"Welcome Home Ysabelle" my biological mom greeted me with her warm hug. Yinakap ko din siya ng mahigpit dahil kahit papaano ay namiss ko din siya.
She pulled out from our embrace and stared at me intently. Her gaze was warm and loving. Alam ko ang mga titig na iyon, she used to look at me like that when I was younger. Noong mga panahon na wala pang lamat ang relasyon namin.
She smiled at me. Tinitigan ko rin siya sa mga mata, as if gauging her facial reaction.
Im not comfortable with this so I just sighed. Alam nilang ganito ako. Im practically a bad daughter.
"Anak.." She murmured.
"Tita, where's my twin?" I asked ignoring her last word.
She creased her forehead and looked at me, as if kinakabisado niya ang bawat kanto ng mukha ko.
"He's in the office right now. You want to see him?" She asked, her voice is still warm.
"No. Bahala siya kung gusto niya akong makita. Well anyway, I want to get some rest. Aakyat na ako sa room ko. Please tell yaya Maring to follow me upstairs" I said impassively. I know she's hurting from the cold treatment she's getting from me.
Alam ko nasasaktan ko na sila ng daddy ko, pero ano bang magagawa ko kung buong buhay ko ipinamukha nila sa akin ang kasalanang hindi ko ginawa. Nasaktan din ako. At patuloy paring nagdurusa sa mga ipinaratang nila noon sa akin.
"Okay anak.. Magpahinga ka na muna, at bumaba ka na mamaya for dinner. I will let Yves know that you are already here"
"K." Tipid kong sagot.
Pumanik na ako sa kawarto ko. Nagulat ako sa itsura ng dati kong silid, it is still the same old room I used to stay with. Walang nagbago sa ayos nito, although ang linis linis, halatang i-minentain talaga nila ito, for the past years na wala ako dito.
I threw myself in my cozy bed and stared at the ceiling. Napangiti ako sa mga glow in the dark stickers na nakadikit sa kisame ko. "Yves and Ysabelle". Kamusta na kaya siya? Ilang taon na bang hindi kami nakakapag usap ng kapatid ko? 7 or 8?? Hindi ko na matandaan, 28 na ako, pero hindi ko parin makuhang magpakatao sa mga taong malalapit sa akin. Humility is probably not on my list, I don't stoop down. I don't duck, and I dont waste my time on charity. Isa lang naman ang taong nakapagpaluhod sa akin---King. And I still need to get him.
I sighed. Kailan ba ako titigil? Napangiwi ako sa naisip ko.
No.
I've already started pursuing him. At walang ibang makakapigil sa akin, not even King himself. Dahil ako si Kendra Cardova. I want it all so I get it all. At walang sinuman ang pwedeng humarang sa akin sa gusto kong mangyari.
"King.." I whispered, then I dozed off to sleep.
---***
Pababa ako ng grand staircase ng mansion ng mapansin ko ang isang bultong naghihintay sa akin sa ibaba ng hagdan. Napangiti ako ng masilayan ko ang ngiti niya sa labi, it's genuine. Dinalian ko ang pagbaba ng hagdan and threw myself to him ng ilang hakbang nalang ang natitira bago pa man ako makababa. I felt him flinched as I hugged him so tight.
I missed him so much.
"Ang laki mo na Aybs! Mimiss na kita!" I Giggled.Ganito kasi kami maglambingan noong mga bata kami.
"Hindi ka parin talaga nagbabago Ysabelle.. San ka ba nagsusuot? Walong taon ka 'ding hindi nagpakita sa akin. Sa playboy's mag nalang kita nakikita"
Nagulat ako sa narinig ko at Sinapak ang braso niya ng malakas.
"Ouch!" Napangiwi siya sa ginawa ko.
"Ikaw kasi! Hindi naman ako nag po-pose sa playboy's mag! I am a supermodel, not a porn star. Duh!" I snorted and rolled my eyes at him
"Ikaw naman, para binibiro ka lang eh! So kamusta? Any news?" He enthusiastically asked.
Hinawakan niya ang mga braso ko at inalalayan sa paglalakad patungo sa dining area.
I just shrugged my shoulders and looked at him. Nagbago na talaga ang lahat sa amin ng kambal ko. Nang huling malapit kami ng ganito sa isat isa ay mga bata pa kami. Nalayo ako sakanya ng mapagpasiyahan kong ibahin ang buong pagkatao ko.
"Ayoko ng madaldal na Yves. Annoying" I said sarcastically, then smiled at him. Kilala naman niya ako.
"Gusto ko ng talkative at expressive na Ysabelle. Distracting" bato niya sa akin.
"Kapag nangulit pa si annoying Yves, sasapakin ko na siya" napapangiti ako sa palitan namin ng pangasar sa isat isa. Ganito kami noong mga bata kami.
"Ysabelle ang bayolente mo parin. Para kang si Quinn" he said, then he smiled widely as if he's brought to frenzy.
But wait.. Did he mentioned QUINN? Posible bang iyong Quinn na binabanggit niya ay iyong Quinn na kakilala ko? Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakanya.
Napahinto naman din siya at napatingin sa akin na may pagtataka sa kanyang mga mata.
"You mentioned Quinn.. What's her surname?" I immediately asked.
Napakunot ang noo niya at pinakatitigan akong mabuti.
"Answer me"
"De Vera, Quinn De Vera" he retorted.
I gasped when I confirmed it from him. Iisa nga ang Quinn na tinutukoy niya at ang Quinn na kakilala ko. May koneksiyon din ba sila ni King? Para akong nabuhayan ng loob and at the same time para din akong mauupos.
"Ano mo siya?" Tanong ko ulit
"Huh? Kelan ka pa naging interesado sa personal kong buhay sis? It's not you. Asan si Ysabelle the b***h?"
"I'm asking you. What is your relationship with her"
"Uhm.." Napahawak siya sa kanyang baba at wari'y may iniisip.
"Ano?" I asked impatiently. Pinandilatan ko siya at piniga ng bahagya ang magkabilang niyang braso. Pagdating sa mga taong may kaugnayan kay King ay ganito ako. I've never been this interested.
"Relax okay? Bakit ba interesado kang malaman ang relasyon ko kay Quinn?"
"I know her" I took a deep breath and looked at him frustratingly.
"And?" His brows furrowed.
"Sagutin mo na kasi Aybs!" I uttered in a desperate tone.
"She's my secretary" muling sumilay ang mga ngiti sa mga labi niya, na parang may iba pang kahulugan.
Napaawang ang mga labi ko ng napansin kong namumula ang mga tainga niya. Tinitigan ko ang mukha niya at tama nga ang hinala ko, he's blushing.
I laughed hard at him. Sa palagay ko ay tama ang hinala ko. May kakaiba sa kanila ni Quinn. Ang tanging katanungan sa isip ko ay kung paano niya napaamo si Quinn? I know her, para siyang si King. She hates commitments.
"What?!" He hissed
"You are so gay" I teased.
"Anong gay? Sino? " he is already pissed by the way he muttered.
"Aybs, you are like an adolescent! Nagbla-blush ka dahil kay Quinn?"
"Huh! Hindi kaya!"
"Oo no!"
Natahimik lang siya at seryosong tumingin sa akin. Wala akong pakialam basta ako, tatawa lang ng tatawa.
"I love her" he suddenly uttered.
Napatigil ako sa pagtawa ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Hindi ko iyon inasahan mula sakanya. My brother loves my lover's sister. Unti unti ay sumeryoso ang mukha ko at pinakatitigan siya.
"Seryoso?"
"Tara na sa dining, Mom's already there waiting for us" he seriously uttered. Patay na. He is already in his short tempered tone. Napikon yata?
Nauna siya sa paglalakad at hindi na namansin. Kahit kailan ang sama ng ugali nitong si Yves. Ang pikon pa.
Dumulog kami sa hapag kainan ng mapansin kong pinagsisilbihan na ako ni mom-- Tita. I smiled at her sweetly, she smiled back.
Lahat ng pagkain ay paborito ko, she cooked those personally -- that's according to daddy, na kanina pa nag didiscuss ng business kay Yves na hanggang ngayon ay seryoso parin. Hindi na niya ako pinapansin. So hindi ko na din siya pinansin.
Natapos ang hapunan na hindi ako kinikibo ni Yves. Ano bang mayroon sa utak niya at kinakalawang? Ang babaw ha?
Umalis ang kakambal ko ng hindi ko namamalayan. Sa penthouse na kasi siya nakatira, nakakainis talaga iyong lalaking iyon.
An evil plan was formed.
I'm gonna set an appointment with him tomorrow. Haha! Ako ang bahala sa inyo ni Quinn. And through her.. Mapapalapit pa ulit ako ng pa-unti-unti kay King. Malapit na siyang mapasaakin.
I grinned.
This game will start tomorrow.