Agad namang sumakay si Delgado ng kotse at nagsimulang magmaneho. "Sa kabilang bayan lang ako," wika ko sa kaniya. Bigla itong napatingin sa akin. Nasa mata nito ang pagtatanong pero walang lumabas sa bibig nito. Tinotoo nito ang sinabi na hindi ito magsasalita. Tahimik lang kami buong byahe. Ako na ayaw magsalita habang isya naman a alam kong pinipigilang hindi ako kausapin. Kilala ko na si Delgado, masyado siyang madaming tanong kaya nagpapasalamat ako na nanahimik siya ngayon. Lihim ko siyang tinitingnan habnag abala siya sa pagmamaneho. Muli kong binaling ang tingin sa labas ng bintana. Lihim akong napangiti ng mapait. Sayang, hindi ko mapigilang manghinayang kahit na alam kong sa una pa lang wala naman na talagang chance. Kinuha ko na lang ang selpon ko upang i-text si Mang Andoy