Chapter 6 Akeem’s Pov : Nagising ako sa init ng araw na tumatama sa aking mukha. Napadilat ako ng aking mga mata at unang tinignan ko ay ang cellphone. Baka may nagtext eh o nagpamiscol habang tulog ako. Nakita ko na rin ang oras at 6:10 pa lang ng umaga. 7:30 ang first period ko kaya nagmuni muni muna ako. Habang nagmumuni muni ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko, nagtext na naman ang unknown number na nagtext sa akin kagabi. "Goodmorning baby :) have a nice day and I hope we will see each other mamaya. Smile always baby " Ang nabasa kung text niya. Dahil naintriga ako kung sino ang nilalang ang nagtetext sa akin na may Baby! Ay nagreply ako sa kanya. "Who are you? Will you please stop texting me because I don't even know your name! And please ……please don't call