Umirap ako sa kaniya bago nagsimulang maglakad papalayo sa kaniya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako palabas patungo sa parking kung nasaan ang kotse niya. "Attorney, what do you think you are doing?" tanong ko sa kaniya nang humito kami sa tapat ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng passenger. "Get in," utos nito pero hindi man lang ako kumibo sa kintatayuan ko. "Excuse me? Bakit ako sasakay sayo? Close ba tayo?" pagtataray ko sa kaniya. Yes, crush ko siya pero hindi naman ako gaya ng iba na sasama na lang kung kani-kanino palibhasa at gwapo. Saka kanina ko lang siya nakiilala dahil naging guest speaker siya ng graudation namin kaya bakit sasama ako sa kaniya? "Sa kotse ko ikaw sasakay." "Alam ko!" asar na agad ay sagot ko. "Ano bang iniisip