"Ano--" naputol ang sasabihin ko ng marahas niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko.
Pula ang kanyang mga mata na parang hindi nakatulog ng isang taon.
Nakakuyom ang panga nito na nagtitimping saktan ako.
Seryuso akong bumaling sa mga mata nito. Pinapakita ko rin na galit ako sa kanya. Wait bakit pala ako galit? Ah! Basta galit ako.
" You wanna die?" malamig na tanong nito sa akin. Na humakbang papalapit sa akin.
Tumingin ako sa palagid baka may tao na nakatingin sa amin ngunit na dismaya ako ng wala kahit na isa sa floor na ito. Bakit wala asan na mga tao?
Kung papatayin man ako ng taong kaharap ko ngayon walang saksi!.
Nabuhayan ako ng loob ng nakita kung may CCTV malapit sa amin.
Sa wakas kung papatayin ako nito may CCTV! May evidence na makukuha ang mga police! Yes!
"What are you thinking?." ngising tanong nito at tumingin sa tinitignan ko.
Bumulanghit ang tawa niya sa buong floor.
May pahawak-hawak pa ito sa tiyan niya na parang sobrang nakakatawa ang nasa harap niya ngayon.
Masama ko lang siya tinignan pero habang pinagmamasdan ko siya tumatawa mas lalo siyang gumu-gwapo. Wait! Hindi siya gwapo! Demonyo siya. Demonyong gwapo!.
Sasapakin ko nasa ang mukha nito ng sinalo niya ang kamay ko na nasa ere na. Inilapit niya mukha niya sa mukha ko dahilan ng pag-atras ko.
Pero patuloy parin ang paglapit ng mukha niya.
Ano pipikit na ba ako? Mukhang hahalikan niya yata ako.
Napapikit na ako hinihintay ko ang pagdampi ng labi niya pero wala akong nararamdaman kaya ng dumilat ako bumungad ang mukha niya at may malaking ngisi sa labi nito.
Akala ko tatawa siya ngunit nagkamali ako ng lumapit siya sa tainga ko at bumulong.
" Ano bang iniisip mo na gagawin ko sayo?....ang halikan ka tulad ni Odilia?." natatawang saad nito.
Uminit ang pisngi ko at tinulak siya.
"Hindi nuh!...a-ano kase..kase kaya ako pumikit NAKAKATAKOT ANG MUKHA MO PARANG DEMONYO!" utal na sagot ko dito.
Bakit ba ako pumikit at nauutal pang sumagot! Nakakainis!
Dinilaan niya ang kanyang mga labi at tumingin sa paligid.
Umiiling-iling siya at tumingin sa akin na parang natatawa.
"Mag-uusap tayo kapag pumasok kana sa school." natatawang saad nito at tuluyan niya akong iniiwan na nakanga-nga. Bwesit!
Kausapin niya sarili Niya!
Bwesit! napahiya ako doon. Bat ba ako pumikit.
Napatingin ako sa supot na hawak ko. Nakalimutan kung tanungin ito sa kanya.
Napatingin ako sa nilakaran niya pero wala na siya doon.
Nanghihinayang bumalik ako sa kwarto at ganon parin si mama tulog parin.
Bakit ba ako nanghihinayang na wala dito ang DEMONYONG na iyon.
•**•
"kamusta mama mo?" bungad saakin Flor ng pumasok ako sa room ko.
Hindi ko inaasahan na andito siya dalawang araw na kaming hindi nagkikita at dalawang araw na din niya dinalaw si mama. okay lang sa akin hindi siya dumalaw kaso noong tumawag ako hindi niya sinagot ang phone niya kaya nag-alala ako.
"bakit hindi hindi mo sinagot ang tawag ko?...may problema ka ba?." tanong ko sa kanya. binaliwala ko ang tanong niya sa akin.
Ngumiti siya sa akin.
"Wala...Wala akong problema pero ikaw mayroon." saad nito.
Alam ko may problema siya hindi naman siya ganon dati. Pagtumawag ako sinasagot niya agad kahit gaano pa siya ka busy.
Pero noong isang araw hindi niya sinasagot kaya alam ko may problema siya. Ayaw niya siguro pag-usapan kaya binabaling niya ang usapan saakin.
"Ok na si mama....operahan na siya at sa hospital muna daw mamalagi para mabantayan siya...iyon ang Sabi ng doctor ni mama."
Tumango siya at ngumiti.
" Mabuti naman..dadalaw na lang ako ulit pag may oras ako....busy ako dhay e." pacute na saad nito.
tumango lang ako.
" your here."
napabaling ako ng marinig boses ng demonyo. sino pa ba?
"anong kailangan mo?." usal ko.
salubong ang kilay niya sa tanong ko. ano naman kaya ang kailangan nito.
" Siya pala." saad ng kasama niya. Hindi ko kilala at wala akong balak magtanong.
tumingin siya sa kasama niya at bumalik agad ang tingin niya saakin.
"ano?" tanong ko. tumingin ako kay flor ngunit nagulat ako ng wala na siya. Asan naman kaya ang babae na yun at hindi man lang napag-alam.
"hey, di ba sabi ko mag usap tayo." bumalik ang atensyon ko kay Axel.
" wala tayong dapat pag-uusapan." Sabi ko at tumalikod na ngunit napabalik ako ng hinila niya ang braso ko feeling ko mababali ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya. oo mababali kase masakit.
"Ano ba?!." sigaw ko.
"mag-usap tayo sa ayaw at sa gusto mo."Sabi niya sabay hila saakin.
Habang hila niya ako lahat ng tao sa paligid nakatingin sa amin ang iba nag bubulungan. Lalong uminit ang dugo ko ng mas mabilis siyang naglakad at hila niya ako hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya.
" ano ba Axel bitawan mo nga ako!."
" Ayaw ko mag-uusap tayo you like it or not!." matigas niyang saad.
"sige na mag-uusap tayo." suko ko. Hindi ko na kase kaya masakit na pagkakahawak niya. Saka lang siya huminto sa paglalakad at binitawan ang braso ko.
Pagtingin ko sa braso ayon nga namumula na. Bwesit na demonyo na to.
"Now let's talk." saad niya.
" Nag-uusap na tayo." pamimilosopo ko. Matalim ang kanyang mata nakatingin sa akin. Bahala siya.
" Ano ba yun? Bilisan mo may lakad pa ako."
" Magtrabaho ka saakin."