1 - Wishing Well

2228 Words
“I am so sorry, Miss Magpantay, we are not hiring at the moment.” Inaasahan na ni Romina ang ganitong sagot. Hindi na bago para sa kanya. Ganito at ganito lagi ang senaryo. Pupuntahan niya ang isang lugar, bitbit ang kanyang resume at ang marubdob na pag-asa at walang katapusang positivity. Sa huli ay lulundo ang pag-asa niya sa dulo. “Kahit po ba janitress, Ma’am?” Sanay na rin siyang halos magmakaawa na. Napahigpit ang hawak niya sa edge ng upuan nang pasadahan siya ng tingin ng babae. Wala talagang bakante.” Kunwa ay binuklat-buklat nitong muli ang application papers niya. “And, you’re inexperienced.” Ang pinakadahilan, wala siyang maaaring mapaglalagyan. Ni wala siyang pormal na training sa food industry, wala ring National Certificate. May alam siya sa pagluluto pero hindi pa siya kailanman nakapagtrabaho sa isang restaurant o karinderya man lang. “Marunong po akong magluto, Ma’am.” Kinain na talaga niya ang hiya, nawala ang pagkamahiyain niya. Kapit sa kung saan makakapit na talaga ito. Kung kinakailangang ilaban niya ang tsansa, gagawin niya. Napabuntong-hininga ang babae at isinarado ang folder niya. “I am so sorry,” anito, sabay abot sa kanya ng dokumento. Nalaglag ang mga balikat niya. Isa na namang kabiguan. Pang-ilan na ba ito? Isang buwan na halos na naghahanap siya ng trabaho pero wala pa rin. Pinatos na nga niya kahit anong pinakamaliit na raket. Okay lang naman sana kung siya lang ang lalamon kaso, may pamilya siyang sinusuportahan. “Hayaan mo, kung nangangailangan kami, tatawagan ka namin.” Duda siya. High-end ang restaurant na ito. Malamang, hindi basta-basta ang kinukuhang staffs. Kahit hindi maganda ang kinahinatnan, pinilit pa rin nyang markahan ng ngiti ang mukha. Walang magagawa kung magpakalugmok siya. Hindi nakatutulong. “Maraming salamat po, Ma’am.” Lumabas siya sa maliit nitong opisina. Natakam siya nang nanuot sa ilong ang amoy ng mga pagkain sa dining. Luminga siya sa paligid at hinanap ang kakilala ng kaibigang si Denver pero mukhang nasa kitchen siguro. “Uuwing walang nahita, Romina.” At least, may magandang view ng cathedral siyang natatanaw mula rito sa top deck ng restaurant. Ito siguro ang malaking dahilan kung bakit maraming kumakain dito. Ang gandang titigan, lalo at pababa na ang araw. Absorb na absorb siya sa natatanaw nang tumunog ang cellphone niya. “Kumusta?” ang sigla ng boses ni Devner. Positibo ito na nakuha niya ang trabaho. “Bokya pa rin.” “Bakit? Loko itong si Rochelle, sinabing urgent ang hiring.” “Wala tayong magagawa, eh. Gano’n talaga. ‘Di ako qualified. Tsaka, sa pagmamadali ko, basta ko na lang nilagyan ng sinulatan ng ‘any vacant position’ ang bio-data. Ayun tuloy, baka akala ni Ma’am, papalitan ko pagiging manager niya.” “Baliw ka talaga kahit kailan, ano?” Napapahalakhak si Denver. Natatawa na rin siyang bumaba ng hagdanan. Walang ibang magpapagaang ng kalooban niya maliban sa kanya mismo. Alangan namang maglupasay siya sa lupa. Kahit na sa totoo lang, malapit na siyang mabaliw sa kaiisip. “Den, uwi na lang kaya ako sa atin.” Hinintay niya muna ang sagot nito, may kinausap pa kasi, customer siguro sa bar na pinagtrabahuan nito. “At ano? Magtatanim ka ng abaca? Saan naman, aber, Rome? Nakasanla 'yong lupa ninyo. Pwede kang mangisda, ang tanong, kaya mo ba? O, ‘di kaya ay manindira sa Virac. Masusustentuhan ba niyon ang gamutan ng lola mo?” May katwiran ito. “Apply sana akong waitress diyan sa bar ninyo pero hindi naman tinatanggap ang may taghiyawat diyan.” Natawa na naman ito nang malakas. “Loko ka talaga. Hindi bagay ang mga anghel na kagaya mo sa mga lugar na kagaya nito. Pero ang mga luto mo maaari pa.” Hindi siya ang pinaka-attractive na babae sa mundo. Wala ngang nagtatangkang lumingon sa kanya. Very plain, ganoon daw siya. Kaya siguro, nahihirapan siyang makakuha ng panibagong trabaho. Idagdag pa na undergraduate siya. Kung bakit pa naman kasi nagsarado ‘yong dati niyang pinagtrabahuhang pabrika. Sana, hindi siya sobrang taghirap na katulad ngayon. Malapit na kayang mabutas ang bulsa niya. Pati brain cells niya, isang pitik na lang at baka sasabog na. Ang hirap talaga kapag mahirap. Bakit ba naman kasi parang kakambal niya ang malas simula nang ipanganak siya. Namumuo na naman ang kirot sa dibdib niya. Ayaw niyang i-entertain. Dapat masaya lang at positibo. “’Yong drinks para sa VIP room, naihatid na ba?” Dinig niya na tinatawag si Denver ng boses lalaking sigurado niyang ang boss nito. “Yes, boss,” sagot ni Denver. “It’s all on Sir Leandro’s tab.” Ibig sabihin ng manager, ang binanggit na Leandro ang magbabayad. Super yaman siguro. Ang mamahal kaya ng mga inumin sa high-end bar na pinapasukan ng kaibigan. Buti pa ang Leandro na iyon, nagtatapon lang ng pera para sa alak. Iinumin ang alcohol, pagkatapos ay iiihi lang naman. “Sorry, kausap ko pa ang manager namin.” “Sige na, Denver, babay na at baka mapagalitan ka ng manager mo.” “Okay. Ingat sa pag-uwi. Sana, may makabangga kang mayamang prince charming na iaahon ka sa hirap.” “Sira! Sino naman ang pupulot sa isang kagaya ko?” “Malay natin. Bye!” Kahit papaano, napapagaang ni Denver ang kalooban niya. Wala namang ibang nagsusuportahan kundi sila rin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa kanyang paglinga ay natanaw niya ang fountain sa harap mismo ng simbahan na katabi ng restaurant. Naengganyo siyang lapitan iyon at prenteng tumayo sa harapan niyon. Naaaliw siyang pagmasdan ang tubig na bumubulwak at bumabagsak sa well. Habang tinititigan niya ang tubig, nakikini-kinita niya ang dagat na nakapalibot sa probinsya. Ang sarap magtampisaw. Miss na niyang umuwi pero hindi pa pwede. Sana lang kasi ay sumabay sa daloy ng tubig ang lahat ng alalahanin niya. Sana, pera ang inilalabas ng fountain. “At sana, may fairy godmother ako.” Naiiyak na talaga siya. Samakalawa ay bayaran na naman ng renta. Nag-text pa si Tita Roda na paubos na ang maintenance ng lola niya. Sadyang totoo nga, it pours when it rains. Hapong sumandal siya sa pabilog na semento ng fountain at tumitig sa maitim na langit. Parang siya lang, ang dilim ng pag-asa. Hinamig niya ang sarili at bumuga ng hangin. Ibabalik na sana niya ang cellphone sa bag nang makapa niya ang nag-iisang sampung pisong barya sa canvass tote bag niya na humalo sa iba pa niyang mga gamit. Dinukot niya iyon at pinakatitigan. Pagkatapos ay ang tubig naman ang tinanaw niya. Bakit nga ba hindi masubukan? “Sige nga, maniniwala ako sa magic, kahit ngayon lang.” Muli siyang humarap sa fountain. Hawak niya sa dalawang kamay ang barya na dinala iyon sa bibig at hinalikan. Pinikit niya ang mga mata at umusal ng wish. Kasabay nang pagdilat niya ay ang pag-itsa niya sa ere ng barya. Parang slow motion na nasundan niya ng tingin ang kahihinatnan ng walang malay na bagay hanggang sa pagtilamsik ng tubig na binagsakan nito. Sa isang iglap ay tuluyan iyong naglaho. “Sana, magkatotoo ang hiling ko.” Gumayak siya para umalis na nang makarinig siya ng tila kaluskos at hingalo. Hinanap niya ang pinanggalingan niyon. Laking gulat niya nang sa kabilang side ng fountain ay natanaw niya ang isang matandang lalaking nakakapit sa semento at hawak ang dibdib. Halos nakaluhod na ito. Mukhang inaatake ito. Napabilis ang paglapit niya rito. “Lolo, ano ho ang nangyari sa inyo?” Wala siyang sinayang na sandali. Mabilis ang mga kilos niyang inalalayan itong makasandal sa semento. Hinugot niya mula sa bag ang baong jacket at inilagay sa likuran nito at itinaas niya ang dalawang tuhod nito pagkatapos. “May baon ho ba kayong aspirin?” Nahihirapang magsalita ang matanda ngunit kailangan niya itong kausapin. Luminga siya sa paligid. “Tulong!” Sa malas ay bakit sadyang silang dalawa lang ng matanda sa bahaging iyon? Mabuti na lang at may lalaki at babaeng tila may hinahanap din ang papalapit sa kanila. Bago pa man makahingi ng tulong, patakbo nang lumapit ang mga ito sa kanila at dinaluhan ang matanda. “Don Sebastian, bakit ho ba kayo lumayo sa amin?” Nilingon siya ng lalaki at pinasalamatan. Tatayo na sana siya upang bigyang espasyo ang dalawa ngunit maagap na humawak ang kamay ng matanda sa kanyang palad. Napatingin siya roon. Parang natural na ginagap niya pabalik ang kulubot na nitong mga palad. “Mukhang isasama ka na lang namin, Ineng.” “Po?” Napatingin siya sa lalaking nakatitig sa magkaugnay na mga palad nila ng matanda. Trabaho ang hinahanap niya pero iba ang natagpuan nya. Ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng ospital. Namamangha lang siya sa kung paano maging aligaga ang mga doktor at nurses sa mamahaling ospital na ito. Lahat ng atensyon ay nasa matanda. Samantalang kapag may naoospital sa pamilya niya, halos dugo na ang iluha niya. Don Sebastian. Mayayaman lang naman ang tinatawag na ‘don’. Iginala niya ang mga mata sa pasilyo ng ospital. Mukhang hindi naman na siya kailangan pa rito. Hinugot niya ang folder na nasa bag at kinuha ang nakaipit doong sticky note. Sinulatan niya iyon. Pamamaalam niya sa don. Nahahati pa ang kalooban niya kung susulatan niya ng pangalan. Sa huli apat na smiley ang dr-in-awing niya. Idinikit niya iyon sa private room na pinaglipatan sa matanda at umalis. Nasa pasilyo na siya at tuwid ang paningin sa labas nang halos mapasubsob siya sa sahig. Isang malaking bulto ng katawan ang bumangga sa kanya. “You’re blocking my way.” Abay! Sa halip na mag-sorry, ‘yon pa ang sinabi. Maganda sana ang boses pero mukha namang walang modo. Nasundan niya ng tingin ang lalaking bumangga sa kanya. Ewan niya kung bakit tinititigan pa niya ang mukhang antipatikong lalaki na may kinakausap pala sa phone. Ang hahaba ng mga biyas nito at matipuno ang pangangatawan. Tindig modelo, bihis mayaman. Matangos ang ilong. Bahagya kasi nitong iginala ang mukha. Parang nilililok na ng isip niya ang gwapong mukha ng lalaki. At ang isa pang bagay na nakahuli ng kanyang pansin, ang nasamyo niyang bangong nagmula rito. ‘Ang bango niya kahit gabi na.’ Napapailing siya sa mga kakatwang tumatakbo sa kanyang utak. Minabuti niyang bawiin ang paningin at nagpatuloy sa paghakbang. ‘DI dapat pinag-aaksyahan ng oras ang mga tipong nitong lalaki. “Masyadong arogante,” at least, sa sarili niya lang sinasabi. Nakadalawang hakbang pa siya nang sa pakiwari niya ay may mga matang nakatitig sa kanya. Huminto siya sa paghakbang at lumingon sa pinanggalingan. Lahat ng mga taong nalingunan niya, pareho namang abala sa kung anu-anong ginagawa at walang pakialam sa kanya. Lumagpas ang mga mata niya sa dulo ng pasilyo. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, doon napako ang kanyang paningin. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang matangkad na lalaking iyon na nagpatuloy lang sa paghakbang hanggang sa tuluyan na nga itong lumiko pakaliwa, sa gawi nang pinanggalingan kanina. Kakatwa. Para lang kasing may bumangong hangarin sa dibdib niya n asana lumingon ang lalaking ‘yon sa gawi niya. Hindi nangyari. Ang tangi niyang nakikita sa ngayon ay ang pasilyong kinaroroonan nito kanina. Wala na ito sa paningin niya pero ang kanyang mga mata ay doon pa rin nakapako. Dalawang araw pa ang matuling lumipas. Dalawang araw na laging bigo ang mga lakad at raket niya. Kahapon nga, naging clown na siya sa isang birthday party sa Pasay. Silang dalawa ng roommate niyang si Ria. Kagaya niya, kayod-kalabaw rin ito at may pinapadalhan ding pamilya sa Pangasinan. Okay naman ang naging lakad nila, busog pa sila dahil pinabaunan sila ng maraming pagkain ng nanay ng batang may kaarawan. Ang pinaka-take away niya ay ang ialok mismo ang mga luto niyang desserts sa may birthday. 'Yon nga lang, tumawad din sa bayad nila. Halos baratin na siya. Eh, sa mahal ng mga ingredients sa ngayon. Hindi lang naman masyadong unfair ang buhay. Nagpakawala siya ng malalim na buntung-hininga. Naririnig na niya ang ingay sa ibaba ng boarding house at nanunuot na ang liwanag sa bintana ng silid nila ni . Ayaw pa sana niyang bumangon pero may mga deliveries siya. Delayed na nga siya sa iba. Buti na lang at maunawain ang matandang landlady nila, hinahayaan pa rin siyang makapagluto sa kusina kahit hindi pa siya nakapagbayad ng renta. Saglit muna siyang tumambay sa gilid ng bintana at tinanaw ang kaganapan sa ibaba. Buhay na buhay na naman sa bahaging ito ng Manila. May dalawang pedikab drivers pa nga ang halos mag-umbagan na dahil halos magkagitgitan ang mga ito. Naguguluhan sa natatanaw, umalis siya sa kinaroroonan at inabot ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng cabinet nang bigla ay tumunog ang de pindot na cellphone niya. Unknown number. Nangunot kaagad ang noo niya. "Sino naman kaya ito?" Nawalan na siya ng pag-asang tatawagan siya ng mga pinag-apply-an. Pinindot niya ang accept call button. "Hello po, magandang umaga." "Miss Romina Magpantay, is this she?" Pormal ang boses ng babae sa kabilang end. Parang boses matalino. "Ako...this is..her...she..." kandautal niyang sagot. Babatukan na talaga niya ang sarili. Sinalakay siyang bigla ng nerbiyos. Tumikhim muna siya bago nagsalitang muli. "Si Romina Magpantay nga po ito, Ma'am. Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Salamat naman at nagawa niyang magtunog pormal din. Habang hinihintay niya ang sagot ng babae, lumalakas naman ang kaba niya sa dibdib. "Come for an interview. ASAP."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD