Chapter 37

1246 Words

Pigil ang emosyon ni Venus na nagtungo sa harden. Nagiging emosyonal na siya, nagiging selosa na siya. Kung tutuusin ay hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito dahil lust lang naman ang namamagitan sa kanila ni Juan. Pero siya? Lust nga lang ba? Hindi ba at unti-unti na ngang nahuhulog ang loob niya rito? Pinunasan niya ang isang butil ng luha na dumaloy sa pisngi niya. Nagagalit siya sa sarili niya dahil sa nararamdaman niya. Bahagi na naman ba ito ng pregancy hormones niya? O ginagawa niya lang iyong dahilan para hindi pagtuunan ng pansin ang tunay na nararamdaman niya para kay Juan? "Venus." Natigilan siya ng marinig ang baritonong boses ni Juan, hindi niya ito pinansin. Lumapit ito sa kanya saka tumabi, nakatayo siya sa may veranda kaharap ang mga magagandang bulaklak sa harden.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD