chapter 1

1584 Words
Second year college ako nang nakilala ko si Ronald Bezerra. I admit, crush ko siya. Sino bang babaeng hindi magkacrush sa kaniya? Ang tangkad niya kaya! Sa pagkaalam ko ay nasa 5'9 ang height niya. Star player ng basketball ng School namin. Guwapo at matalino! Lalo na ang ngiti niya, nakakabuo ng araw. Kahit naman sigurong badtrip ako, masilayan ko lang ang kguwapuhan niya, paniguradong mawawala ang inis ko. Hayy. Samantalang ako... Payat (mukha na nga akong kalansay, eh!) Sabog-sabog ang buhok, maputla, at hindi kasing talino niya. Ang malala pa, walang araw na hindi ako tinutubuan ng tighiyawat sa mukha! Ano ba yan, pati ba naman pimples, hindi ako kayang tantanan?! "Hey, don't touch!" Wika ni Amanda nang makita na naman niya akong nakaharap sa salamin at tinitiris ko ang mga pimples ko. Hindi pa siya nakuntento na pagsabihan ay tinapik pa niya ang mga kamay ko. "Baka magkasugat ka sa mukha!" I pouted. "Dumadami na naman sila, eh." Reklamo ko at bahagyang lumayo sa salamin na kulang pa ay isubsob ko na ang sarili ko doon. She sighed and cross her arms. "Nasa puberty stage ka pa kasi. Hayaan mo lang, mawawala din naman iyan." Sabi pa niya. Tumingin din siya sa salamin para magsuklay. I pout once more. Tiningnan ko siya through sa reflection ng salamin. Pinagmamasdan ko siya. Hayy, gusto ko din tumulad sa kaniya, she's really pretty. Alam mo 'yung sobrang linis ng mukha niya? Ni walang bahid na tinigyawat siya? Ang puti-puti pa niya. Ang kinis! Dahil d'yan ay hindi na ako nagtataka kung bakit marami siyang manliligaw. Ni hindi nauubusan. Kung may nabasted man siya, hindi sumusuko! Lakas ng babaeng ito, oh! Ang sexy pa niya! Hayy! "Bakit ganyan ka makatingin, girl?" She asked when she noticed I'm staring at her. "Wala naman." Ang tanging nasabi ko. She rolled her eyes at me. "Pasha, huwag ka ngang mainsecure." Sabi niya. "Eh, gusto ko rin naman maranasan na ligawan. 'Yung tipong halos magpapakamatay ang mga lalaki para sa iyo mapasagot ka lang." Sabi ko't umupo sa gilid ng kama. Napailing siya sa sinabi ko. Humalukipkip siya ulit at tiningnan niya ako ng diretso. "Well, I understand your sentiments. Sinasabi ko sa iyo, mahirap din maging maganda." Pagkatapos ay tumalikwas ang isang kilay niya. Anong mahirap maging maganda na sinasabi niya? Araw-araw may nagpapadala sa kaniya na bulaklak, love letters, stuff toys, and chocolates. Kung wala siya dito sa dorm, ako ang nagiging LBC, JRS, o hindi kaya ay Air 21 ng mga manliligaw niya! Ilang beses na akong nadedepress dahil sa appearance ko. Sobra. Hindi ko nga alam kung ano na ang gagawin ko para hindi na ako tutubuan ng pimples sa mukha. Sa totoo lang, wala na yatang space para sa bagong pimple. Ano ba yan, nagsesex ba sila para dumami?! Nakakapagtaka nga, eh. Kasi 'yung kuya ko ay hindi tinitigyawat ng bonggang-bongga. Guwapo ang tatay ko at dating beauty queen sa isang probinsya si mama. Tapos ako... Anyare sa world?! At the moment, naglalakad ako para pumunta sa next class ko. Nagmamadali na nga ako dahil baka malate pa ako! "Oh my, pimple queen is here." Wika nang isang babaeng makakasalubong ko. Dahil matinis ang boses niya ay agad napatingin sa akin ang iba pang tao na madadaanan ko. Rinig kong may mga nagtatawanan at nag-uusap tungkol sa akin. Parang kinurot ang puso ko sa nakita ko. Yumuko ako't bilinisan ko pa ang lakad ko para takas ang kahihiyan na nagaganap ngayon. "Wala nang space, oh." "Miss pineapple." Naiiyak ako. Naiinis na ako. Dahil halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan ay may nakabangga akong lalaki. Agad kong tiningnan kung sino ang aking nakabangga. Nanlalaki ang mga mata ko kung sino ang kaharap ko ngayon! No other than that Ronald Bazerra! "S-Sorry..." Ang tanging salita na nasabi ko dahil sa kaba na bumuhay sa aking sistema. "It's okay," Then said then he smiled! "Dapat tingnan mo ang dinadaanan mo para hindi ka madapa." Napalunok ako't pinutol ang tingin ko sa kaniya. Tumango ako't agad akong umalis sa harap niya. Natataranta ako. Of all people sa loob ng university ay si Ronald pa ang nakabangga ko! Holy gracious! Hindi ko kinaya! Naranasan kong ang klaseng discrimination noong tumuntong ako ng high school. Sobrang hirap nang dinanas ko ng mga panahon na iyon. Palagi akong naiyak. Minsan ay hindi na verbal ang ginagawa nilang pambubully sa akin. Nagiging pisikal na. Gustuhin ko man sabihin sa magulang o sa kuya ko ay hindi ko naman magawa. Kaya noong graduate na ako ng high school ay talagang pinagpilitan ko kina mama at papa na lilipat ako ng school. Ayokong maranasan ko ulit ang mga bagay na iyon. Pero nagkamali ako. Hindi pa rin nawawala ang mga bully kahit pagtuntong ko ng kolehiyo. Kung may magandang nangyari man sa buhay-kolehiyo ko, iyon ay nakilala ko si Amanda. Iba siya. Hindi uso sa kaniya ang discrimination. Sobrang buti niyang tao. Hindi lang kagandahang mukha na meron siya, kahit kalooban ay ang ganda din! Kaya tuwing uuwi siya sa dorm, may dala siyang pagkain para mapagsaluhan namin. Palagi niya akong nililibre. Nakakahiya na nga sa kaniya. "Pasha, may lakad ako tomorrow. Okay lang ba sa iyo na mag-isa ka muna dito?" Tanong niya habang nagpapahid siya ng lotion sa katawan. "Okay lang, walang problema." I assured. "Ano bang gusto mong pasalubong pag-uwi ko?" She asked again. Ngumiti ako. "Kahit ano. Basta pagkain, hehe." Napailing siya. "Nagtataka na ako sa iyo, girl. Mahilig ka sa pagkain pero hindi ka nataba. Hmm..." Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam, eh." "Narinig ko na inaway ka na naman daw." Saka nilapitan niya ako para umupo sa aking tabi. "Sabihin mo ang totoo." I sighed. "Sanay naman ako, Amanda." "It's not a valid excuse, Pasha. You should fight then back. Pagkatao mo na ang tinatapakan mo." Hinagod niya ang likod ko. "I am your friend, Pash. Kung mga ganyang problema ay kailangan mong sabihin sa akin." Tumingin ako sa kaniya. "Ayoko naman isipin nila na malakas ako sa iyo." Umiling siya. "I want to protect my friend and that's you, Pasha. I'm just worried kung biglang babalik ang depression mo. I'm not a psychology student, you know. How I wish Naya or Elene will be us anytime." Isa sa mga kaibigan namin si Nayana. Sa pagkaalam namin ay masaya na iyon sa lovelife niya. Buti pa ang isang iyon, hindi naman pala-ayos ng sarili noon ay gumanda na ngayon buhat na nagkaboyfriend na ng fafa! Si Elene naman ay masaya na din sa boyfriend niyang si Flare Hoffman. Pareho silang Psychology Student. Ang bobongga ng mga boyfriend nila! Sayang lang dahil nasa ibang school sila. Naging magkakaibigan lang kami dahil sa isang concert event sa DLSU. Isa sa mga paborito kong banda ang tutugtog doon. Nagpasama ako noon kay Amanda. Dahil sa naliligaw kami ay nakilala namin si Naya na taga-DLSU ang boyfriend at kasama niya noon ang bestfriend niyang si Elene. "Impossible iyon." Natatawang sabi ko. Natawa din siya. "I know, right?" *** It's Saturday, and finally wala akong pasok ng araw na iyon. Sobrang pasalamat ko dahil kahit papaano ay nakaalis ako sa kahihiyan na nangyari kahapon sa university. Dahil wala ulit si Amanda ay ako lang ang narito sa dorm. Mag-isa. Amanda is a freelance model. Buti nga siya hindi masyadong mahirap ang kaniyang trabaho dahil kagandahan niya lang puhunan niya. Naputol ang pagbabasa ko ng english novel nang biglang may nagdoorbell. Nilakip ko ng bookmark ang libro at pinatong ko iyon sa side table ng single bed ko. Pinuntahan ko ang pinto para buksan iyon. Napasinghap ako na isang lalaki ang bumungad sa akin. May dala siyang bouquet. Chinito. Matangkad ang lalaki. Palagay ko ay kasing-tangkad niya lang si Ronald Bazerra, naka-navy blue long sleeves polo shirt at fade blue jean. Nakaleather shoes. Ang bango pa niya! Hindi ko mawari kung isa siyang koreano o tsinoy. "Wala po si Amanda." Mahina kong sabi at pilit maging normal sa harap niya. Tumango siya. "I see." Sabi niya. "Ako nalang po ang magbibigay niyang bulaklak pagdating niya. Sasabihin ko sa kaniya na pinapabigay ninyo." I said with a nice way. "Is that so?" Tumango ako. Aba, bakit parang suplado naman ng lalaking ito? "Well, hindi naman para sa kaniya ito." Then he handed the flowers at me. "This is for you. It's Finlay Manius Ho, by the way." Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Anong pinagsasabi nito? Napangiwi ako. "Uhm, excuse me po, ha? Baka nagkakamali po kayo. Hindi ako si Amanda. Ako si Pasha." Sabi ko pa. He smirked. "I know. You're Pasha Cardoso. A nursing student." He said. Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Like, "What the f**k?! How did he know?!" Inabot niya ang bouquet. "Just take these flowers, Pasha. It's all for you." He said. Wala naman akong magawa kungdi tanggapin ang bouquet. Tiningnan ko siya. "S-salamat..." Tinagilid ko ang aking ulo dahil hindi ko siya kayang tingnan sa kaniyang mga mata. Nakakahiya! Hindi ko malaman kung nabagok ba itong ulo ni kuya? Hindi ba niya nakikita na panget ako at baka nagkamali lang talaga siya? "Pasha," Tawag niya sa akin. "B-Bakit?" Sagot ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. "Be my girlfriend." Matik nanlaki ang mga mata ko. Dahil d'yan, tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "A-ano?!" Chill lang ang tingin niya sa akin. Nanatiling ang mga mata niya sa akin. "I said, be my girl, Pasha." Ngumiwi ako. "Pinagtitripan mo ba ako, mister?" Humalukipkip ako. "May mga mata ka naman, malinaw pa sa antipara ng lolo ko na panget ako. Tapos, bigla mong sasabihin na be my girl? Sus, alam ko na ang mga ganyang pakulo, may kapustahan ka, noh?" Wala parin akong nababasang ekspresyon sa kaniyang mga mata. "Wala akong kapustahan. Hindi ka naman pangit. Gusto kita kaya gusto kita maging girlfriend." Laglag ang panga ko. What? Ang guwapong nilalang na ito, may gusto sa akin?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD