Chapter 1.
" Mama gusto ko lang naman tulungan ka." saad ko kay mama habang nagpupunas ng mesa katatapos lamang namin kumain.
Mula nagsimula kaming kumain hanggang sa pagkatapos namin ito parin kinukumbensi ko parin siyang na magtrabaho ako. Kase alam ko na hirap na siya. Kahit nag-iisa akong anak alam kung nahihirapan buhayin ako ni mama lalo na't wala na siyang katuwang sa buhay.
" Wag na chan, kaya kitang buhayin mag-isa kaya mag fo-focus ka sa pag-aaral mo dahil iyan lang yaman ang maipapamana ko sayo." sagot naman niya.
Ganya ang parating sagot pag kinukumbensi ko siya. At tulad ng dati malungkot naman akong tumango. Pero ang utak ko gusto talagang gawin ang sinisigaw ng puso ko.
Buo na ang desisyon ko mag tatrabaho ako ng patago bahala na gagawin ko lahat para makatulong sa kanya. Kahit hindi niya sasabihun kita ko naman na nahihirapan na siya at alam ko na may sakit siyang iniinda pero tinatago lang niya para di ako mag-alala kung hindi ko lang aksidenteng nahalungkat ang bag niya di ko sana malalaman iyon.
Gusto kung sabihin sa kanya pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni mama. Kaya ilihim ko na lang hanga't di niya sasabihin mananatili iyong lihim.
Nirerespeto ko ang desisyon niya.
Pero babaliin ko lang naman ang maliit na sanga, para naman ito sa kanya at sa akin ayaw ko pa mawalan ng ina, nawalan na ako ng ama kung pati siya kawawala gusto sasama din ako sa kanila. Kaya hanga't may magagawa ako tutulungan ko si mama.
"Oh! Bat ganyan ang mukha mo?" Muntik ko ng makalimutan nasa library pala ako kasama ang best friend ko na si florine. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.
" Yung totoo? May problema ka ba?". tanong niya sa akin ngumiti lang ako at nagsimulang magbasa ulit.
Hindi pa umabot ng dalawang sigundo ng kunin niya ang aklat at napatingin naman ako sa kanya. Ito naman siya tinging mausisa.
Kaya panahon na siguro para mag kwento sa kanya. Hindi ko pa kase nakukwento ang problem ko.
Gulat siyang marinig ng e-kuwento ko sa kanya ang kalagayan ni mama. At may pagtatampo din siya sa akin na di ko agad sinabi sa kanya.
"Kaya gusto kung maghanap ng trabaho na yung makakapag-aral ako para di malaman ni mama." saad ko sa kanya.
Nakikita ko sa mga mata niya ang awa. Pero binabaliwala ko lang ang nakita ko. Kaya ayaw ko sabihin kung ano problema ko kase ayaw Kong kaawaan man ako nino man.
" Tamang-tama si auntie naghahanap ng tao para sa pinsan ko." usad niya. Napakunot naman ako ng noo. Pinsan? Di ko alam na may pinsan pala ito.
Tulad ko di naman nagku-kwento ang gaga na toh. Magku-kwneto lang pag di nakayang dalhin.
"Sinong pinsan?."tanong ko. Ngumiti lang siya at sabay sabing "Ipakilala kita kay auntie." saad niya at iniwanan ako. Ibang klase din ang babaeng iyon.
Maghahanap ako ng trabaho ayaw ko umasa sa sinasabi ni flor. Alam ko na mayaman ang angkan nila pero di ko alam na may pinsan at auntie siya.
Akala ko both side ng parents niya ay nag-iisang anak. Mayroon pala siyang auntie. Saan kaya yung side sa mama niya or sa papa niya. Ay..bahala sila. Basta trabaho ang kailangan ko.
Mamaya maghahanap talaga ako ng trabaho.
Papasok muna ako ng last klase ko.
Nang makapasok na ako sa room ay bumungad sa akin na ingay ng mga kaklse ko sa subject na ito.
Bat ba kase maingay anong mayroon?
ah.. kaya naman pala ang hari ng impeyerno pinagkakaguluhan. Kase naman pa misteryoso pa ang Kuya niyo. Ayaw mag kwento ng background niya sa buhay. kaya maraming interested na malaman. Pero ako never!
Umupo na ako sa aking trono. Char! upuan pala hahaha. Funny!
Naghalungkat na ako ng book ko baka may surprise quiz e. mahilig pa naman sa supresa ang professor namin History.
Magsisimula na akong magbasa nang lumalakas ang ingay sa banda nila. Nakapwesto ako sa bintana sa harapan ako naka pwesto pero hanggang dito abot ang ingay nila. hay nako syempre isang classroom lang naman.
" Yeah. Hindi ko ugaling mag kwento wala akong sa mode." wika nito sa mga babaeng panay ang tanong sa kanya ng kung anu-ano.
Mga sismosa kase. Wag pilitin pag ayaw. tss.
" Ang KJ mo naman Xel." malambing na wika ni Jane kaklase ko na panay dikit sa hari ng impeyerno.
" Paano ba maibalik ang mode mo sa paanong paraan." malanding wika naman ni Odilia.
Napatingin ako bigla ng sumigaw ang katabi ko. Kaya na palingon ako sa kanyan. tumingin siya sa akin at itunuro niya ang bandang maingay. at laking gulat ko ng naghahalikan si Axel also known Xel at si Odilia.
nako ano tingin nila sa school? Club? Ang bastos nila.
Ang mga kasama nito ay nakatuon sa kanila at ang dalawa panay halikan naman. Umalis si Jane at pumunta sa upuan nito sa kabila.
Mukhang gustong magwala.
Ang landi talaga ng lalaki na to. Dito pa dinala ang kalandian nila. Nakakadiri!
Hindi maalis ang tingin ko sa dalawa. lahat siguro kami ay nanonood sa kanila.
Nang matapos sila nagkasalubong ang mga mata namin ni Axel. Ngumisi pa ang gago na demonyo.
Umiwas agad ako sa patingin niya at tumingin kay Odilia na mukhang nasisiyahan ng sobra.
Bumulong si Axel kay Odilia dahilan ng ngumuti ito ng malapad.
Aalis ko na sana ang patingin ko sa kanila ng hinwakan ni Axel ang puwetan ni Odilia. Nanlaki ang mata ko ng sinampal ni Jane si Odilia.
Patay malaking gulo ito sa pagitan ng dalawa.
Nang bumaling ang patingin ko kay Axel. Ngumisi ito ng malaki. demons talaga itong lalaki na to.
Ang dalawang nag-aaway panay ang sampalan.
at ang loko mukhang nag-e-enjoy na nanonod sa dalawang babae na nagsasabunutan na.
kinuha ni odilia ang book atsaka pinukpok sa ulo ni Jane at ang tibay ni Jane hindi lang man lang natumba.
Agad sumugod si Jane at kumuha ding book sa tabi nito at hinagis kay odilia. at natapaan nito ang mukha. Patay! sapol.
Walang gustong umawat sa dalawa paski ako ayaw ko madamay.
Kahit nga si Axel na ngumisi pa ng malaki at hindi umaawat sa kanila.
" Tama na Yan!!." Nagulat kami ng may biglang sumigaw. Patay si ma'am dumating na pala.
"Anong nangyayari dito? bakit kayo nag-aaway?." tanong ni ma'am ng makalapit sa banda nila Axel. At si Axel parang walang nangyari.
"Ano walang sumagot?." tanong ni ma'am sa dalawa.
Yumuko ang ibang kaklase ko at pati ang dalawang nag-aaway.
" Ah, Ma'am. nagkakatuwaan lang sila." biglang sagot ni Axel. Ano nagkakatuwaan?
Anong klaseng sagot ba Yun.
tumingin si ma'am sa dalawa at laking gulat ko ng ngumisi si Odilia at ganon din si Jane.
lahat kami nagtataka lalo na ako.
" Nagkakatuwaan? Tignan mo nga at parang galing sila sa gyera." sagot naman ni ma'am.
tumawa ang dalawa na parang nagkakaintindihan.
"Yes ma'am nagkakatuwaan lang kami right sis?." baling ni Jane kay odilia. Tumango naman si Odilia at ngumisi pa ng malaki.
"Siguraduhin ninyo lang na nagkakatuwaan kayo." saad ni ma'am at diniin pa ang salitang nagkakatuwaan. kase naman sino ba maniniwala sa sinasabi nila.
Bumaling si ma'am sa mga kaklase ko at pinagmasdan kami isa-isa. At tumigil ito sa akin.
" talaga bang nagkakatuwaan lang sila miss Sales?." tanong ni ma'am sa akin. Di ko alam kung sasakay ako sa kasinungalingan nila.
Tumingin ako sa banda nila Axel. Ngumisi lang ito sa akin at ang dalawang nag-aaway kanina nagyakapan na. At taas kilay nila akong tinignan.
"Miss Sales?." tawag pansin ni ma'am sa akin na dahilan ng pagbaling ko sa kanya .
" Yes ma'am." sagot ko dito. at ngumiti.
" Yung totoo class?." baling ni ma'am sa mga kaklase ko.
"Yes ma'am nagkakatuwaan lang po sila." sabay-sabay na sagot nila.
"Alright." wika ni ma'am at bumalik sa mesa nito sa harap.
" Total hindi na kayo bata alam na ninyo ang tama at mali." dugtong ni ma'am bago nagsimulang sumulat sa black board.
Umupo na kami sa kanya- kanyang upuan. Pero bago ako bumaling sa harapan. Ngumisi si Axel sa akin pero ang kamay nito sa ulo ni Odilia. Magkatabi pa upo pero si Jane bumalik sa dati niyang upuan.
Inalis ko na lang tingin ko sa kanila at binalingan ang gurong nagtuturo.
nag beep ang cellphone ko sa aking bulsa at kinuha ko ito at binasa. Parang gumuho ang mundo ko. Agad akong nagpaalam kay ma'am.
Buti at pinayagan ako ng ipabasa ko sa kanya ang text ng kaibigan ni mama. Na kasamahan din niyang nagta-trabaho.
Nanginginig na ang buo kung katawan pero pilit kung tahakin ang daan palabas ng school.
Akala ko susunod na akong mao-ospital dahil kamuntikan akong mahulog sa hagdan ngunit may mga brasong pumupulupot sa baywang ko.
Kung sino man ang taong ito laking pasasamat ko.
Nanghumarap ako sa tao na iyon. Nagulat ako na si Axel pala.
" Mag-iingat ka baka ikaw ang unang mamatay." saad nito. At binatawan ako.
Umayos ako ng pagkakatayo at binalingan siya pero nasa kalagitnan na itong ng hagdan.
bwesit talaga! Demonyo!
Sa kabila ng panginginig ko at galit ko sa lalaki na iyon ay patuloy ko parin tinatahak ang daan.
Siya ang unang mamatay bago ako ang sama talaga ng lalaki na iyon.
Kailangan ko ng pumunta sa hospital. Kailangan ako ni mama.
Nang nakalabas na ako ng gate ng school agad akong pumara ng jeep ngunit kamalasan at tuloy-tuloy lamang itong nagmaneho.
Kaya wala akong magawa kundi tumakbo kung may jeep or taxi akong makikita malayo pa lang pumapara na ako sa kanila. Ngunit ang malas laging puno ito ng mga pasahero.
Bakit ba nangyayari sa amin ito ni mama?.
May nagawa ba kaming kasalanan sa past life namin kung may past life man?
Sa gitna ng init ng araw ay patuloy lamang ako sa pagtakbo. kailangan ko makarating agad sa hospital kung saan si mama.
Hindi ko na malayan na umiiyak na pala ako.
Sa init ng araw para akong naliligo ng pawis wala na akong pakialam kung ano man tingin ng nakakapaligid sa akin.
"Mama andyan na po ako." saad ko sa isipan ko.
Muntik na akong pasagasaan ng kotse kung hindi lang ako umatras.
Nagulat ako ng familiar sa akin ang kotse na ito.
Lumabas ang may-ari ng kotse at binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
Seryuso siyang tumingin sa akin. Pero wala salita lumalabas sa bibig niya.
Alam ko ang gusto niyang mangyari gusto niya akong sumakay.
Ayaw ko sana pero emergency kailangan ako ni mama ngayon. kailangan niya ako.
Agad akong pumasok ng walang pag-alinlangan. Bahala na kung anong iniisip niya sa akin at bahala na kung maamoy man niya ako. Bahala siya.
Ilan minuto lamang at nakarating na kami sa hospital. Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil hindi ko naman sinabi kung saang hospital dinala ang mama ko.
" Sige lumabas kana puntahan mo na ang mama mo." wika nito ng tinigil niya ang kanyang sasakyan sa harap mismo ng hospital.
Tumingin lang ako sa kanya at agad na lumabas. Saka ko na lang siya tatanungin at pasasalamatan pag magkita kami sa school.
Sa ngayon si mama ang mahalaga sa akin.
Nang nakarating na ako sa loob agad akong nagtanong sa nurse kung saan si mama.
" Nasa room 143 po ma'am second floor." sagot nito. Agad akong nagtungo sa elevator.
Nang nakarating ako sa tamang floor ay agad akong patakbong patungo sa room ni mama. At nakita ko agad.
Hindi na ako nag abala pang kumatok agad kung binuksan ito.
Para akong nawalan ng lakas ng nakita kong si mama na nilagyan ng oxygen.
bumaksak ako sa sahig para akong nawalan gana lahat ng lakas ko parang isang iglap nawala.
Agad din dumalo si Auntie at tinulungan ako sa pagtayo.
Namumula ang kanyang mga mata at ang pisngi nito at may tuyong luha.
Kanina pa siguro ito umiiyak sa pag-alala kay mama.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
" Ang mama mo..may sakit siya."wika nito na pilit pinatatag ang boses para di maiyak.
" Anong sakit niya auntie." hikbing tanong ko habang nakatingin kay mama. Natatakot akong lumapit sa kanya baka hindi ko makontrol ang sarili ko. Umiyak sa harap niya.
Ayaw ni mama na nakikita akong nalulungkot o umiiyak ganon siya mapagmahal na ina.
ayaw niya akong masaktan.
"Kausapin mo na lang ang doctor niya hija." ngayon umiiyak na siya habang nakayakap sa akin.
"Ano pong nangyari at nagkaganyan siya." Hikbing tanong ko. Hindi ko na kaya gusto kung ilabas ang sakit na to.
"Habang naglilinis kami sa bakuran ay bigla siyang nahimatay...buti na lamang nakita siya ni nilma..na..nakatalikod kase ako sa kanya." kwento nito habang pinupunasan ang
mga luha nito na patuloy parin dumadaloy.
"Bago nangyari iyon masaya pa kaming nagku-kwentuhan tungkol sa nakaraan namin noon at hanggang sa napunta ang usapin sa.....sa..iyo." patuloy nito. Nag tatakang napatingin ako sa kanyan.
"Bakit anong sabi niya." tanong ko. at kumalas ako ng yakap upang puntahan si mama.
"Wala lang namn...normal na usapin patungkol sa pag-aaral mo." saad nito. Hindi na ako tumingin sa kanya dahil ang attention ko na kay mama na.
Hinalikan ko si mama sa noo. At tumingin ako kay auntie.
Tulad ng mga mata niya ang mga mata ko na kasing lungkot ng taong walang maisip na pangarap sa buhay.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ulit siya.
"kailangan ko makausap Ang doctor auntie." saad ko sabay kalas sa pagkayakap sa kanya.
Tumango lamang siya. At hudyat na maaari na akong lumabas.
Tumingin muna ako Kay mama bago ko binuksan ang pinto at tinungo ang opisina ng doctor.
Alam ko sinabi na kay auntie ang sakit ni mama pero hindi niya siguro kayang sabihin sa akin.
Bigo akong lumabas sa pinto ng opisina ng doctor ni mama.
Bakit ba kase nangyari pa kay mama iyon.
Nanginginig ang buong kamay ko.
Hindi ito totoo walang sakit si mama malakas siya.
Pero iyon ang totoo.
Iyon ang katotohanan.
Halos hindi familiar sa akin ang binangit na salita ng doctor ang alam ko lang may sakit sa puso si mama.
Hindi maaaring pabayaan si mama kailangan na siyang ma-operahan. Pero saan ako hahanap ng ganon kahalagang pera?. Halos luluwa na ang mata ko ng marinig ang halagang kailangan para ma-operahan si mama.
Kailangan ko makahanap ng pera. Kung mawawala si mama dahil lang hindi siya na operahan wala akong kwentang anak.
Kaya pangako mama gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapagaling ka lamang.
Kung maaaring ibigay ko ang puso ko gagawin ko.
Naluluha na akong tumingala.
Kung makakahanap ako ng heart donor may chance na kunti lang ang bayaran ko.
Pero sino?
Kung wala ang donor na magyayari kailangan kung bumili.
Pumasok na ako sa kwarto ni mama at hanggang ngayon tulog parin siya.
Gusto ko ng marinig ang boses niya.
Lumapit ako sa kanyang kama. Tumayo si Auntie para maibigay niya sa akin ang upuan. Tumingin ako sa kanya at yumakap.
" Auntie, kailangan na po ninyong magpahinga ako na po ang magbabantay kay mama." saad ko dito.
Kumalas siya ng yakap at hinaplos niya ang pisngi ko. Ngumiti lang ako para ipakita na ok lang ako.
" Sige. Uuwi ako at sabihan ko si Madam." wika niya. " Pero babalik ako para magdala ng mga gamit niya at pagkain na rin." dagdag nito.
Hindi na ako kokontra dahil kailangan ko ang lahat ng sinasabi niya.
" ah..pu-pwde po bang magtanong?." nahihiyang tumingin ako sa kanya. Tumango lamang siya.
" May sahod po ba si mama natitira sa amo ninyo po?." tanong ko.
Ngumiti siya pero andoon parin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Oo hija, yun din dahilan kaya gusto kong makausap si Madam at ipaalam ang kalagayan ng mama mo." saad nito.
"Salamat po auntie." usal ko sabay yakap sa kanya pero kumalas din ako ng may i-dudugtong siya.
" At hihingi din ako ng tulong sa Kay Madam...mabait si madam sa amin kaya hindi yun mag-aatubiling tutulong sa amin lalo na sa mama mo."
Doon ako nabigyan ng buhay. Hindi ko na pigilan ng yakapan si auntie ng mahigpit.
Hinaplos lang niya ang likod ko para tumahan na ako. Mabait pa rin ang langit sa amin.
Lalo na si Auntie sana...sana totoong sinabi niya na mabait ang amo nila.
" Sige na hija tutulak na ako..wag ka ng mag aalala pa may awa ang Panginoon sa atin hindi niya pababayaan ang mama mo...at saka malakas ang mama mo..magtiwala ka lang ah?."
Tumango lang ako at binalingan si mama.
"sige hija." paalam nito.
Pagkaalis ni Auntie hinwakan ko ang kamay ni mama para maramdaman niya na andito lang ako sa tabi niya.
" Mama pagaling ka..alam ko makakaya mo yan..andito lang po ako..." hikbi ko.
Nararamdaman ko ang aking bulsa na nagva-vibrate kinuha ko ito at tinignan.
Inayos ko muna ang boses ko bago ko sinagot ang tawag.
" Yes po ma'am?." tanong ko sa kabilang linya.
" Kamusta na ang nanay mo?." tanong nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Mrs.Gonzalez.
Siya iyong professor namin sa History na pinabasa ko ng text para payagan ako nito lumabas.
" ah..mabuti naman po." naging sagot ko sa tanong niya. Dahil naniniwala ako na gagaling si mama.
" Mabuti naman kung ganon..wag ka ng mag alala ako na bahala magsasabi sa mga professor mo kung anong nangyari kung bakit hindi ka makapasok sa klase nila." saad nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa lagay na'to.
" Maraming Salamat po ma'am." wika ko.
" Walang anuman alam kung ang pakiramdam mo..sige ibaba ko na ito ah..may klase pa kase ako." paalam nito.
"Sige po ma'am Maraming Salamat po talaga." saad ko.
Nakapatay na ang tawag pero nakatitig parin ako sa cellphone ko.
May mga taong palang kayang intindihin ang sitwasyon ko.
"Maraming Salamat sa lahat ng taong tumulong at umintindi sa kalagayan ko." wika ko sa aking isipan.
Tumingin ako kay mama at hinalikan ang kamay nito.
nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Si Flor tumatawag. Sinagot ko agad.
" Chan! ok ka ang ba." bungad nito sa kabilang linya ramdam ko talaga ang pag alala nito.
" ok lang ako pero si mama..." hindi ko kayang sabihin ng hindi humihikbi ang sakit mabigat sa pakiramdam.
" Pupunta ako dyan sandalilang..pakatatag ka..e-text mo sa akin kung saan hospital kayo." wika nito. Mukhang nagmamadali siya naririnig ang background niya tumatakbo siya.
" Oo.. sige mag-iingat ka." huling sabi ko bago ko pinatay ang linya.
"Mama pupunta si Flor dito..kaya gumising kana please." pakiusap ko kay mama.
"Mama... please..."
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako ng hindi si Flor ang pumasok kundi si..Axel. Anong ginagawa niya dito?.
" A-anong ginagawa mo di-dito." utal na tanong ko dito.
"How's your mom?." tanong nito at binabaliwala ang tanong ko sa kanya.
Tumingin muna ako kay mama bago ako yumuko.
Nagulat ako ng pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.
Kaya agad akong tumingala sa kanya.
Wala akong makitang emosyon sa mata niya. Ang tanging makikita ko ang pagkuyom ng panga niya.
" A-ayos lang si-si mama." utal na sagot ko. Ba't na ako kinakabahan? at nau-utal pa!.
" Relax." wika nito saka tinanggal ang kamay nito sa ulo ko.
Ibinaling niya kay mama ang patingin niya. At ako tinitigan ang bawat galaw niya.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang bulsa. Nagulat akong ng ibinaling niya agad sa akin ang paningin niya. Kaya umiwas ako at tinuon ang patingin sa ibang bagay.
" I have an offer for you." saad nito.
Nagtataka akong ibinalik ang tingin ko sa kanya.
Seryuso lamang siyang tumitig sa akin.
Ano bang nakain ng lalaking ito?
Ano daw offer?
"Ano bang sinasabi mo?." tanong ko dito.
Nakainom ba siya? at tika..
" Ano nga pala ginagawa mo dito ah?." inis na wika dito.
" Mag-uusap tayo pag-ayos na ang pag-iisip mo." wika nito. At tinalikuran ako at umalis na ito.
Ano daw? Ano naman pag-uusapan namin?
Hahabulin ko na sana ng nararamdaman ko gumalaw ang kamay ni mama na hawak ko hanggang ngayon.
" Mama.." masayang usal ko.
Iminulat niya ang mata at tumingin sa akin.
" Teka lang ma.. tatawagin ko ang doctor mo."
Ngunit hindi niya inalis ang hawak niya sa kamay ko.
Inalis niya ang oxygen sa ilong niya gamit ang isang kamay niya.
Pero pinigilan ko ito
" Ma.. wag po."
Ngumiti siya at tinanggal parin.
Hindi na ako kumontra.
" ma.. tatawagin ko lang ang doctor." paalam ko dito. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"ma.." humihikbing usal ko at hinalikan ang noo niya.
" Ayos lang ako anak...ok. ka lang ba?."
" ma.. ba't mo ako tinatanong ng ganyan.. kayo po ang kamusta? ayos lang ba ang pakiramdam ninyo?." naiiyak kung tanong.
tumango siya at ngumiti. " Ayos lang ako wag kang mag alala."
" Pero..-." naputol ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at iniluwa si Flor.
" Tita... kamusta?." bungad nito sa amin.
" Flor pwde paki tawag ang doctor...kagigising lang ni mama." wika. agad naman lumabas ng walang pasabi.
" Ok lang ako anak."
Niyakap ko ng mahigpit si mama pero iniwasan ko masagi ang nakakabit sa kanya.
"Mag pagaling ka po ma.."
Tumango lang siya.
Kumalas lang ako ng bumakas ang pinto at niluwa soon si Flor at ang doctor ni mama na nakausap ko kanina.
Umaatras ako para makadaan ang doctor. At tinignan nito si mama.
" Kamusta makiramdam ninyo Mrs. Sales?." tanong ng doctor kay mama.
Ngumiti mo na si mama bago sumagot.
" Mabuti naman po ang pakiramdam ko." sagot nito.
"Nakausap ko na ang anak mo... pasensya na kailangan niya talagang malaman ang kalagayan mo." wika nito.
Tumango lang si mama at tumingin sa akin ngintian ako nito. Ang sakit lang na kahit alam ko na hindi ko parin mapapawi ang sakit naramdaman ni mama.
"Sige Mrs. magpahinga ka na." wika nito at lumabas agad.
Lalapit na sana ako kay mama ngunit na unahan ako ng kaibigan ko. Hindi ko siya napansin.
Niyakap niya si mama at hinalikan sa pisngi.
Hindi na iba ang turing ni Flor sa mama ko at ganon din si mama kay Flor.
Kaya higit pa sa kaibigan ang turing ko kay flor parang kapatid ko na rin ito kahit na hindi kami magkadugo.
" Mag pagaling po kayo titanay para hindi na po mag alala ang anak ninyo yan." wika nito sabay turo sa akin.
Hinaplos lang ni mama ang likod ni Flor at ngumiti dito.
" Oo naman...gusto ko pa makita ang anak ko ikakasal sa mahal niya at gusto ko pa maalagaan ang mga apo ko.." habang saad nito at ikinalukot ng mukha ko.
Gusto ko mabuhay si mama ng kaming dalawa lang. Pero kung iyon ang gusto niya...bakit hindi... nako po iba talaga utak ko.
"ma naman." saad ko at lumapit sa kanila.
Kumalas na si Flor sa pagkakayakap kay mama at ako naman ang niyakap nito.
" Andito lang ako...tutulungan kita." bulong nito sa akin sabay haplos sa likod ko. Hindi ako nagkamaling maging kaibigan siya.
Ika nga nila ang tunay na kaibigan nakikita sa kagipitan.
tunay na kaibigan hindi nag-iiwanan kahit anong pagsubok ang darating andyan kayo nagdadamayan.
"Salamat Flor." wika ko.
Ako na ang kumalas ng pagkayakap sa kanya.
Ngumiti lang ako dito at tumingin kay mama. Nakatingin rin pala siya sa amin.
"Magpahinga ka na muna ma...bibili po ako ng makakain nin--." naputol ang sasabihin ko ng hinawakan ni mama ang kamay ko at bumakas din ang pinto ng room ni mama.
Kaya bumaling ang pansin nito sa papasok na si Auntie may mga iba't ibang dala.
Kaya nagmamadaling dumalo ako Kay auntie para tumutulong sa dala niya at ganon din si Flor.
Nang kinuha namin ang mga gamit inayos ko na at tumulong sa akin si flor.
" Auntie Maraming Salamat po dito." saad ko.
" Wala iyon hija." sagot niya at bumaling kay mama.
" Ikaw kamusta kana luisa?." tanong ni kay mama.
" Mabuti na pakiramdam ko... salamat sa mga dala mo." wika ni mama.
"Wala iyon.." ngiting sabi nito.
" Ah..Chan..hija." tawag nito sa akin.
Napabaling ako sa kanya.
" Maaari ba kita makausap?."
"Opo." sagot ko sabay tingin kay mama na nagtataka.
" Bakit Maria.. bakit gusto mo makausap ang anak ko?." takang tanong nito.
" Gusto ko lang siya makausap..hindi naman ito importante... malaking tulong ito sa kanya."
" Kung pagta-trabahuhin mo siya..Hindi maaari Maria nag-aaral ang anak ko may pera ako para pang bayad sa hospital na ito..bukas na bukas din..lala--." Pinutol ko ang sasabihin niya baka makasama pa ito sa kalagayan niya.
Tumingin ako sa kanya.
" Ma..magtiwala ka sa akin kahit na nag-aaral ako kaya ko pong magtrabaho mag hinga muna po kayo..wag po muna kayo magtrabaho....magreresign na po kayo bilang katulong sa bahay na lang muna kayo magpahinga..maghanda sa nalalapit ninyong..ope--operation." mahabang wika ko kay mama para kumalma siya.
" Nak..kaya naman ni mama mag trabaho..itong sakit ko..maalis din ito..ayaw ko maging pabigat sayo...ayaw ko magpa-ope--."
" Ma..naman hindi ba ninyo ako mahal?."
umiling siya.
" Mahal na mahal kita anak.."
" Kung ganon sundin ninyo ang lahat ng desisyon ko..magtiwala po kayo sa akin..kung nag-alala kayo na baka Hindi ako makapagtapos ng pag-aaral dahil nagta-trabaho ako..Mali po ang akala ninyo.. Makakapagtapos po ako." mahabang paliwanag ko.
" Please po.." nagsusumamong saad ko kay mama.
Yumuko siya at huminga ng malalim.
Nag-alala akong tumingin sa kanya baka may masamang mangyari.
" Ma..ok lang po kayo?." nag-alalang tanong ko. lumapit si Flor sa akin ganon din si auntie.
Matagal nakayuko si mama. Bago tumingin sa amin.
Ngumiti siya sabay sabing. " May tiwala ako sayo anak."
Niyakap ko siya at hinalikan ang noo nito.
tumango si Auntie at ganon din si Flor.
"Salamat po."
" Nakausap ko na si Madam luisa." saad nito sabay bigay sa akin ng sobre. Hinala ko na sahod ni mama ang laman ng sobre.
tumango si mama pero nakaguhit naman ang paghihinayang sa mukha nito.
" Ma..wag kang mag alala kaya natin tong lampasan."
" Opo titanay kaya natin toh lampasan di ba auntie maria." masayang saad nito Flor sa amin.
Tumango kaming dalawa ni auntie para ipakita kay mama na ok ang lahat.
" Nga pala muntik ko ng makalimutan na may puntahan pa ako." malungkot na baling ni Flor sa akin. " Ok lang ba aalis ako ngayon titanay.. auntie..Chan?." dagdag nito.
Tumango kaming tatlo.
" Pasensya na at nag abala ka pa pumunta dito." saad ko.
"ano ka ba hindi big deal yun...gusto ko pa sana dito pero may gagawin akong importante pag di ko ginawa yun patay ako kay mama." paliwanag nito.
"Sige na tumalak kana para magawa mo ang dapat na ipinapagawa sayo... Salamat sa pagbisita hija." wika ni mama.
"Wala po iyon.. dadalo ako araw-araw.. kailangan ko lang po talaga..umalis." saad nito at hinalikan si mama sa pisngi at ganon din ginawa niya kay auntie.
"bye po." paalam nito sa amin. Ngunit bago siya umalis niyakap muna niya ako at nag habiling magpagaling si mama.
" Chan hija..muntik ko ng makalimutan di n gusto ka makausap ni madam sa linggong to." tumango lang ako.
"Ano pag-uusapan nila Maria." tanong ni mama.
" May e-offer yata ma.." ako na sumagot.
Bumaling saakin sandali bago ibinalik kay auntie ang patingin nito.
" Mabait si madam luisa..alam mo yan." wika ni Auntie. Sumang-ayon naman si mama.
"Pasensya kana anak ah."
" Mama don't worry...ako naman ang kikilos sa ating dalawa kaya magpagaling ka ah." sumang-ayon naman ito.
Napabaling kami ng bumukas ang pinto at pumasok ang nurse at chini-check ang kalagayan ni mama.
"Ma'am magpahinga na po kayo." wika ng nurse kay mama.
Tumango lang si mama at umayos ng higa.
Bumaling sa akin si auntie nang nakalabas ang nurse.
" Ikaw muna magbabantay sa mama mo ah?...babalik ako agad para makauwi at makapagbihis ka." paalam nito sa akin. Tango lang ang naging sagot ko.
"Ikaw din magpahinga ka." wika nito kay mama. tulad ko tumango din si mama at ngumiti.
"Mag-iingat po kayo." saad ko. Niyakap ako ni auntie at umalis na.
Pagbaling ko kay mama nakapikit na ito.
Umupo muna ako sa gilid ni mama at pinagmasdan siya. Mukhang nakatulog siya marahil sa itinurok na gamot sa kanya ng nurse kanina.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto, akala ko bumalik si auntie ngunit mali ako ng akala dahil pumasok si Axel.
Ano naman kaya ginagawa nito, akala ko umuwi na ang gago.
Nagulat ako ng binigay niya ang supot hindi ko na pansin na may dala siya.
Nasa ere parin ang kamay niya may supot kulay pula. Hindi ko alam kung ano ang laman nito.
" Kunin mo muna bago ko pa ito itapon." malamig na saad nito.
Kinuha ko na baka gawin niya nga ang sinabi niya. Mahirap na kung ganon, sayang naman kung ano man ang laman nito.
" Ba't ka pa nandito akala ko ba umalis kana?." tanong ko dito ngunit matalim lang ako nito tinignan.
Umupo siya may sa sopa. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya.
" Kumain kana..."saad nito. Tatayo sana ako ng may idudugtong pa siya "baka mamatay ka sa gutom." dugtong nito, na nag pa-usok sa ilong ko.
Kung killer lang ako matagal na itong pinaglalamayan ng mga kamag-anak niya.
Hindi ako tumayo bagkos binuksan ko ang supot na dala niya.
Nagulat ako ng nakita ang laman nito. Puro pagkain na mamahalin galing ito sa sikat na restaurant dahil nakalagay ang pangalan ng sikat na resto sa lalagyan ng pagkain.
Takang tumingin ako sa kanya. Una nagtataka ako kung bakit pa siya andito samantalang hindi niya kami kamag-anak, Oo kaklase ko siya, pero hindi ko siya kaibigan at ayaw ko talaga siya maging kaibigan!
At ito ang pangalawa, bat niya kami/ako bibigyan ng mahal na pagkain?
Tumingin muna ako kay mama bago pumunta sa pwesto ni Axel na nakaupo habang kinukulikot nito ang cellphone niya.
Tumingala siya sa akin hindi na ako magtataka ng matalim niya akong tinignan.
"What?." malamig parin ang tono nito.
Walang pag-alinlangan hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas.