2:00

2869 Words
2:00 Sino ang taong ito? Bakit parang napaka-importanteng pigura sa lugar na ito? I had to look away for a moment. Sa ilang taon kong paninilbihan para sa publiko, ngayon lang ata ako nasakal sa presensya ng isang tao. Mabigat at masyadong madilim. Hindi ko maipaliwanag. He exudes this air of mystery. Something about him seems amiss, as if he doesn't belong in this ordinary crowd. Kahit na kumakatok ang pangamba sa puso ko, pilit ko pa ring tinatagan ang sarili. Animo'y maaamong tupa, nahati sa gitna ang lipon ng mga tao sa loob ng club, wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob tumingin sa mga mata ng lalaking naka-maskara. Maliban lang sa akin. Nag-tama ang aming titig, at animo'y eksena sa pelikula, naramdaman ko ang pag-tigil ng aking mundo. Why does he seem so... familiar to me? Lahat ata ng inhibisyon ko'y nawala sa isang iglap habang ang aking kabatiran ay nanatili lamang sa lalaking nakaka-titigan ko. Sa saglit na puwang na iyon, samu't saring senaryo ang kumislap sa utak ko. Mga imahe ng newspaper headlines, mga duguang tao, mga protesta, at ang walang patid na man-hunt. Do not forget... Everyone here can be Maradona. So don't get too close or you'll burn. "Keep your head down," utos sa akin ng kasamahan ko na ngayo'y abalang-abala sa pag-gawa ng martini. Um-oo na lang ako bago atupagin ang dapat ay trabaho ko dito. Still... I could feel his stare. "N-nandito na ba s-si Maradona?" Bakit ako nauutal? "Walang nakaka-alam kung sino si Maradona. May mga tauhan siyang nagpapanggap bilang siya sa isang utos niya lang. Minsan suot-suot ang kanyang maskara." "Kung ganon... Yung lalaking kaka-pasok lang, hindi siya si—?" "Walang nakaka-alam. Pero isa lang nasisigurado ko... Pagmatyagan natin ang mga bisita dito, dahil balita ni supremo... Narito ang kanang kamay ng lalaking iyon." I nodded before continuing with what I was doing. Sa gilid ng aking mata, nasilayan ko ang naka-maskarang lalaki na tila sa akin ay titig na titig. Naga-alinlangan ako simula kanina ngunit hindi rin nagtagal nang mag-pokus na ito sa mga kausap. SA BUONG durasyon na iyon, ginawa ko ang makakaya manatiling naka-tungo ang ulo. Nakakapagtaka nga gayong ang pakay ko'y makita ng taong ito, pero bakit parang iwas na iwas ako sa kanya? Is this really fear? Tunay nga bang natatakot ako? Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman, bagkus buong akala ko'y kayang kaya ko harapin ang kahit sino sa mga tauhan nito sa oras na magkita kami, pero nagka-mali ata ako. Masyado ko atang pinataas ang sariling ego. Sana nga hindi lang ako hanggang salita. "Ihatid mo ang drinks nila sa table na ito." ani ni sir Ronan bago iabot ang maliit na papel mula sa kanyang kamay. Binuklat ko ito at nabasa ang nilalaman: 'Narito ang asset ni Maradona. Ihatid mo sa VIP lounge sa pinakadulo ng red hallway ang mga inumin nila. Wag mong kalimutan... Kailangan ka niyang makita. Gawin mo ang makakaya maagaw ang atensyon niya.' Nilukom ko sa kamay ang papel bago ito itago. Ito na nga ang pagkakataon na iyon. Kailangan kong tatagan ang sarili. Bagama't hindi masyadong ipinaliwanag ng tauhan ni Midnight ang kailangan mangyari, sapat na ang impormasyong binigay niya para kumilos ng sarili. Huminga ako ng malalim at binagtas ang daan ng red hallway kung saan naka-kubli ang mga VIP guests. Medyo magalaw ang tray na hawak-hawak ko, kaya dahan-dahan ang aking kilos. Ngunit bago pa ako tuluyang maka-pasok, hinarang ako ng nagbabantay na bouncer. "Ano iyan?" "Refreshments po. Para sa... Vip lounge." "Hindi pa kita nakikita. Patingin nga ako ng employee ID mo." Napalunok ako. "Umm ako kasi yung sub ng isa sa mga bartender... Direct hire ako ng Citadels." "Citadels?" Tumango ako. "Walang abiso sa akin ang Citadels." "Kung ganon po... Si Midnight na lang ang kausapin niyo." Nanlaki ang mata nito bago umatras. "Gano'n ba... parang ang hirap paniwalaan n-na Citadels mismo ang kumuha sa iyo." "Pinsan ko po yung nag-bartender sa harap. Si sir Ronan." Sandali siyang natahimik, tila nag-seryoso bigla ng ekspresyon at pilit na tinago ang pangamba sa mukha. "B-basta saglit ka lang doon. Wala pang limang minuto ay dapat nandito ka na." Tumango ako bago ngumiti. "Sapat na ang oras na iyon para maihatid ko ito." Kung talagang naririto ang katiwala ni Maradona, kailangan kong bilisan at gawin agad ang plano. Nasa kritikal na oras kami ngayon at anumang oras ay pwede nitong maisipang umalis na lang bigla. "Mukhang hindi ka nage-enjoy Mr. Volkov... Hindi mo ba nagustuhan ang linya namin ng mga babae ngayon?" Saglit akong nahinto sa entrada nang walang intensyon kong marinig ang usapan sa looban. Huminga ako ng malalim bago kumatok at magpatuloy. Hindi nila ako pinansin bagkus nagpatuloy lang sa kanilang diskusyon. "Sir... Hindi raw ganito ang mga tipo niya," Nanatili akong kalmado sa panlabas kahit pa nagngitngit na sa takot ang aking kalamnan. Lalo na't nang mapag-alaman na ang lalaking naka-maskara ang VIP guest na dinadaluhan. Is this Maradona's right handed man? Nagsimulang magpaliwanag ang host. "P-pasensya na sir V-Volkov. T-tatawag agad ako ng replacement! Mr. Ronaldo paki-palitan ang mga dancers!" Mr. Volkov is his alias. Noted.. Tahimik akong naglalapag ng mga inumin nila nang bigla akong nahinto sa kamay na marahang dumapo sa aking baba. "There you were...my zayka." Matalim niyang tinitigan ang mata ko habang puno naman ng pagtataka ang nakapalibot sa amin. "I found you..." Inilabas niya ang kakila-kilabot na ngiting nagpayanig sa kabuuan ko. Ilang sandali niyang pinanatili ang aming pagtiti-tigan nang dahan-dahan siyang bumaling sa kasama naming host. "A-ahh i-ito po ba ang m-mga tipo niyo? Hindi bale sir Volkov. Sisiguraduhin kong mabibihisan ng tama ang babaeng ito! Ihahain namin siya matapo—" "No one touches her." Nakaramdam ako ng pagbabago sa ihip ng hangin, na tipong may hindi magandang mangyayari. "P-parang a-awa sir V-Volkov..." Walang emosyong ngumiti sa akin ang lalaking kaharap ko. Sa saglit na pagkakataong iyon, tila nahipnotismo ako sa nandidilim niyang aura. At sa sandaling iyon, nagkaroon siya ng tsansa mailabas ang tinatagong armas sa gilid, kung kailan nangingibabaw ang takot sa puso ko, tsaka ko rin nabitawan ang disposisyon. Nakalimutan kong rumesponde bilang pulis. Masyadong maliksi ang kanyang kilos, na parang kahibla lang ng segundo ang kinuha. Isang putok ng baril ang biglang umalingaw-ngaw. Hindi ako nakakilos sa sobrang bilis ng pangyayari. Sa aking gilid, basta na lamang bumagsak ang katawan ng kaninang host, habang nagsi-tilian ang mga escorts na natira. Tumilipon ang baril niyang hawak nang sadya niya itong itapon bago niya ako pilit hapitin papunta sa kanya, ang isang kamay nakapulupot sa aking baywang, habang ang s**o ko'y naka-diin sa matipuno niyang dibdib. Gulat na gulat ang ekspresyon ko. Nanginginig sa ilalim ng malaki niyang pigura. He was big... extremely big—standing at least 6.8 feet, like Midnight. Hindi lang iyon... The man was very muscular... and strong. Para bang kayang kaya ka niya pisatin gamit ang malalaking kamay. Wala akong tsansa kalabanin ang lalaking ito. Hindi ko rin matantya ang galawan niya! Sobrang lapit na nito sa aking mukha, isang lapit pa at alam kong maglalapat na ang aming labi. Ramdam kong pinaglalaruan niya ako at kahit isa akong ganap na pulis, malabo pa rin ang kanyang mithiin. Kung umiiwas siya sa awtoridad, hindi siya dapat gumagawa ng gulo. But after years of Maradona's reign, I come to realized that was not the case. Walang sinasamba ang grupo nila. Walang takot sa awtoridad, wala ring sini-sinong tao. Alam iyan ng publiko, kaya dapat hindi na ito nakaka-gulat. "You're going to be so much fun to play with," bulong niya. Tila ba natauhan ako ng pagkakataong iyon. Napawi ang saglit na pangamba at sa halip, napalitan ng lakas ng loob. "F*ck you," hayag ko. Sinubukan ko siyang sipain sa kanyang gitna ngunit nagawa niyang baliktarin ang aming pwesto. Aaminin kong mas malakas siya sa akin, maaaring mas magaling din, pero hindi ko hinayaan mapangunahaan ako ng mga kahinaan ko. Muli ko siyang sinugod ng suntok ngunit nahuli niya agad ang aking kamao, para bang bawat galaw ko ay nababasa niya. Sumiklab ang kaguluhan sa loob. Ang ibang escorts ay tuluyan nang naka-takas, ang iba'y bukambibig ang saklolo. Pumalya ang misyong ito. Ang gusto ko lang naman ay masilip nila ako. Naroon din ang pakay kong maka-lipon ng sapat na impormasyon ukol sa kanila. Pero hindi ito ang nasa plano ko! Not here, not when innocent people are involved! Alam kong nasa dulo lang ng silid na ito ang baril ni Mr. Volkov. Pero hindi rin ako maaaring kumilos ng basta-basta. Marami ang pwedeng madamay, at marami rin ang pwedeng masugatan. Ano ba ang kailangan kong gawin sa sitwasyong ito? "Lily!" Sa kabilang banda, sumulpot ang tauhan ni Midnight na si sir Ronan, kasama ang iba pa nitong reinforcement na kasama. Ang isa'y bouncer na nakausap ko kanina. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng lugar bago dumapo kay sir Volkov na ngayo'y kapit-kapit ang mga braso ko. Saglit siyang tumingin sa kaganapan sa labas na nagkakaroon din ng sariling kaguluhan bago ibalik ang titig sa amin. Inilabas niya ang sariling armas at itinaas upang itutok sa amin, pero napa-kunot lang ako ng noo nang mapagtantong hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin ni sir Volkov. "So your name is Lily..." Hindi ako tumugon bagkus kinuha ko ang oportunidad para sanggain siya gamit ang ulo. My head started to bleed but I was able to escape from his tight grip. Bahagyang namula ang parte ng balat kong kanina'y hawak-hawak niya. Nagawa ko agad na gumapang palayo sa kanya at patungo sa mga basag na wineglass. Saktong-sakto sa aking pagtakas ay ang malakas na putok ng baril. Huminto ako sa aking paggapang para humanap ng panangga sa oras na madawit ako ng mga bala. Napaka-tindi ng tensyon sa paligid. Ganoon man, hindi ako nagpakampante gayong pinalilibutan din kami ng tauhan ni Maradona. Hindi rin naman malabong magsi-labasan sa lungga ang tauhan ni Midnight. Magkaka-sagupaan ang dalawang grupo kaya kailangan kong kumilos para sa sarili dahil kung hindi, tiyak na maiipit ako. Habang inulan ng mga bala ang lugar, nahagip ng aking mata ang armas ni Volkov. Gayundin, ang mga nakakalungkot na sinapit ng mga nadawit na escorts sa loob. Nagkalat ang bangkay at amoy ng dugo sa loob, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang tignan ang kinalalagyan ni sir Ronan. Pinikit ko ang mata at gumulong patungo sa armas na nakaka-kalat nang bigla rin mahinto ang kaninang ingay. Sa gitna ng mga nakahilatang katawan, walang rekasyon na nakatayo si Volkov, ni hindi mukhang nasugatan o nahirapan sa kanyang pakikipag-sagupaan kay Ronan at sa mga dumating na guwardya. "Argh!" Mas lalo akong kinilabutan nang masaksihan ang eksena sa harap. Gamit ang malalaking palad, nagawa niyang durugin ang ulo ni Ronan. Tumalsik ang dugo mula sa mga mata nito. Umagos at naging ala-alang hinding hindi mabubura sa aking isipan. When he crushed Ronan's skull, I realized just how damgerous he was. Nagawa nitong makaligtas sa mga balang ina-asinta siya. Nakayanan niyang baliktarin ang sitwasyon-- talunin ang anim laban sa isa. Kakaiba ang paraan ng pamamaslang nito, gayang gaya sa pamamaraan ni Midnight. Parehong brutal, parehong halimaw. Kanang kamay ba ito ni Maradona? Just where did he find such strength... such skill. Such murderous intent... "No one escapes." Nanatili itong nakatitig sa akin habang sinusuri niya ang reaksyon sa aking mukha. I swallowed a lump in my throat. Mayroon akong opsyon... ang lumaban o ang sumama gaya ng aking inisyal na plano. Pero nagbago ang kaganapan. Hindi ko aakalain na gagamitin nila akong p*ta. Alam kong iyon ang kalalagyan ko dahil ano pa ba ang pakay nila para busisiin ang bawat kababaihan ng distrito? Paano kung iyon lang naman talaga ang pakay nina Maradona? Ang dumakip ng mga babaeng may mukhang gaya ko para paglaruan? Para gamitin sa init ng kalamnan? Paano kung kamatayan ang nag-aabang sa kanila? Paano kung niloloko lang ako ni Midnight para saglit na mapaamo ang kanyang kalaban? Paano kung ginagamit niya lang ang kagustuhang malaman at makita na ligtas ang kapatid ko? Hindi ako tinantanan ng mga katanungan at takot sa pagkakataong iyon. Tinignan ko ang katawan ni Ronan. Seeing that this mission failed, I had the option to escape or to finally subdue... Pinagmasdan ko ang ngiting biglang lumitaw sa kanyang mukha na para bang kinukutya pa ako. He has managed to corner me from this cage he had set. A trap I was unable to recognize. Nang makitang hinding hindi siya natatakot gumawa ng eksena sa isang publikong lugar, doon ko napagtanto ang isang bagay. I made a mistake. I underestimated them... Officer Ethan's right. This was something I couldn't take on my own. But I don't regret it one bit. Susugal ako sayo Midnight. Maniniwala kahit pa puno ako ng pagdu-duda. For my sister, I will... I will live. Hindi nila ako pwedeng makuha. Hindi ngayon. Maraming tao ang naririto. Maraming sibilyan ang paniguradong makiki-elam. Hindi lang anim o walo ang mapapatay, maaaring maubos ang lahat ng naririto sa oras na manggulo ang mga tao sa kanyang pakay. Sa lugar na ito, hindi ako o si Volkov ang dehado kundi ang mga taong naipit sa alitan ng dalawang grupo. Napahawak ako sa aking armas. Iisang bala na lang ang laman nito. Anumang pagtantya o anggulo ang gawin ko, alam kong mahirap matarget si Volkov sa paraan nito ng panlalaban. Volvok took a step as if to tease me even more. Hindi ako nagdalawang isip na kalabitin ang trigger, ngunit imbis sa kanya itutok, binaril ko ang katabing bintana. Nasilayan ni Volkov ang binabalak ko at bago pa siya makakilos, mabilis kong tinawid ang sirang bintana at ginamit ang pwersa ng katawan upang wasakin ito. Tumilapon ako patungo sa malakas na daloy ng tubig--partikular sa rumaragasang ilog na kumokonekta sa likod ng Red Light district. Maraming kwento ang umiikot ukol sa ilog na ito. Iilang katawan na raw ang tinapon dito sa tuwing may krimen na magaganap sa Red Light district. At ito na ata ang magpapatunay sa kanilang mga usap-usapan. Kasabayan ng madumi nitong tubig, naghalo ang dugong umaagos sa aking ulo. Akala ko makaka-pahinga ako, akala ko'y makakabalik ako sa puder na aking kinasanayan. Back home, back at the headquarters where my territory was in. But the relief didn't last long. Mula sa sirang bintana, natanawan ko ang hindi mabura-burang ngiti sa mukha ng lalaking iyon, na para bang nakakita siya ng bagay na gustong gusto niyang makuha. **** Binilisan ko ang aking lakad pauwi, naroon ang kaba at tensyon na namumuo sa aking tiyan. Ang pamilyar na daan patungo sa aking munting apartment ay tila naging katakot-takot na daan. Mahina ang umaalingawngaw na yapak sa daanan, magulo sa utak kung akin nga ba o hindi. Kasabayan ng mahinang alingawngaw, nakipagsabayan ang kabog ng aking puso. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nagsisi-taasan ang aking balahibo. Hindi ko matantya pero alam kong may taong nakamasid, kanina pa sumusunod sa gitna ng malungkot na baranggay. Kadalasan ay masasabi kong kayang-kaya ko palagan ang mga usual na krimen na kinasasangkutan. Ang mga salitang hostage at kidnapping ay delikado pero alam kong kaya kong labanan. Ngunit iba ang ihip ngayon. Hindi lang basta-basta ang kalaban. Was it him? I can't stop thinking about it. Dalawang tao lamang ang pumapasok sa aking isipan. It's either Mr. Volkov or Maradona who was after me. Or maybe much worse, both of them. Tinitigan ko ang isang dulo ng mahabang eskinita. Hindi ko alam kung nagugulumihan lang ako pero alam kong may isa pang aninong sumusunod. Sinubukan kong bilisan ang lakad at nang maramdaman ang tila pagsunod muli nito, tsaka ko lang nadama ang kaninang takot na umuusbong. This feeling... This fear... It was all too familiar. Ayokong hayaan kainin ng masasamang isipin. I've handled small, distinguishable crimes before, but this is on a whole new level. Dealing with an international threat adds a significant challenge. Kaya ko ba? "I'll come rescue you when the clock hits midnight, when his game ends." Magtitiwala ako sa kakayanan ko, at sa tulong ni Midnight. Para sa iisang mithiin. To save my sister and to finally stop this crusade. Sa mga oras na ito, hindi ko man lang hinamon ang sumusunod. I dared not to look back. Habang umiikli ang distansya sa pagitan naming dalawa, hindi ko a-akalain na ito na pala ang hudyat sa isang larong habang-buhay na tatatak sa aking isipan. This was my calculated surrender. Isang desisyon na ako mismo ang pumili. Agad akong nahinto. Akala ko nasa likuran ko lang ang sumusunod, pero nagkamali ako. The dead empty space in front of me was enough to send me in trepidation. Ilang distansya mula sa kinatatayuan ko, nasilayan ko ang pigura ng isang naka-maskarang lalaki, na kalmadong nakatayo sa tahimik na kalsada. Gusto kong malaman kung panaginip lamang ito habang pinapanood ang eksena. Unti-unting binalot ng nakaka-hilong usok ang lugar. Handa na ba talaga ako? Pinikit ko ang mata at nagdasal sa aking isip. At nang minulat ko ang mata, tsaka ko lamang nakumpirma na hindi nga ito ilusyon. Sa isang iglap, ang realidad ko'y tila naging masamang panaginip. I was surrounded by them. And the man... It was really him. Maradona...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD