulit siya. B.S Philosophy pa ang kinuha niya. Sosyal ang loko! lagi naman kaming nag uusap sa skype kaya parang hindi naman talaga kami nagkalayo eh. So ayun nga, since hindi kami nakauwi sa Sta. Catalina, Si Lola Aura yung lumuwas dito. Nagulat nalang ako na kasama niya sa pagluwas si Arlan at ayun naging okay na kami agad. "Basta baby Ann, wag munang isusuko ang bataan okay?" sabi pa ni Ate Cams. Istorbo sa pagpa flashback ko. "Oo naman noh! Saka bata pa ako para diyan." sabi ko nalang saka kumuha ng apple sa lamesa. --------------------------------------------------------------------------- "Lan, saan mo gustong pumunta?" kumakain kame sa greenwich. May date kami ngayon, yun nga lang may asungot kaming kasama. hehehe kasama namin si Pam saka yung panganay na anak ni Ate Cams na si Janelle. "Ate, nood tayong movie." sabad ni Pam. "Kelan pa naging Pam ang Lan-lan?" tinawanan naman kami ni Arlan. "nag susuggest lang eh. tse!" "manood nalang nga tayo ng movie para malibang yang dalawang bata." nakangiting sabi ni Arlan. tinignan naman siya ni Pam. "Hindi na ako bata noh! nung ganito yung age ni Ate Rhoanne dati, wala na siyang ibang ginawa kundi kausapin yung picture mo na nakadikit sa kwarto niya. 0_________0 tumawa naman ng malakas si Arlan. "ANG DALDAL MO NAMAN PAM! KUMAIN KA NA NGA LANG!!!" nakakainis! binuking pa ako sa harap ni Arlan!! urgh!! Napasin ko nalang na nakatingin si Arlan sakin habang nakangiti. "nginingiti ngiti mo dyan! kumain ka na nga lang!" "hanggang ngayon talaga patay na patay ka parin sakin noh?" biglang lumawak yung ngisi niya. 'psh! ako patay na patay sayo? hah! you're stating a fact dude.' pero syempre hindi ko sinabi yun. "ako?! PATAY NA PATAY SAYO? HA! KAPAL LANG NG KUPAL MO PO NOH?!" sumisigaw na pala ako, intense eh. Nagtinginan tuloy samin yung ibang kumakain. "Easy ka lang Ann, halata ka naman masyado eh. GUILTY!" tawa tawa padin siya. "Wag ka ngang tumawa ng ganyan!" 'nalalaglag yung panty ko eh! eh!! ang landi lang!!' "Nakakatawa ka kase eh." nagpout nalang ako tapos bigla siyang tumigil sa pagtawa kaya tumingin ako sa kanya. "tigilan mo nga yan." seryosong sabi niya. 'HUH?!' "huh?! ang alin?" Naglean siya sa table kaya halos ilang inches nalang yung pagitan ng mga mukha namin. nasa tapat ko kase siya tapos katabi niya si Pam, ako naman katabi si Janelle dahil pinapakain ko siya. "Yan.. Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko, mahalikan kita dito." 'EH???? GUSTO KA YAN!!! HIHIHI ANG LANDI.' "e-ehem" kunwaring inubo si Pam kaya napatingin kami sa kanya. "May mga bata po kayong kasama. rated SPG yang ginagawa niyo." 'syet! panira ng moment eh! ayun na eh.. may umepal pa. umayos naman na siya ng upo saka nakangiting tumingin nalang ulit sakin/. "Tapusin niyo nalang nga yang kinakain nyo. then, we'll gonna watch movie." nabadtrip na ako. Ehh panira eh. ------------ Naglalakad na kami papunta sa may fourth floor. Andun kase yung movie house eh. Pagod na daw maglakad si Janelle kaya binuhat siya ni Arlan saka inilagay sa may leeg niya. Lumabas tuloy yung muscles niya sa may braso dahil sa pagbuhat niya kay Janelle. "Ate, laway mo tumutulo." napapahiyang pinunasan ko yun gilid ng labi ko. bumibili kaming dalawa ni Pam ng popcorn kaya naiwan kame. "siraulo ka Pam, wala naman eh." "grabe ka naman kase makatingin eh, parang kakainin mo ng buo si Arlan dun sa ginagawa mo." "hindi kaya.." naglakad na ulit kami ni Pam pasunod kila Arlan. "oo kaya. susumbong kita kay nanay mamaya ate.. ang landi mo eh." napatigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. "subukan mo lang. ipapakita ko kay nanay yung diary mo." "edi gawin mo, minor offense lang yung akin, yung sayo. almost kissing in public. PDA yun noh! major offense." kinabahan naman ako. lumapit ako sa kanya saka bumulong. "diba gusto mo yung wii ko? papahiram ko sayo ng one week?" "anong akala mo sakin, madadaan mo sa suhol?! hah! NEVER!" "ONE MONTH?!" "anong meron? wala akong alam. may amnesia ako." sabi niya, ngumiti ako saka kami nag shake hands. SUCCESS!! "ano pang ginagawa niyong mag ate diyan?!" sigaw ni Arlan. huuuu!!! why so yummy? "Ahh wala.. May pina uusapan lang kami ni Pam." hawak ko na yung kamay niya nung tumakbo kami palapit kay Arlan. "Ano naman yun?!" taas kilay niyang tanong. "One month." tipid na sagot ni Pam. "Anong one month?!" tanong niya ulit. "Ah, wala yun.. tara na." pumasok na kami sa movie house. Shrek ever after yung pinanood namin. karamihan ng nandito puro bata. Nasa gitna kaming dalawa ni Arlan. sa gilid ko si Pam nasa tabi niya naman si Janelle. Magkahawak yung kamay naming dalawa at ako ay kinikilig. pinaglalaruan niya naman kase yung mga daliri ko saka niya ako hinalikan sa noo. "Sana ikaw nalang si Fiona at ako si Shrek.. Sana may happy ever after din tayo." napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. "kahit si Lan-lan at Ann-ann tayo.. magkakaroon parin tayo ng happy ever after." sabi ko saka ko siya sinubuan ng popcorn. Bumuntong hininga siya. "Sana nga Ann.. Sana nga, si Ann-ann at Lan-lan parin." Hindi ko alam kung bakit.. pero parang kinabahan ako bigla..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD