“OH HIMIG! Mabuti naman at napasyal ka, hijo!” Isang masayang mukha ang sumalubong sa kanya pagpasok sa mansiyon ng kanyang Tito Manuel, ang ama ni Ava. Sinadya talaga niya na pumunta doon sa oras na wala ang dalaga. Huminga siya ng malalim para punuin ng lakas ng loob ang kanyang dibdib. Habang nagmamaneho papunta pa lang doon ay panay na ang dasal niya na walang mangyaring masama dito. Ang totoo kanina pa siya nag-iisip. Nang magising siya kaninang umaga at bumungad ang magandang mukha ni Anne na himbing na natutulog sa kanyang tabi. He made a decision right at that moment. He wants to start a new life with her. At gusto ni Himig na umpisahan iyon sa pamamagitan ng pagkausap sa ama ng dating nobya. Pagdating sa bahay nito, naabutan niya ang ma