Chapter 2

1587 Words
When I woke up, light is filling the room making my eyes blink. instinctively i reach out to touch my man lying next to me, only to find out that he was no longer there. I am all alone again. And all i could think is him leaving me in darkness. I felt my eyes moistened as I remembered our conversation last night. I brushed my tears away from my lids before it could roll down my face. I sat up and embraced my knees to my chest, I'm still naked. And it's cold. I can't feel his warmth in the morning because he doesn't want to make me feel him. He's no cuddling type. Kahit minsan hindi niya ako sinabihan na mahal niya ako, eventhough I can feel it in an instance--Hindi naman siguro masamang mag assume na mahal niya din ako, pero kahit papaano naipaparamdam niya iyon sa akin, hindi nga lang siya vocal sa tunay niyang nararamdaman. I sighed. Hanggang kailan pa ako aasa sa pagmamahal niya? Hanggang ilusyon nalang ba ito? I shook my head. Ayokong masira ang araw kong ito ng dahil sa sama ng loob. So i decided to jump out of the bed and stride to the bathroom.Im going to make a living, although medyo late na ako--that photoshoot can wait. Ako yata ang main event. So they should wait. I was driving my car when my phone rang, I immediately answered the phone when i saw his name scribbled on it. Kahit kailan napakalaki kong tanga. Pangalan palang niya masyang masaya na ako. "Hello" I smiled as I greet him. "Kendra, we need to talk" he murmured impassively. "Im going to have my photoshoot today.. Later nalang at 3?" I wish i could jump on his lap now. I miss him so much. "This can't wait. I have a meeting in the Philippines tomorrow. My flight will be at 10" his voice is low and calm, yet I can feel his authority in it. "King hindi pwede, I have to---" "No! Kendra, what's your advertising agency again?" "Greta and boon's" "Okay. Wait up" he hangs up before I could even answer him. Alam kong may gagawin nanaman siya para hindi matuloy ang photoshoot ko. Bakit ba sa lahat ay may kontrol siya? Makalipas ang ilang segundo ay nag ring ulit ang cellphone ko, as expected ay si king ulit iyong tumatawag. I swiped the the screen of my iphone to answer his call. At bago pa man ako magsalita ay naunahan na niya ako, para siyang nagmamadali. "It's all settled. Your photoshoot will be moved tomorrow." "Oh-kay?" I answered tentatively, hindi ko na aalm ang i-re react ko sa ginawa niya. "Room 304. RDS hotel, gruner weg 6" then he hangs up. Hindi man lang niya tinanong kung okay lang sa akin na makipagkita sa kanya, basta alam niya lang mag utos. I hate being reprimanded by anyone, pero pag dating sakanya, para akong isang submissive wife na sunod lang ng sunod, napangiti ako sa naisip ko. Wife. Pero ayokong maging submissive. Iniliko ko ang sasakyan ko sa kabilang street para tahakin ang daan papunta sa address na kinaroroonan niya. Hotel. Ano ba ang kailangan niya? I swiped the room's key card and sashay towards the man who's now standing in front of the glass window, his back is facing me. Narinig kong may kausap siya sa phone.. I can hear his voice loud and clear, "Yes dad. Mamaya na ang flight ko may tatapusin lang ako before i leave.. Ah huh..No dad, i think she's already in the philippines, pinadeport na siya dito, yes of course... Malinis.. No.. Hindi pa siya nagpapakita? Well,.. Bumubwelo lang iyon... Okay dad. Im hanging up" pagkatapos ay inend niya na iyong call. At humarap sa akin ng maramdaman niyang my nakatitig sakanya, Kumuot ang noo niya "kanina ka pa ba diyan?" I bit my lower lip and looked at him apologetically, i didnt mean to overhear their conversation. "Sorry. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan ninyo" i looked away. I feel guilty, isa sa pina ayaw niya iyong nakikinig sa anumang conversation niya., He saunters towards me and holds my chin with his thumb and index finger, he lifts it up making me meet his gaze. His eyes are expressionless. "Thank you kendra. Umuwi na kahapon si quinn, she was deported" he said, his voice is cold. I cant feel any emotion from it. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking bibig. Bakit na deport siya? Ang akala ko ay ipatatanggal lang siya sa trabaho. Ano nanaman ang ginawa niya? "Its not what you think. Talagang i dedeport na siya because of overstaying, kahit na may working visa pa siya, ang policy ng gobyerno nila dito sa germany ay iba" sinagot niya ang mga katanungan sa isip ko. Pero impossible naman kasi. May ginawa siya. Legal ang documents ni quinn. This evil has control to everything. "You are lying" i voiced out "Yeah. I did a little manipulation over it. But anyway.. It is not the reason why i want to see you. " he calmly said. Hindi nagbabago ang expression niya sa mukha. Straight face and impassive parin siya. "What is it then?" "I am going to leave you for good kendra" My eyes widened, my knees were trembling and my heart's pounding hard inside my chest. Npahawak ako sa braso niya sa pangambang mabuwal ako dulot ng panghihina at panginginig ng tuhod ko. I cant believe this. "No. You are kidding. Tell me you are just kidding" i said, my voice is a little croaky. Hindi siya nagsalta bagkus ay hinawakan niya ang mga braso ko and look straight into my eyes. "I am serious" he plainly uttered, na parang wala lang sakanya ang mga sinasabi niya. Umiling ako at tumitig sakanya, i bravely met his gaze. My tears prick the back of my eyes as i stare at him without even blinking. Hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Mababaliw ako. "Mahal kita" "Stop it Kendra! Tapos na tayo! You meant nothing to me! So stop this bullshit!" He hisses. Matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin. "No! This cant be! You already had me at a disadvantage. I gave you my body and soul wholeheartedly.Nararamdaman kong mahal mo rin ako! Don't do this please? hindi ko kayang mawala ka sa akin King!" I whimpered as I felt my tears rolled down my face Umiling lang siya at tumingin ng diretso sa akin. His eyes were dark and dangerous. "I am not capable of loving someone. I already had your body, at iyon lang ang habol ko sa iyo!uuwi na ako ng Pilipinas, so please wag mo na akong sundan.. I dont do long term relationships" Nagulantang ako sa sinabi niya. He just lured me. He made me like a trash.. Ginamit niya ako.. Alam ko naman iyon.. He used me in every way possible.. Pumayag ako dahil mahal ko siya... Pumayag ako dahil mula pagkabata pinangarap ko na siya.. Pero bakit hanggang ngayon sinasaktan niya parin ako ng paulit ulit.. Pilit niyang ipinamumukha sa akin... Na hindi niya ako kailanman kayang mahalin.. "Goodbye Kendra. I had a great time doing you" he smirked before he turned on his heel. Wala na akong nagawa.. Sinapo ko ang mukha ko sa aking mga palad at doon pinakawalan ang nagbabagang luha na kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. Hindi ito maari, I cant hold this any longer, I need to fight for him. I need to get him. I need to cage his heart into mine. I need him. At hindi ako papayag na basta basta nalang niya ako iiwan. I had sacrificed a lot of things for a couple of years now. Namuhay ako na siya lang ang lalaki sa buhay ko. I gave up bitching around. I did everything for him, kahit na nasasaktan ako. I protected his sister. Pinagmukha kong tanga ang sarili ko, ng dahil sakanya. Kaya alam kong para siya sa akin. Alam kong hindi na tama ito, pero ano ba ang tama at mali sa pag ibig? He doesnt want a long term relationship? Ano ang tawag niya sa dalawang taon na pinagsamahan naming dalawa? Kung gusto niya ng laban. Bibigyan ko siya. Mapasaakin lang ang puso niya. Mapasaakin lang siya ng buong buo. I brushed away my tears and composed myself. Dinukot ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong hindi ko aakalaing hihingan ko rin ng tulong. Makalipas ang tatlong ring ay sinagot niya ang tawag ko. "Baby.. Napatawag ka" "Dad.." Hindi ko napigilan ang humagulgol. Marinig ko lang ang boses ni daddy.. Nararamdaman ko nanaman ang sakit. Ni hindi ko Siya tinawag na daddy for how many years. "Anak.." Naramdaman ko ang pagkagulat sa boses niya ng marinig niyang sinambit ko ang matagal na niyang inaasam na itawag ko sakanya. "I need your help. Uuwi ako ng pilipinas" i said , trying to stifle another cry. Ayokong tanungin pa niya ako kung bakit. "May problema ba?" He asked, concern is evident in his voice "W-wala po. I just need to go home. Namiss ko ang pinas. I need your help to avoid any lawsuit from my advertising company, i have to break my contract with them so i could go home" "Okay anak. Aayusin ko na ngayun din. I miss you so much Ysabelle" "Im hanging up dad. Tawagan niyo nalang po ako kung settled na ang lahat" then i hang up. Magkikita at magtutuos din tayo King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD