Chapter 55

1422 Words

Nang dumating ang hapon ay umuwi ako sa bahay ng ama ko para kunin ang mga gamit ko. Nakahinga ako ng maluwag nang dumating ako at wala pa si Marcela. Mula sa araw na ito ay hindi ko na siya tatawaging inay gaya ng nakasanayan ko. Para sa akin ay siya na lang si Marcela ang asawa ng ama ko. Agad na pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko. Paalis na sana ako nang biglang pumasok si itay sa kwarto ko kaya napatigil ako. "Aalis ka na ba talaga?" "Mas mabuti na rin ito para hindi kami palaging nagkakabanggaan ng asawa mo," sagot ko sa kaniya. "Iiwan mo na rin ako?" Hindi ko alam pero biglang parang gustong mamasa ng mga mata ko dahil sa tanong niya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Iniwan siya dati ng ina ko kaya ngayon ay tinatanong niya ako kung pati ba ako ay iiw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD