Mabuti na lamang at nakaupo ako. Kung nakatayo siguro ako ay baka nabuwal na ako sa kinatatayuan ko dahil sa pangalang nabanggit ng kapatid ko. "H-how?" "Hindi ko rin alam, ayaw naman magkwento ng anak mo kahit anong pilit ko. Basta tumawag sa akin ang sekretarya ni Attorney para sabihin nandoon sa opisina nila si Love at pwede ko nang sunduin," paliwanang nito. Napasuklay na lamang ako sa buhok ko dahil sa mga naririnig ko. Kanina ay punong-puno ng pag-aalala ang puso ko dahil nalaman kung tumakas ang anak ko. Tapos ngayon malalaman kong sa dami ng taong tutulong dito si Delgado pa? "Ibig sabihin siya ang nakapulot sa anak ko?" Tumango sa akin si Sylvia. "Mukha ngang close na sila ni Love. Sitting pretty na kasi siya nang maabutan ko sa opisina ni Attorney." "Wala bang ibang nabangg