Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang naging panaginip ko involving my father-in-law nong isang gabi. I was distracted sa mga ginagaw ko sa bahay at mabuti na lang at hindi ito napapansin ni Kieran. I still make him breakfast at minsan nga pinababaunan ko pa siya ng kanyang lunch which he appreciates. Nang malaman ito ng aking biyenan na babae, hindi naman niya ako inaway pero parang gano’n na rin dahil nagpapabida raw ako. Pinagsabihan pa ako na huwag ko na raw gagawin ‘yon dahil feeling asawa raw ako. How I wish that was the case dahil wala siyang kwentang asawa kay Kieran. Hindi ko maiwasan hilingin na umalis na siya ng tuluyan sa bahay at huwag ng bumalik o kaya naman mag-disappear siya ng matagal para maging peaceful ang bahay. Wala na siyang ginawa araw-araw kundi magtalak. Maging