Episode 3- Pangatlong pasilip

1302 Words
Nanlaki ang mata ni Yumi ng pag bukas ng elevator ay makita si Cloud Mondragon, anong ginagawa ng animal n'yang ex-husband sa Vguard security agency. Agad s'yang umiwas ng tingin rito ng magkatinginan sila ng pumasok ito sa loob ng elevator habang may kausap ito sa phone. "To hell I care basta ihanap n'yo ako ng bagong personal assistant at tiyakin n'yo naman yung hindi ako gagapangin habang natutulog ako... buti sana kung magaganda ang ibinibigay n'yo sa aking mga P.A pero ang mga pag mumukha naman mahihiya ang maligno sa puno ng balete." tumikwas naman ang nguso ni Yumi sa narinig napakayabang talaga nito kahit kelan. Porket na biyayaan ng sobrang guwapong mukha akala mo na kung sinong greek god. Sa inis habang nakikipag-uusap si Cloud bumubukas din ang labi n'ya at ginagawa ang bunganga nitong nagagalit sa kausap dahil pangit ang mga nakukuha nitong P.A. "Just a minute, I call you back." wika pa ni Cloud kaya naman nagulat bigla si Yumi ng humakbang si Cloud paunahan at pihitin nito ang susi sa ilalim ng mga button ng elevator at huminto ang elevator na ikinatingalan ni Yumi rito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Cloud ng humakbang ito papa lapit sa kanya kaya napa atras na lang s'ya hanggang sa ma corner s'ya sa sulok ng elevator. Alanganin naman na ngimiti si Yumi na nakatingin sa ex-husband n'ya na natitiyak naman n'yang hindi s'ya nito makikilala if ever. "Po? Anong ibig n'yong sabihin?" kunwaring tanong ni Yumi. Umangat naman ang kamay ni Cloud at itinuro ang reflection nilang dalawa sa pinto ng elevator. Napangiwi naman si Yumi na nag isip na puwede n'yang gawin alibi marahil na kita nitong na ginagaya n'ya ang pag bukas ang labi nito habang may kausap. "Ahh! Naku nag kakamali po kayo ng iniisip Sir, ngalay na lang po kasi ang panga ko kaya ibinubukas bukas ko para exercise." "C'mon try harder." "Totoo po ang sinasabi ko." "Sir Cloud? Is there a problem tanong ng isang tinig na nang gagaling sa speaker ng elevator. "It's okay! Everything is fine." wika pa ni Cloud na inabot ang ID na nakasabit sa leeg ng magandang babae sa harapan n'ya na ang lakas ng loob na mag murmur kanina habang nakikipag away s'ya sa phone. Ngayon lang s'ya nakakita ng babaeng hindi na ngisay pag kakita sa kanya. Normal na kasi na kinikilig ang lahat ng babaeng kapag nakita s'ya, kanina obvious na nagulat ito ng makita s'ya pero hindi naman ito nag pakita ng pag ka fanatic tahimik lang ito sa loob ng elevator na medyo tinaasan n'ya ng kilay kaya palihim n'ya itong pinag masdan dahil na ninibago s'ya hindi s'ya nito pinansin o hindi man lang humingi ng autograph. Hangang sa makita na n'yang bumubuka ang bibig nito na ginagawa ang mga sinasabi n'ya habang nakikipag away s'ya sa phone. "Yujean, unique ang spelling ng pangalan mo instead na Eugene na EUGENE." wika pa nito na inisa-isa pa ang letter. 'Taga saan department ka?" tanong pa nito na muli ng pinihit ang susi ng lock ng elevator. "Secret." sagot ni Yujean na sakto naman bumukas ang elevator at mabilis na itong tumakbo palabas. Natawa naman si Cloud mukhang hindi s'ya kilala ng babae na s'ya ang soon to be na magiging boss nito oras na iwan na n'ya ang showbiz. - - - - -- - -- 'Bingo!" usal ni Cloud ng makita ang picture ng babaeng kasabay n'ya sa elevator kanina. Ngunit napakunot ang noo n'ya ng makita ang pangalan nito Yumi Jean Quizon. Sa dami ng pangalan sa mundo bakit kapangalan pa ito ng asawa n'yang hinahanap na nag laho na lang na parang bula. Noon si Yumi Jean na kababata lang n'ya ang hinahanap n'ya ngayon asawa naman n'ya, sino bang mag-aakala na pag lalaruan siya ng tadhana na ang Yumi Jean na hinahanap n'ya ay ang babaeng pangit na pinakasalan n'ya. Sising-sisi tuloy s'ya kung bakit hindi n'ya pinag ukulan ng pansin ang pangalan ng babaeng pinakasalan n'ya. Ang tanging gusto lang n'ya noon ay maka alis agad dahil baka humingi pa ito ng kiss the bride. Kung alam lang n'ya na ito si Yumi baka umiyak pa s'ya dahil sa hitsura nito dahil tiyak na dahil sa sunog kaya nag kagunun ang hitsura nito. "Kevin." tawag n'ya sa assistant ng ama n'ya na naroon. "Yes! Sir." lapit naman nito. "Mag post ka ng hiring sa bagong payroll." "Po?" "Kukunin ko si Yujean." "Bakit po?" "Wag ng maraming tanong basta mag post ka ng hiring para sa payroll posistion. At ipatawag mo si Yujean dito sa office gusto ko s'yang makausap." napapakamot naman ang noo na sumunod na lang ito. ********** "Magkano ang sweldo bilang payroll dito?" tanong ni Cloud kay Yujean na wala man lang kangiti-ngiti sa labi na naka tingin sa kanya halata talaga na hindi s'ya nito gusto. Isang bagay na gusto n'ya sa personality na meron ito, sanay na kasi s'yang lahat ng babae nag kakagusto sa kanya pero s'yempre except yung mga babaeng in love na sa mga kaibigan n'ya. Mukhang hindi naman fake o kadramahan lang ang ipinakikita nitong disgusto sa kanya. "22k a month sir." "I'll make it double be my personal assistant." malalakas naman na tumawa si Yumi pero agad din pinigilan ang sarili na natuptop pa ang bibig. "What so funny?" "Personal assistant, 44k 'di n'yo pa ginawang 50k Sir." 'Okay 50k no problema." napatingin naman si Yumi rito. "What?" tanong pa ni Cloud. "Cloud Mondragon.' mahinang usal ni Yumi. Ibang klase din naman makipag laro ang tadhana sa kanila. Akalain ba naman n'yang ito pala ang anak na panganay ni Skyler Mondragon na s'yang may ari ng Vguard agency. Na di umanoy mag mamana ang agency pag dating ng tamang panahon. Akala n'ya kapangalan lang ng asawa n'ya yun pala ito na mismo ang mayabang n'yang asawa. "Paano kung ayoko.' "I will terminated you at ipakukulong kita for falsification of documents." napaunat bigla ng tayo si Yumi sa sinabi nito. "Hindi ko alam kung paano ka naka lusot sa company namin. Hindi ka naman pala totoong CPA? Hindi ko na aalamin kung bakit ka nag pasa ng mga pekeng dukomento dahil tingin ko naman maayos mong nagawa ang trabaho mo dito sa company namin." ngumisi naman tumayo si Cloud at lumapit sa kanya at huminto mga dalawang dangkal ang layo sa kanya. "Ngayon kung papayag ka sa gusto ko wala kang magiging problema sa akin pero kung aayaw ka." sinadya ni Cloud na bitinin ang sinabi. "Titiyakin kong wala ng kumpanyang tatanggap sa'yo and worst ipapakulong kita." "Kailan tayo pipirma ng contrata Sir, excited na po akong maging boss kayo." abot tengang ang ngiting sagot ni Yumi na gustong tawanan ni Cloud. "Let me guess? Minumura mo na ako sa isip mo sa mga oras na itong." "Wow may reading mind talent din po kayo sir? galing n'yo naman po pala kahanga-hanga." wika pa ni Yumi na tinawanan ni Cloud dahil hindi man ito direktang umamin parang ganun na din. "Pack your things iintayin kita sa baba." "Ngayon na po agad sir?" bulalas ni Yumi. "Cut off na diba so nakagawa ka na sweldo ng lahat ng empleyado . Tamang-tama kaya ayusin mo na ang gamit mo dahil ngayon ka na mag sstart." wika pa nito na una pang tumalikod. Gigil na sumigaw si Yumi ng silent mode pero mabilis din ngumiti ng biglang humarap si Cloud. "balik na po muna ako sa accounting department sir para makuha ko na ang mga gamit ko. Excited na po akong maka trabaho kayo." ani Yumi habang palabas ng pinto ng tawagin s'ya pabalik ng sira-ulo n'yang ex-husband. "Nice butt." "Naku salamat sir, mahal pagawa ko dito." wika pa n'ya na ikinangiwi nito saka napailing. Mukhang ayaw nito sa mga retokada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD