Excited ako kinabukasan nang magising ako. Kahit na may ginawa kaming nakakapagod na activity ni Kieran kagabi, maaga pa rin naman akong nagising. Maging si Harith ay mulat na ang mga mata at may hawak itong toy sa isa niyang kamay na sinusubo pa. Napangiti ako at agad akong lumapit sa kanya. Hinaplos ko ang ulo nito at nag-coo ito na parang may sinasabi. “Good morning din sa’yo, anak…” bati ko rito. “Dito ka lang muna at magto-toothbrush lang si Mama. Be a good boy, okay?” pagkasabi nito, kinuhanan ko pa ito ng toy at binigay rito. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang aking usual na ginagawa sa umaga. Nang makapag-freshen up na ako, lumabas ako at kinarga ko na si Harith. Pinalitan ko siya ng kanyang diaper at pina-breastfeed na rin. After that, bumaba na kami at nilagay ko siya sa kanyan