Chapter 15 Kia's PoV Anuman ang sabihin ni Conor sa akin ay hindi ko na papakinggan. Sarado na ang isipan ko para sa mga kasinungalingan nito sa akin. Oo, mahal ko siya at nangako ako na ipaglalaban ko siya. Pero paano ko gagawin iyon kung ito na mismo ang sumira sa pagtitiwala ko at dumurog sa aking puso. Umiyak ako sa balikat ni Drake habang magkatabi kaming nakaupo. Nagpanggap akong matapang kanina sa harapan nila kahit na ang totoo ay hindi ko na kaya. Mahirap ang ginawa ko ngunit iyon ang tama... ang sa tingin ko ay tama. "Hay nako, Kia. Ang sakit ng suntok ni Papa Conor mo ah!" reklamo ni Drake na humawak sa kaliwang pisngi nito. "Nasira tuloy ang beauty ko." "Sorry ha. Kung pinagpanggap kita, bakla. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko." "Wala iyon noh! Gusto ko ngang sabunut