Episode2- Pangalawang pasilip

1294 Words
"Welcome back Yumi Jean." napapalakpak na bulalas ng kaibigan na tuwang-tuwang ng matagal na balot sa kanyang mukha. Agad naman na inabot ng doctor ang salamin sa kanya para tingnan n'ya ang bagong mukha n'ya. Unti-unti na ngumibit si Yumi na sinaway ng doctor na baka masira daw ang magandang n'yang mukha kapag umiyak s'ya. "Arnelie." malakas na tili ni Yumi sa kaibigan bago sila nag yakap ng sobrang higpit at nag-iyakan sa sobrang tuwa. Wala na ang pangit na babae na pinandidirihan ng marami. Walang pinag gayahan ang mukha n'ya ibinagay lang daw ng doctor n'ya ang structure ng mukha n'ya sa naisip nitong mukha n'ya na babagay din sa katawan n'ya. Nung una ayaw pa nitong operahan s'ya dahil sobrang lala daw ng natamo n'yang sunog sa mukha pero ng sabihin n'ya na handa s'yang mag bayad ng kahit magkano biglang tanong nito sa kanya kung kelan daw n'ya gustong simulan. Buong katawan na may bakas ng peklat ng sunog ang pinaalis ni Yumi, bukod kasi sa mukha meron din s'ya sa balikat, kanang dibdib hanggang sa likuran n'ya. Ngunit ngayon wala na ang lahat ng yun sino mag-aakalang s'ya si Yumi Jean na mukhang halimaw na nabubulok, buti na nga lang talaga maayos pa din ang tubo ng buhok n'ya at hindi na damage ng husto. "Thank you so much doctor." bulalas pa ni Yumi na niyakap ang matandang doctor na naging kaibigan na n'ya sa loob ng isang taon na halos sa clinic na nito s'ya nakatira para sa pag-aayos ng mukha n'ya. Inubos talaga n'ya sa pag papaganda ang 5M na nakuha s'ya sa artista n'yang asawa sa Pilipinas na after ng kasal nila hindi na muli n'yang nakita at wala naman s'yang paki-alam dahil iyon naman ang nakalagay sa kontrata. Ang importante lang naman sa kanya ay ang perang ibabayad nito na inilaan talaga n'ya sa pag paplastic surgery. Ang tanging nakakaalam na nag plastic surgery s'ya ay ang kaibigan na si Arnelie ito lang din ang naka-kaalam nag pakasal s'ya sa isang sikat na singer sa Pilipinas na si Cloud. "Now you can be happy now and look for your prince charming." wika pa ng doctor para naman kinilig si Yumi sa nakarinig. NBSB talaga s'ya since birth dahil sino nga ba ang mag kakagusto sa kanya e sobrang pangit n'ya. Tiniis na nga lang n'ya ang mga matang nang didiri sa kanya noon habang nag-aaral s'ya ng BS accountacy. Kahit naman ang mga prof nila noon na didiri sa kanya pero at the same time na aawa kaya hinayaan na lang s'ya at inutusan na lang s'ya na takpan na lang ang mukha n'ya kapag papasok s'ya sa university. So far naman nakatapos s'ya sa pag-aaral sa tulong ng isang tao, na ngako s'ya rito na pag nagkatrabaho na s'ya unti-unti n'yang babayaran ang nagastos nito sa pag-aaral n'ya ng college. May natira pa na malaking halaga sa 5million pesos na nakuha n'ya at balak n'yang bumili ng bahay sa Pilipinas. Ayaw ni Father Lawrence na bumalik s'ya sa Pilipinas at hanapin pa n'ya ang pamilya n'ya. Kaya lang naman nila nalaman na Pilipina s'ya ay dahil nag tatagalog s'ya. Nang iwan din daw s'yang sugatan at sunog sa labas ng simabahan noon, may sulat na nakalagay na humihingi ng tawad ang sino mang nag dala sa kanya sa simbahan at na k**i-usap na itago daw s'ya at wag hayaan na may maka-alam na buhay s'ya. May perang kalakip sa kumot na naka balot daw sa kanya noon. Kaya naki-usap ang paring kumupkop sa kanya na wag na n'yang hanapin ang pamilya n'ya. Gustuhin man n'yang sundin ang pari pero gusto lang naman n'yang malaman ang pinagmulan n'ya. HIndi naman s'ya gagawa ng ingay saka habang inaalam n'ya ang tunay n'yang pagkatao. And beside iba na ang mukha n'ya ngayon kaya tiyak na wala ng makakilala sa kanya maliban na lang sa pangalan n'ya na hindi n'ya pinalitan. Ngunit ngayon iba na ang mukha n'ya plano na n'yang mag papalit ng pangalan at may kilala s'yang possibleng makatulong sa kanya. Pag kalabas n'ya ng clinic ito agad ang una n'yang pupuntahan. - - - - - -- - "Sino hinahanap mo?" tanong ng isang lalaki na puno ng tattoo sa katawan. Napa atras naman si Yumi ng makaramdam ng takot dito. Ang laki kasi ng boses nito at parang hindi gagawa ng mabuti. "Hoy! Ano ka ba Baldo hinaan mo boses mo tinatakot mo si Miss Beautiful." napakagat labi si Yumi ng 5 lalaki na ngayon ang nasa harapan n'ya na pawang parang mga sangano dahil sa daming tattoo ng mga ito sa katawan. "Sino hinahanap mo Ms. Beautiful?" "Si Yna po, kaibigan n'ya po ako." kabadong sagot ni Yumi. "Ah! Si Bossing pala ang hananap papasukin mo." wika ng matandang lalaki. 'Sino yan?" tanong ng isang babae agad naman ngumiti si Yumi na kumaway sa babae na nag salubong ang kilay saka pa lang na aalala ni Yumi na iba na nga pala ang mukha n'ya ngayon. Bigla s'yang nakaisip ng idea para makilala agad s'ya nito umangat ang kamay n'ya at nag sign language rito. "Hoy tang*na! Anong nangyari sa'yo." bulaslas bigla ni Yna ng makalapit sa kanya at umikot pa sa kanya habang tinitingnan s'ya mula paa hanggang ulo. "Boss! Pakilala mo naman kami kay Miss Beautiful." wika ng mga lalaki. "Daming lamok dito tara sa loob." yaya ni Yna sa kanya na hinila na s'ya sa loob ng bahay nito na parang sinauna pang bahay ng kastila na puro kahoy. Mula sa bag inilabas ni yumi nag isang ATM at inabot kay Yna na nag tataka na kinuha naman saka tiningnan ang naturang bagay. "Ano to?" "ATM." "Gaga! Alam kong ATM to pero bakit inaabot mo sa akin." "Diba sabi ko sa'yo noon kapag naka raos sa ako sa buhay pupuntahan kita." tumawa naman si Yna na ibinalik sa kanya muli ang ATM. "Marami akong pera baka mapahiya ka lang kapag pinakita ko sa'yo." ngumiti naman si Yumi. "Alam ko naman yun pero s'yempre na ngako ako sa'yo nun kaya tinutupad ko ngayon." "Tinulungan kita noon dahil kailangan mo at hindi ako humihingi ng kapalit." "Ilang taon ka na ba?" tanong ni Yumi kay Yna. "Old enough para mag bawas ng kasalanan, so kung yang lang ang pinunta mo sa akin kaya ka nasa harapan ko ngayon medyo nakaka pikon. Mas gusto ko pang makita yung babaeng pangit noon na laging naka yuko kesa sa babae ngayon na maganda na laging naka ngiti." napa hawak naman sa pisngi si Yumi. "Hindi mo ba gusto ang mukha ko?" "Ikaw gusto mo ba ang mukha mo?" balik tanong ni Yna tumango naman si Yumi. "Then wag mo akong tanungin dahil ang pinaka importante e kung saan ka masaya at kung saan ka kumportable. Hindi mo kailangan ang opinion ng iba." napangiti naman si Yumi. "Mukha ka pang bata pero kung mag salita ka para kang nanay na." ngumiti naman si Yna. "You don't know what I been through baka magulat ka kapag nakilala mo kung sino talaga ako." nag kakuwentuhan pa sila ng konti bago s'ya tuluyan na nag paalam rito. Sinabi n'yang nag palit na s'ya ng pangalan kasabay ng pag babago n'ya ng anyo para wala ng makaalala sa dating mukha n'ya. Naglalakad na s'ya ng makatanggap s'ya ng tawag galing sa inaapplyan n'yang trabaho at sinabi na tanggap na daw s'ya at puwede na s'yang mag simula sa lunes. Tuwang-tuwang napatalon si Yumi dahil may trabaho na s'ya sa wakas. Kailangan pala n'yang mag beauty rest ng bongga. Mag sisimula na ang bagong chapter ng buhay n'ya at sana makilala na n'ya ang kanyang prince charming at sana this year makakilala na s'ya dahil tumatanda na s'ya wala pa s'yang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD