Chapter 20 Yumi's PoV Ayoko sanang pangunahan ang lahat ngunit kailangan. Bahala na kung may masabi akong hindi maganda. Naiinis na rin ako kay Conor. Bumalik nga ito pero may kasama namang iba. Ang pagtulo ng luha ni Kia ay hindi naikubli sa aking mga mata. Nasaksihan ko ang lahat ng pasakit nito at pagdurusa. Kaming dalawa ni Drake ang kasa-kasama nito sa lahat ng masasakit na sandali ng buhay nito. Kung nagpakita si Conor para lamang pasakitan si Kia ako na ang gugulpi sa kanya. Kahit na bakla ako nanununtok ako ng lalaki. "Hayaan mo muna silang dalawa!" sabi ko nang tangkang sundan ni Conor sina Kia. Sumakay na ng kotse ang mga ito. At mabilis na umalis ang kotse. May upuan sa pathway ng mall at umupo ako roon. Buti na lamang at naidinala ko ang laptop ko. Ipapabasa ko sa kay