Chapter 36

1684 Words

"Hmmm, ang sarap talaga ng egg tart mo, Juan." Papuri ni Luis sa kanya habang panay ang subo nito ng egg tart na gawa niya. Kanina pa sila sa kusina, gumagawa kasi siya ng egg tart para paggising ni Venus ay matikman nito ang gawa niya. "Huwag mong ubusin iyan, Luis." Sita niya rito habang isinasalang niya ang iba sa oven. "Pansin ko lang, bakit may kalmot iyang magkabilaan mong balikat? Parang kagat o kalmot ba." Puna nito, halata ang panunukso sa boses. Hindi pa pala siya nagsuot ng t-shirt. Tanging apron lang ang suot niya at jeans. "Na kalmot ng pusa." Tipid niyang sagot. Napangisi naman ito. "Parang gusto ko ring magpakalmot ng pusa." Nakangisi nitong sabi. "Baliw kang batang ka!" asik ni manang Linda kay Luis sabay sapak sa ulo nito. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot. "Ara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD