chapter 2

1386 Words
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makamove on sa lalaking nagbigay ng bulaklak. Kung tungkol man sa kaniyang proposal na gusto daw niya akong maging girlfriend, pwes, hindi ko sinagot. Aba, manligaw siya! Hindi puro isang iglap lang ay nand'yan na. At saka, kung sasagutin ko man siya, siya ang magiging first boyfriend ko imbis na si Ronald! "Oh, kanino galing ang mga ito?" Tanong ni Amanda nang nakarating na siya dito sa dorm. Tulad ng ipinangako niya, may mga dala siyang pagkain. Ngumuso ako. "Kay Finlay." Sagot ko. Kumunot ang noo niya. "Finlay?" Ulit pa niya. Tumango ako. "Finlay..." Muli niyang binanggit ang pangalan ng lalaking iyon na para bang iniisip niya kung nakilala niya ito o hindi. "Anong apelyido ba?" "Ho." Mabilis kong sagot. "Ah, I see. Nakilala ko na siya dati pa. We're good friends but he's not a really romantic..." Bumaling siya sa akin. "Para kanino daw ba ito?" "Para sa akin?" Saka ngumiwi ako. Napasinghap siya sa aking sinabi. Agad niya akong nilapitan at tinabihan. "Oh my, seryoso? Si Finlay mismo ang nagbigay niyan ng personal sa iyo?" Tumango naman ako bilang tugon. Bigla siyang ngumisi sa hindi ko malaman na dahilan. Ouch, hindi kaya... "Congratulations, girl! Isang Finlay Manius Ho ang nanliligaw sa iyo! Ang swerte mo!" She exclaimed. At talagang may diin pa ang pagkabigkas niya sa buong pangalan ni Finlay! Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ano ba kasing meron sa Finlay na iyon? Bakit ganyan ka mag-react?" Sa totoo lang, ang akala ko ay tatawanan niya ako dahil ang guwapong tulad ni Finlay ay papatol sa isang tulad ko na panget! "Kilala ang magpipinsang Ho. Sa pagkaalam ko ay pinsan iyon ni Keiran na boyfriend ngayon ni Naya! Ang suplado nun, eh. Nakakagulat lang kasi normal pa pala iyon!" So, suplado ang lalaking iyon? Hmm... Oh my! Nakakaimbyerna naman, oh. Bakit ngayon pa ako malelate! Kainis! Tinanghali ako ng gising. Papaano kasi, hindi tumunog ang alarm sa cellphone ko! Kaya ayan! Pagkagising ko naman, wala na si Amanda, paniguradong pumasok na iyon. Kakalabas ko lang ng dorm ay tumambad sa akin ang isang itim na magarang kotse. May lalaking nakasandal sa pinto ng passenger's seat at nakaharap sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nagmamay-ari ng sasakyan! Nakaputing long-sleeves polo shirt at blue jeans. Nakatop-sider din. Rinig ko pa ang usap-usapan ng mga babae sa likuran at gilid ko. Hindi pa rin ako makapagreact.  Umangat ang tingin niya sa akin. He's half smiling! Umalis siya mula sa pagkasandal niya sa sasakyan at humakbang palapit sa akin. "A-anong ginagawa mo dito?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko. "Sinusundo ka." Sagot niya na hindi maalis ang ngiti at mata niya sa akin. "May klase ako..." Out of the blue kong sinabi iyon. "I know." Bigla niya akong hinawakan sa likod. "Kaya ihahatid na kita." Marahan niya akong hinatid patungo sa loob ng sasakyan niya. Nang tuluyan na akong nakaupo sa front seat ay hinatid ko lang ng tingin si Finlay. Pinapanood ko lang ang kilos niya. Naging blangko ang mukha niya (which is suplado nga nag personality niya), inangat niya ang magkabilang mangas ng polo niya hanggang siko. Maganda din ang tindig niya. Ang desente niyang tinginan... Ang gentleman niya... I immediately shook my head. Binubura ko sa isipan ko ang mga naisip ko. Langya, bakit biglang ganoon? Wait, crush ko si Reuven at hindi ang stranger na ito! Hindi ako pwedeng magkacrush sa isang ito! "Pasha," He called me with his baritone voice. Agad naman akong tumingin sa kaniya. "Are you okay?" Ngumiwi ako. "O-oo naman, yes!" Bulalas ko and I made a fake laugh. Damn, nagmumukhang tanga na ako! Tama iyan, maturn off ka sa akin, Finlay Ho, inisip mo na takas ako ng mental! Binuhay niya ang makina ng kaniyang sasakyan saka umusad na ito para makapasok na ako ng school. Maraming katanungan sa isipan ko na nabubuo. Hindi ko nga lang alam kung papaano ko sasabihin o ivo-voice out iyon dahil alam mo 'yon? Finlay Ho ang nasa harap ko! Actually, gumawa ako ng iilang research tungkol sa kaniya. He's a cousin of Keiran Ho na jowa ni Naya! Sa pagkaalam ko din ay mayaman ang pamilya na iyon. At tingin ko din ay kilala niya ang isa sa mga sikat na singer ngayon na si Flare Hoffman. Bastaa! "What time ka pala uuwi?" Bigla niyang tanong sa akin. "H-ha?" "What time ka uuwi?" Then he smile. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "Susunduin kita." Sabi pa niya. "A-ahmm... Alas syete..." Wala sa sarili kong sinabi iyon. Teka, bakit sinasabi ko sa kaniya ang schedule ko? Bakeeeet?! "May pupuntahan ka ba pagkatapos ng klase?" Napangiwi ako. "Didiretso ako ng dorm. Manonood ako, eh." Mukhang tama naman ang sinabi ko. Para na din hindi na magkrus ang landas namin. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya makalapit sa akin! - "We're here," Sabi niya nang itinigil na niya ang sasakyan sa harap ng school. Bumaling siya sa akin. "I'll wait for you, Pasha." Tipid ko siyang ningitian. Agad kong kinalas ang seatbelts at binuksan ang pinto. "Salamat," Sabi ko bago ako lumabas at isinara ko iyon. Hindi na ako nag-abala pang lumingon pa sa kaniya. Kanina pa nga ako atat na makaalis sa tabi niya, eh. Hindi naman sa allergy ako. Baka kasi ano din ang iisipin ng mga tao sa paligid ko. Ayokong maging tampulan na naman ng tukso. "Wow, si miss pineapple girl, hinatid." Biglang may nagsalita na babae sa bandang likuran ko. Matik akong napatigil. Ginapangan na naman ako ng kaba, nakita nila! Hanggang nasa harap ko na ang dalawang babae, sa tingin ko ay nasa kolehiyo na din sila. Narealize ko na ang isa sa kanila ay kilala ko. Si Becca, hindi siya queen bee or something. Ang pagkaalam ko ay suki ito sa mga pageants. Maski Binibining Pilipinas ay balak nitong sumali. Hindi naman talaga maitanggi na maganda ito at matalino ang tulad niya. Pero masasabi ko na pwede siyang ipantapat kay Amanda. She smirked. "Kilala ko ang kotse na iyon, ah. Kay Finlay Ho." Dagdag pa niya. Napalunok ako. Wala akong makapang salita. Parang nanginginig ang mga tuhod ko. s**t! Hindi ako prepared na maipagtanggol ko ang aking sarili sa kanila! "Don't tell me, ang isang Finlay Ho naman ang bibiktimahin mo? Hay nako... Hindi mo ba naiisip na maaari ka niyang paglaruan, huh?" Saka tumawa silang dalawa. Napayuko ako. Pumikit ng mariin. Gusto ko nang maiyak pero pilit ko iyon pigilan dahil ayokong panghinaan ng loob. Kaso mukhang malabo pa iyon. Dahil naiiyak na talaga ako! "Who told you?" Isang baritonong boses na aking narinig. Agad akong napatingin sa aking tabi. Nanlalaki ang mga mata ko nang makumpirma ko kung sino iyon. "Sinong may sabi na paglalaruan ko siya? Hmm?" Seryoso niyang tanong kina Becca. "F-Finlay..." Maski sila ay nagulat. "A-ano kasi..." Ang mas ikinagugulat ko pa ay biglang hinigit ni Finlay ang bewang ko para mapadikit ako sa kaniya. "Don't mess with her, Becca. Dahil kapag nalaman ko sa oras na inaaway mo siya o kutyain, hinding hindi ako magdadalawang-isip na aalisin ang shares ng mga magulang mo sa kompanya ko." Napaawang ang bibig namin sa sinabi niya. A-ano? May kompanya siya?! He's a college student pero may kompanya na siya?! "S-sorry..." Wari'y napahiya pa ang dalawa ay agad silang umalis sa harap namin. May bakas na takot sa kanilang mga mukha. "A-anong..." Bumaling sa akin si Finlay. Kung kanina ay seryoso at mukhang nakakatakot ay kabaliktaran na. Bumalik ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Are you okay na?" May bakas na pag-aalala nang tanungin niya ako nun. Dahan-dahan akong tumango ngunit hindi pa rin makapaniwala. Papaano siya nakapasok dito? "Pasha, tell me, are you scared? Nahihiya ka ba sa kanila dahil sa hitsura mo?" Sunod niyang tanong sa akin. "Kaya ba panay layo mo sa akin dahil baka anong sabihin nila sa iyo?" Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay yumuko ako. "Pasha," Doon ay bumalik ang tingin ko sa kaniya. Naging seryoso ulit ang ekspresyon ng mukha niya nang nagtama ang mga mata namin. "B-bakit?" "You want to prove yourself, do you? Natatakot ka lang." "Dahil ako hindi nababagay sa iyo. Dahil guwapo ka't pangit ako. Hindi tayo bagay." "Bagay tayo." Bigla niyang sabi. "H-ha?" "Be my girlfriend, Pasha." He said. "Once you're my girlfriend, I will fill up all your insecurities, I will support you, I'll treat you as my queen." "A-anong pinagsasabi mo..." Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi niya! "Kapag sinabi ko, ginagawa ko." Aniya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. "I'll protect you. I promise." "F-Finlay..." Ang tanging lumabas sa aking bibig. "Be mine, Pasha. Be mine..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD