Chapter 5

2030 Words
Chapter 5 Akeem’s Pov: Pagdating namin dito sa Glennford, nauna na akong bumaba ng kotse niya. Late na kasi talaga ako eh. Kaya dali dali akong naglakad palayo sa kanya. Hindi ko pa ngang nagawang magpasalamat sa kanya eh. Habang patakbo akong naglalakad, napatigil ako dahil sa isang boses na tumawag sa aking pangalan. Paglingon ko si Lex lang pala. "Oy sabay na tayo..." Ani niya sa akin habang papalapit siya sa akin... Ewan ko ha pero parang nagbabago itong bestfriend ko na to..parang mas nag-aayos na siya ng sarili niya kasi hindi naman siya ganyan dati eh..simple lang siya noon pero tignan mo ngayon parang nagmemake up na. "Nakaayos ka yata?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ah!." Pagtanggi niya sa aking sinabi. "Hindi daw...eh bakit ka naka make up? Tapos parang masaya ang aura mo ngayon? May manliligaw ka na no?" Pangungulit o sa kanya. "Wala! Naisip ko lang mag-ayos ng sarili!!maganda ba?" "Maganda...nagulat nga ako ng makita kita eh kasi d ka naman ganyan dati" ani ko sa kanya..maganda siya kahit noon pa pero mas gumanda na naman siya ngayon. "Talaga!?" "Oo nga...!!ano?tara na?!baka malate na tayo masyado" Maglalakad na sana kami ng may umakbay sa akin. Pagtingin ko sa gilid ko ay si Kendrick lang pala. "Tanggalin mo nga yang kamay mo!!" Utos ko sa kanya pero ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Medyo nakakaramdam na ako ng inis sa kanyang ginagawa. "Ano ba!?!ang bigat kaya ng kamay mo!" Daing ko. Mabigat naman talaga ang kamay niya eh tapos lalo pa niyang inihigpitan ang pagkakaakbay niya sa akin. "Eh bakit ba?! Di ba liligawan kita?" Ani niya. Alam kung pumula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng init at kasabay na yun ay.........kilig?! Bakit ako makikilig dito sa lalaking to?! Una dahil karibal ko siya kay Yesya. Pangalawa dahil hindi siya makapagtitiwalaan at ang pangatlo!!!lalaki siya at lalaki ako!! "Ang cute mo naman mamula!!." sabay hawak sa akin pisngi. Susuntukin ko na sana ang tagiliran niya ng humiwalay siya sa akin.. "Sige!kita na lang tayo mamaya at tsaka hihintayin kita mamayang uwian!!bye baby!!"sigaw niya habang nagwawave pa ang gago!! Tsk......kung mga baby parang anak niya ako ah! Baka gusto na niyang maging punla sa mga halaman kapag nagpatuloy pa siya sa ginagawa niya.. Ehem!! Rinig kong pekeng ubo sa aking tabi. Napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Lex na may mukhang parang nagtatanong. "Dumating lang si Kendrick, nakalimutan mo na ako." Pagtatampo niya. "Pasensiya na! Yung gagong Kendrick na yun kasi eh!!" palusot ko sa kanya. Talaga naman eh! Kung hindi lang nanggugulo ang lalaking yun eh di sana walang problema. Dali dali naman siya nakitabi sa akin sa paglalakad at tinignan ako ng kakaiba. Kahit na alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin niyang mga ganyan, kailangan ko pa ring tanungin. "Anong problema mo Lex?" Nagtatakang tanong ko dito. "Ano yung narinig ko kanina?!" Seryoso niyang tanong sa akin. "Ano yun?" Patay malisya kong tugon sa kanya. "Yung tungkol sa ligaw ligaw na sinasabi sayo ni Kendrick?" Eto na nga ba ang sinasabi ko eh..kung di ko siya sasagutin kukulitin lang niya ako. Kung sasagot naman ako baka kung anong isipin niya sa akin. "Wala yun!" Maikling sagot ko. Ayaw kong magbigay ng maraming salita baka kasi makakahanap pa siya ng ibang katanungan kung nagkataon. "Anong wala..narinig kaya ng dalawang magagandang tenga ko kung ano ang sinabi ni Kendrick sayo..!!sabihin mo na kasi!!" Pagpupumilit niya sa akin. "Fine!!liligawan daw niya ako!!ewan ko ba dun sa gagong yun!"Napilitan na akong sabihin sa kanya kasi hindi naman siya titigil ng kakatanung kung di ko siya sasagutin eh tsaka si Lex naman to, mapagkakatiwalaan ko siya. "Ano!?" Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Oo daw...di ko nga alam kung anong trip ng lalaking yun eh." Sagot ko. "Pumayag ka naman?!" Tanong niya. pumayag ba ako?hindi naman di ba?pero parang pumayag yata ako noon. "Syempre hindi!?" Matigas kong sagot sa tanong niya. "Eh bakit ganun ang sinasabi niya sayo kanina? Hihintayin ka pa nga niya mamayang uwian eh..!!" "Ewan ko dun!!bahala siya sa buhay niya!" nasabi ko na lang sa kanya. "Hay naku Akeem...mag-iingat ka sa taong yun." paalala niya sa akin. "Alam ko Lex! Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin." Ani ko. Ilang minuto rin ng paglalakad namin, nakarating na kami sa classroon. Habang papalapit kami ay rinig na rinig namin ang ingay ng mga classmates namin tanda nun na wala pa ang instructor. Pagpasok namin, biglang tumigil ang mga classmates namin at napatingin sa aming dereksyon. Ang mga kalalakihan ay parang timang na nakanganga ng makita nila si Lex. Hindi ko naman sila masisisi dun kasi talagang ang laki ng pinagbago ng itsura niya. Nagtungo na kami sa aming upuan at biglang nagsuguran ang mga kalalakihan kung nasan kami ni Lex. "Wow Lex, ang ganda mo ngayon ah..pwede bang sabay tayo mag lunch mamaya?" ani ni Arnold na classmate namin. Gwapo siya at maganda ang katawan niya pero kilala siya sa pagiging bully niya. "Ah pasensya na si Akeem ang kasama ko eh." sagot niya kay Arnold. "Eh mamayang break Lex?pwede ba? Treat kita!" ani naman ni Jason. Siya ang pinakamayaman sa aming lahat na nandito sa silid na to. Maputi siya at gwapo rin kaya lang hindi rin siya katangkaran katulad ko. Haha. "Ha eh kwan kasi si Akeem ang kasama ko." sagot niya ulit. "Eh sa uwiaan Lex? Hatid na lang kita mamaya." Ani naman ni James sa kanya. "May pupuntahan pa kasi kami ni Akeem eh!" Ani niya at tinignan ko siya dumilat naman siya na nagsasabing sumakay ako sa kanyang dahilan. Wala naman kaming pupuntahan ah at teka! bakit ako palagi ang rason niya!? Naku Lex pag nabugbug ako mamaya patay ka sa akin. "Ah oo...oo may pupuntahan kami..." Nasabi ko na lang sa kanila.. "Ako na lang kasama mo" Arnold... "Hindi ako na lang..." Jason... "Hindi mas masaya akong kasama" James... Tsk nag-aagawan na silang tatlo dahil kay Lex. "Pasensya na si Akeem kasi gusto kong makasama eh." Sagot niya sa tatlo. Napatingin naman silang tatlo sa akin habang ako ay nakabukas lang ang dalawang mata. Kitang kita ko naman ang inis sa kanilang mga mata. Para bang nagsisimula nang nag-aapoy ang mga ito. "Ano bang meron diyan kay Akeem na yan ha?" Nagtatakang tanong ni Jason kay Lex.. Oo nga...ok lang naman sa akin kung sumama siya sa iba eh. Hindi naman ako magagalit o ano eh. "Ah eh kasi kwan...kasi alam niyo naman na bestfriend ko siya di ba?" nauutal niyang sagot sa mga ito. Tsk.... Rinig kong sabay sabay nilang sambit.. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang instructor namin. Bumalik naman silang lahat sa kanilang mga upuan.. Dumaan ang dalawang oras at break na!! Gaya ng sinabi ni Lex kanina ay kaming dalawa ang magkasama. Nagpunta kami sa canteen at bumili ng makakain. Pagkabili namin, naghanap na kami ng available na mesa para dun kumain. Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap. Pagkaupong pagkaupo namin ay biglang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay walang iba kundi ang gagong si Kendrick. "Pwedeng maki upo?" Ani niya na may ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi pwede!!kaya umalis ka dito" pagtataboy ko sa kanya. "Ganun ba? Sige." halatang malungkot ang boses niya na umalis. Wala akong paki alam kung umiyak man siya o magdalupisay sa sahig. Sino ba siya sa inaakala niya? tsk.. Ilan saglit pa ay bumalik siya na may dalang isang upuan... "Oh anong ginagawa mo dito!?" Nagtatakang tanong ko. "Eh sasabayan ko kayong kumain..."Nakangiti niyang sagot sa akin. "Di ba sabi ko hindi pwede! Umalis ka nga dito" Pagalit kong sabi sa kanya. "Bakit? Sayo tong canteen?!" Sarkastikong tugon niya sa aakin. "Tara na Lex" pagtawag ko kay Lex. Kung di siya aalis eh di kami ang aalis. "Teka di pa kayo tapos kumain oh!" pagpigil niya sa amin. "Eh ano bang paki alam mo? Ikaw ba ang bumili ng pagkain namin!?"Napasigaw na ako sa kakulitan ng lalaking to. Hinawakan naman ni Lex ang aking mga braso. Napansin kong nakaagaw na kami ng atensiyon dito sa loob ng canteen. Lumabas na lang kami ni Lex sa loob at dali daling naglakad papunta sa room namin. Sa paglalakad namin, ramdam kong sumunod si Kendrick. Napatigil kami ni Lex sa paglalakad at hinarap si Kendrick. "Ano ba talagang kailangan mo ha?! Bakit ka sumusunod!?"tanong ko dito. "Eh ano rin pakialam mo?!eh sa gusto ko eh!." Nakangiti niyang sagot sa akin. Naku pag napuno ako, mapapatay ko talaga tong lalaking to! Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at di na lang namin pinapansin si Kendrick na sumusunod sa amin. Pagdating namin sa classroom namin. Hindi mapigilan ang pagtili ng mga babae at mga kabaklaan kung mga classmate. Hindi ko naman masisisi ang mga ito dahil talagang gwapo naman talaga ang gago. "Sige Akeem!!mamayang uwian na lang. Bye baby" Pagpapaalam niya sa akin. Matapos ang lahat ng klase namin at uwian na. Sabay kaming lumabas ni Lex sa building namin. Masaya kaming nagkwekwentohan ni Lex nang may tumawag sa aking pangalan. "Akeem!!" Napatingin naman ako sa harapan at nakita ko si Kendrick na nakangiti habang nag wewave pa. Pagdating namin sa kinatatayuhan niya ay inaya na niya akong umuwi. "Ano tara na?" Nakangiting tanong niya sa akin. "May pupuntahan pa kami ni Lex kaya pwede ka nang umalis!" ani ko sa kanya. "Hindi pwede! Nakapangako ako sa mama mo na ihahatid kita" sagot naman niya. "Sasama na lang ako sa pupuntahan niyo. " dagdag pa niya. "Bahala ka sa buhay mo!!" Tanging tugon ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang makalabas kami ni Lex ng campus. Habang naghihintay kami ni Lex ng taxi, biglang may tumigil na isang kotse. Alam ko kung sino ang may ari nito. Walang iba kundi si Kendrick. "Sakay na kayo." Anyaya niya sa amin. "Hindi.. salamat na lang." tugon ko. "Hindi! Diba may pupuntahan kayo? Sakay na para maihatid pa kita sa inyo pagkatapos." ani niya sa akin. Tinignan ko naman si Lex. Tumango na lang siya at pumapsok na kami sa kotse niya. Pagpasok naming dalawa ay pinaandar na ni Kendrick ang kotse. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa amin habang nakatingin siya sa daan. "Wala, hatid mo na lang ako!" Sagot naman ni Lex. "Ah ganun ba? San ka ba nakatira?!" Sinabi na ni Lex ang address niya at inihatid na ni Kendrick. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa harap ng bahay nila. Pagbaba niya, kahit na halatang may takot siya sa kanya ay nagpasalamat pa rin siya. "Wala yun! Basta para sa mga taong mahalaga kay Akeem." Sagot ni Kendrick kay Lex. Matapos magpaalam ni Lex sa akin ay nagpatuloy na kami. "Oh saan na tayo pupunta?" Tanong niya sa akin. "Hatid mo na lang ako sa bahay" mahinahon kong tugon sa kanya. Inihatid lang niya talaga ako ni Kendrick sa bahay. Pagbaba ko sa sasakyan ay tumayo muna ako sa harap ng gate. "Sige bukas ulit!"ani niya sa akin. Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at tumango ako sa sinabi niya. Napangiti naman siya sa reaksyon ko at umalis na. Pagpasok ko ng bahay, dumeretsyo ako sa aking kwarto para magpalit ng damit at gumawa ng mga assignments. Pagkatapos kung gawin lahat ng dapat kung gawin ay humiga muna ako sa aking kama. "Anak baba ka na..maghahapunan na tayo" rinig koong tawag sa akin ni mama.. "Sige ma, sunod na ako" sagot ko sa kanya. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Nakita ko si papa at mama na nakaupo na. Umupo na ako sa tabi nina mama at papa habang sina manang ay naghahanda... "Oh anak ready ka na ba para bukas?" Tanong ni papa sa akin. Oo nga pala may salo salo kaming dadaluhan bukas ng gabi. Nawala sa isip ko. "Ah eh! Opo pa." Sagot ko na lang. "Sige agahan mo bukas umuwi para sabay tayong pumunta." "Sige pa" tanging sagot ko. Pagkatapos naming kumain, pumunta na ulit ako sa aking kwarto. Pagkaupo ko sa kama, biglang tumunog ang cellphone ko. NAng tignan ko kung sino ay hindi naka register sa phone ko. 09********* "Kita nalang tayo bukas...salamat !!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD