The Lion, the witch, and the audacity of this beech

2143 Words
Alam ko ng mangyayari 'to. I should have prepared my self para dito pero seeing them this close na parang walang pakialam sa paligid nila kung makapaglampungan wagas?! Uhmm i can kill her can i? Pero syempre since mabait ako, i just smile. plastic as i may seem eh walang pakialaman. Kahit naman kase naninikip na yung dibdib ko at parang unti unti ng pinupulbos yung puso ko, wala naman akong karapatang magpakita ng emosyon diba?! pagdating ko sa bahay galing kay nanay Minda, itong karima rimarim na tagpong ito ang naabutan ko. si Darlyn nakaupo sa lap ni Arlan. YUCK! GROSS! IMMORAL!!!! UNETHICAL!! hahaha ako na talaga ang bitter. "apo, andiyan ka na pala.. grabe ka naman mag jogging. inabutan ka na ng gabi." napansin na pala ako ni Lola aurang nakatayo sa may isang tabi kaya lahat sila napatingin sakin. si Arlan at Darlyn nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.. oh bakit?! ang ganda ko diba? hahaha charot! "uhmm may nakasalubong kase akong kakilala lola Au eh.. napakwento lang po ng bongga." nakangiting sabi ko sa kanya. "sino naman?" gulat akong napalingon kay Arlan nung tinanong niya yun. nagulat din ata siya sa sarili niyang tanong. "i mean.. delikado dito, ganyan pa ang suot mo.. p-pag may nangyaring masama sayo kargo kita.. ang hilig mo kaseng magsuot ng mga ganyan eh." nag iwas siya ng tingin sakin. tinignan ko ang sarili ko. there's nothing wrong with my me.. aside from the fact the medyo mababa yung neckline nung racerback sando ko na medyo pawis na dahil sa pagtakbo, medyo maikli din yung shorts na suot ko exposing my long legs. wala namang kakaiba sakin ngayon eh. "ano bang masama sa suot ko, saka ano bang pakialam mo?" nakahalukipkip kong tanung sa kanya. hindi ko naman siya tatay kung makapanermon wagas na wagas eh. "akala mo ba b-bagay sayo yang ganyang damit? ang pangit kaya!" abah! ang lakas ng loob niyang sabihing hindi bagay sakin yung ganito? ang kapaalll ang mukha ah! "ano bang pakialam mo kung ganito ang suot ko? alangan namang mag jacket ako eh nag jogging nga ako?!" "sinasabi ko lang na mayroong mas pormal na damit sa pagjo jogging! pwede ka namang mag joggin pants diba?!" napatayo pa siya nun habang inaaway ako. "ano bang pakialam mo kung anong isuot ko?! pinapakialaman ba kita ha?! ang kapal---" "EHEM EHEM.." para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nung narealize namin na hindi lang kaming dalawa yung nandito. tinignan ko si Pam na nakangisi lang katabi ni lola habang si Darlyn eh nakataas na yung kilay sakin. "so-sorry Lola.." "magbihis ka na muna sa taas para mapag usapan na din natin yung tungkol sa wedding preparations." padabog akong umakyat sa hagdan. bwisit na Arlan yun! ang kapal ng mukhang sabihing pangit ako?! pangit pala ha.. tignan lang natin kung hindi lumuwa yang mga mata mo. *INSERT EVIL GRIN HERE* isinuot ko yung tank top kong kulay cream saka micro mini short. thanks to Pam at isinama niya 'to sa mga inimpake niyang gamit. who would have thought this will be useful? sinuot ko din yung flats ko saka nag apply ng konting make up bago ako bumalik sa may living room. kitang kita ko sa peripheral vision ko yung paglaki ng mata at paglaglag ng panga ni Arlan habang bumababa ako sa hagdan. panget pala ha. tignan natin. nag smirk pa ako sa kanya nung tuluyan na akong nakababa. tinignan ko si Pam saka kumindat. i'm sure alam niya na kung bakit ko ito suot. "GOD RHOANNE! ganyan ka ba talaga magdamit?!" "oh? pati ba naman ikaw Darlyn? aminin nyo nga? sumapi ba sa inyo ng FIANCEE mo ang espirito ng mga ninuno natin? mas o.a pa kayong mag react kesa kay lola aura ah." tinaasan niya lang ako ng kilay edi inirapan ko nalang siya. "tama na yan, baka kung saan pa kayo makapunta. tena sa may dining area." nagpunta kaming lahat sa may dining nung sinabi nung kasama ni Lola na may bisita ako. "MADAAAAM!!" boses palang kilala ko na kung sino yun. si Charlotte yung baklang assisstant ko. "Carlota!" pinatulis niya yung nguso niya. ayaw niya kaseng tinatawag ko siya ng ganun. pang manang daw. eh?! Carlo nga ang totoong pangalan niya. "madam naman eh.. CHARLOTTE nalang kase." nagdadabog pa siyang nakipagbeso sakin. bumaling naman siya kay Pam "girl namiss kita!!!" "ako din girl! kaya nga pinasunod kita dito eh." "ganon?! akala ko dahil lang sa trabaho kaya ako nandito. natouch naman ako girl." patalon talon pa siya habang kunwaring naiiyak. may pagka o.a din yan minsan eh. mana mana lang yan. "ay girl, si Lola Aura nga pala.. lola Aura, si Charlotte po.." "ay hello po Lola Aura nila Madam na hindi pa mukhang Lola! naku.. alam ko na po kung kanino nagmana ng kagandahan itong dalawang 'to.. sa inyo po pala." nakipagbeso siya kay Lola. "naku.. napaka bolera naman netong baklang 'to." tuwang tuwang sabi ni lola aura. "aray naman mother! nahurt nyo naman yung feelings ng isang magandang diyosang tulad ko." kunwaring nasaktan talaga siya kaya hawak hawak niya pa yung dibdib niya. "biro lang yun Charlotte." "miss me?!" napalingon kaming lahat dun sa nagsalita. isang gwapong gwapong lalaki na bumabakat ang mga muscles sa damit. "Lawrence." ngiting salubong ko sa kanya. "hi babe.. namiss kita." sabi niya sabay halik sa pisngi ko. at hapit sa bewang ko. ohkay.. anyare?! uhmm hindi naman kase kami talo ni Lawrence kaya nabigla ako sa ginawa niya. tinignan ko agad si Pam na bahagyang tumango lang sakin. "anong ginagawa mo dito? ang alam ko si Charlotte lang ang pinapunta dito ni Pam?" "namiss kita eh.. ako ba hindi mo namiss?" teka lang ha.. anung kalokohan 'to? "ahh, lola Aura.. si Lawrence nga po pala.. photographer namin saka.. boyfriend ni Rhoanne." *CRRAAAAASH* napalingon kaming lahat kay Arlan na nasa harapan ang nabasag na baso. "pasensya na.. dumulas sa kamay ko." madilim ang mukhang sabi niya habang nakatitig sakin. ang weird ng mga tao. una, si Lawrence.. kelan ko pa siya naging boyfriend eh boyfriend siya ni Pam? tapos eto namang si Arlan.. basta an weird.. "iho.. ikaw pala yung boyfriend ni Rhoanne." "ahh, opo.. nice meeting you po lola Aura." *SPLASH* nagkandasamid samid ako nung tinawag ni Lawrence na 'lola' ang 'lola ko.' anak ng kapre oh! sumasakit na yug ulo ko eh. "ikaw pala ang boyfriend ni Rhoanne at hinahayaan mo lang siyang magsuot ng ganyan?" laglag ang pang ni Lawrence nung tumingin siya sakin pero alam ko peke yun. lagi niya kaya akong nakikitang nagsusuot ng ganito lalo na kapag mainit ang panahon. "hanggang ngayon ba Arlan, hindi ka parin makapag move on..." nanlaki ang mga mata niya at napasinghap dun sa sinabi ko. ".. sa suot ko? hayaan mo pag nalabhan ipapahiram ko sayo." medyo double meaning ata yung sinabi ko pero wala naman akong ibang intensyon nung sinabi ko yun. "ano ba? hindi pa ba tayo magsisimula? sayang ang oras ohh.." putol ni Darlyn samin kaya nag umpisa na kaming mag usap tungkol sa kasal niya. mula sa motiff, invitations, prinsipal sponsors pati yung venue. "gusto mo ng beach wedding? pero hindi ko mai aadvice sayo yan, hindi naman kase ganun kaganda yung sa sta. catalina eh.. kung gusto mo, sa ibang lugar kayo magpakasal?" taas kilay na si Pam. masyado naman kaseng maarte si Darlyn. "basta! i want a beach wedding! white sand beach wedding sa sta. catalina! gawan niyo ng paraan!" "beach wedding, beach wedding.. b***h!" bulong ni Pam sa tabi ko. "anong sabi mo?" "sabi ko, mag uubos lang tayo ng white paint dyan sa gusto mong mangyari. tapos paano pag nag high tide edi inagos lang din yun ng tubig.. mag isip ka nga! "abat! this is my wedding. organizer lang kayo! i want you to make my dream wedding possible." "wedding organizers nga lang kami.. hindi kami diyos. we dont make miracle! dalawa lang yan. kung gusto mo talaga ng beach wedding it's either maghahanap tayo ng ibang lugar or we'll stick with the mud-colored-sta.catalina-sand!" Pam's loosing her temper kaya kelangan ko ng umaksyon. "magagawan pa naman natin siguro ng paraan yan.. for now, how about the wedding gown?" tanung ko kay Darlyn. nakatingin lang samin yung ibang tao dito. hindi ata nila alam kung paano sisingit sa pinagtatalunan nung dalawa. "uhmm nabanggit ni Lola Aura na you design wedding gowns daw pero sorry Rhoanne ha.. may nakausap na kasi akong sikat na designer eh, she's a friend of mine. i hope hindi kita ma offend pero kase alam mo naman, i'm a high profile person and this wedding wedding will be the wedding of the year so i need the best designer in town. actually kakausapin ko na nga siya ngayon eh." maarteng sabi niya sabay kuha nung cellphone niya. tumaas ng bahagya yung kilay ko pero nkangiti padin ako. "oh sure.. i don't mind." sabi ko pero nakakuyom na yung mga kamay ko. "hello tina.. yes, can you connect me to the owner of RPS COLLECTIONS..." nagkatinginan kami ni Pam, umiling ako saka bahagyang ngumiti sa kanya. "yes tina, make it faster!" sabi niya dun sa kausap niya. "kung FRIEND mo nga yung may ari ng RPS COLLECTIONS bakit hindi mo alam yung personal number niya?" "uhh. i lost my phone kase recently eh.. kaya ayun alam mo na, new phone.. new number.. anyways, friend ko talaga siya, magkasama kami nung wedding nung anak ni President Martinez last month eh.. hold on Pam i think naka connect na ako sa kanya." sakto namang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko yun agad. napangiti ako nung nakita ko kung sino yung tumawag. "hello?!" tinitignan ko yung reaksyon niya. napangiti ako ng wagas nung nakita ko yung shock sa mukha niya. "you.. y-you own RPS?" hindi parin makapaniwalang sabi niya. "actually, we.." tinuro ko si Pam tapos sila Charlotte. "own RPS." sabi ko sabay flash ng colgate smile ko sa kanya. " now do you still want me to make your wedding gown?" sabi ko sa kanya sabay baba ng phone. "i..i.. i c-can't believe it!" parang shock na shock na sabi niya. "believe it miss Darlyn, sa katunayan nga niyan andun din ako nung kasal nung anak ni president Martinez and hindi kita masyadong napansin dun.. i mean, hindi talaga kita napansin noon." sabat naman ni Charlotte. "yeah whatever! okay.. payag na akong ikaw yung gumawa ng wedding gown ko." "wow ha! parang utang na loob pa ni madam na siya ang gagawa nun." inirapan si charlotte ni Darlyn. "urgh! bukas nalang natin ituloy.. i dead tired already.." maarteng sabi ni Darlyn sabay tayo. "pero.. madami pa tayong dapat pag usapan." pigil ko sa kanya. "ikaw na yung bahala sa iba.. tutal magkapareho naman tayo ng taste eh." nag smirk pa siya bago tuluyang umakyat ng hagdan. ahhh.. magka clash kaming dalawa pag magkasama kami sa bahay. "Charlotte san kayo mag iistay ngayon?" tanong ni lola. "aii mother! nagpa book na po kami sa hotel kaya keri boom boom na yan." "wala ba kayong naiwang trabaho sa manila?" tanong ko naman. "okay na yung orders ni Mrs. Tan madam, for pick up nalang yun, si ma'am Camille na daw ang bahala. "ikaw Enz?" "wala pa akong photoshoot, next week pa.." "good." bumaling ako kay lola Aura. "lola, Aura, pwede bang dun nalang din muna kami sa hotel na tinutuluyan nila para makapag brain storming na din kami." please pumayag ka na lola.. ayaw kong makasama si Darlyn dito. "kunwari ka pa babe, if i know gusto mo lang ako makasama." kinurot pa ni Lawrence yung pisngi ko. Pamela naman!! aware ka ba sa ginagawa ng boyfriend mo? *CRRAAAASH* "SORRY LOLA AURA.. DUMULAS HO KASE ULIT EH." nandito pa pala si Arlan, akala ko sumunod na siya kay Darlyn pag akyat. "mabuti pa ay umakyat ka na Arlan, mauubos ang mga baso ko sayo eh. magpapahinga na din ako.. kung gusto niyo talaga Rhoanne na sa hotel nalang muna tumuloy, sige mag ayos na kayo ng gamit." sabi ni Lola Aura saka tumayo. si Arlan naman tumitig muna ng matagal sakin bago umakyat. "Pam.. anung kalokohan 'to?!" inis na tanong ko sa kanila. "tinutulungan lang kita ate.. you should have seen Arlan's face.. selos na selos ang gago eh." "girl, yun ba yung sinasabi mong ex papabol ni Madam? s**t! nalaglag yung napkin ko dun ha." tumitiling sabi ni Charlotte "oo girl! ulam diba?" binatukan naman siya ni Lawrence. "agoy! selos ang pangga ko ah.. wag kang mag alala mahal kita." sabi niya pa sabay pinisil yung ilong ni Lawrence. tumalikod nalang ako sa kanila. masaya akong masaya si Pam minsan medyo may selos din pero pakiramdam ko kase hindi para sakin yung mga rela relasyon na yan eh. would you believe it, walong taon na akong single? parang mean to be akong maging matandang dalaga eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD