3:00

2607 Words
3:00 Lahat ng hakbang at galaw ko sa buhay ay para sa aking pamilya. Ang matunton ang kapatid, ang mabigyan ng hustisya si mama. All those dreams had led me to this place and status. To avenge them, I need to be strong and powerful. Kaya ako nagsikap maging pulis, dahil may kapangyarihan sa edukasyon at koneksyon. Dati, walang mapagsidlan si mama para sa aming dalawa. Bagama't mahirap ang buhay na kinagisnan ko, sinikap niyang mai-ahon ako sa kabila ng pagiging single mother. Isang sikat na escort si mama sa isang local bar. Doon, nakilala niya ang kanyang maimpluwensyang kliyente--my father, who was at that time the head councellor. Despite being deemed powerful, he was powerless against his morals. At dahil wala namang maasahan sa mga lalaking gaya ng tatay ko, iniwan niyang mag-isa si mama upang itaguyod ako. Mama was a fighter. Hindi niya hinayaan ang sitwasyon para pabayaan ako. Pero aaminin kong mahirap ang buhay noon, kaya wala na rin siyang ibang nadaluhan kundi gamitin ang katawan para may maihaing pagkain sa aming hapagkainan. Gayunpaman, kahit ganoon ang klase ng trabaho ni mama, nabigyan niya ako ng buhay na masagana. Kahit ganoon kadumi ang aking kinalakihan, nagawa niya akong ilayo sa bisyo at sa mga taong may masasamang binabalak. She had homeschooled me--taught me how to write and read. Siguro kung lumaki si mama sa magandang tahanan, baka hindi rin ganito ang kahahantungan niya. Baka isa na siyang lawyer, gaya ng pangarap niya. But instead, she made ends meet in this hell. She was well sought after by men and by her clients, but eventually she became pregnant once more. It was finally then that I was happy to have another addition to the family. Hindi na lang kaming dalawa ni mama sa buhay. May kapatid na ako! "Lily... Kayo na ng kapatid mo ang magtutulungan sa oras na mawala na ako." "M-Ma wag ka naman magsalita ng ganyan." "Lahat ng tao namamatay Lily... Pero hindi ipagsabihin non ay kailangan mong matakot. Gusto ko lang pagdating ng araw iyon... gusto kong malaman mo na kayo ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko." Hindi ko maintindihan dati kung bakit niya iyon sinasabi. Pero nang pumatak ang nalalapit na kabuwanan ni mama, tsaka ko napagtanto ang matagal na niyang iniinda sa katawan. Alam niyang hindi na kaya ng katawan niya ang manganak. Binigyan siya ng opsyon ng mga doctor. It was either she abort her baby, or she would die. "Mrs. Iris, I'm sorry to bear this news to you. Pero malaki ang tsansa magkaroon ka ng komplikasyon sa panganganak mo. I highly suggest you undergo therapeutic abortion, if you want to live." Sa kabila ng maayos na paguusap at pangungumbinsi ng mga doctor, nanatiling desidido si mama na ituloy ang kanyang pagbubuntis. Ganoon man, naroon ang takot sa kanyang puso--nakikita ko sa tuwing mahuhuli ko siyang luhaan tuwing gabi. "Makinig ka sa akin Lily... May matalik akong kaibigan sa Spider Flower club. Doon... Alam kong maalagaan ka." "Ma... A-anong s-sinasabi mo?" Hindi agad makatugon si mama, tila ba hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang lahat ng ito. "Tama sila, Lily. Hindi ko kayo kayang itaguyod magisa... Hindi ko na rin kaya alagaan at damayaan kayo sa pagtanda. Walang makakapag-sabi kung kailan ako mawawala kaya ngayon palang gumagawa na ako ng paraan." Sa edad na pitong anyos na gulang, marunong na ako maka-intindi ng bagay-bagay, gaya ng mga problemang kung tutuusin ay para lamang sa matatanda. It was both a curse and a blessing. "M-mama... please... huwag kang magsalita ng ganyan." "Alam ko Lily... alam kong mahirap. Pero makinig ka sa akin. Mahal na mahal ko kayo anak. Huwag mong isipin na walang pagkakataon na hindi ko kayo naiisip. Humihingi ako sa iyo ng pasensya... Patawad anak kung hindi ko kayo kayang buhayin... Patawad kung hindi ko kayo kayang damayan hanggang sa paglaki. Patawad..." Nauutal ang kanyang boses, nanginginig naman ang nanlalamig niyang kamay na naka-kapit sa akin. Habang humihikbi, hindi ko maiwasan punahin ang labis niyang pamamayat na ngayon ko lamang lubusan nabigyan pansin. "Aalagaan ka doon... Mamahalin ng higit pa sa maibibigay ko." Mas lalong bumakas ang sakit sa kanyang mukha. Marahil nahihirapan siyang sabihin ito lahat, lalo na ngayong kritikal ang oras. "Ang kapatid mo... Ipagkalaloob ko sa a-aking k-kinakasama. P-pa-pakiusapan ko siyang asikasuhin ang p-papeles ng kapatid mo para mailagay sa maalaga at m-magandang b-bahay-ampunan—" "Mama!" "Lily! Ito na lang ang paraan... para sa magandang kinabukasan niyong dalawa! Makinig ka sa akin. Ito na lang ang huling hiling ko!" Tumigas ang kanyang ekspresyon at huminga ng malalim. Hinapit niya ako sa isang mahigpit na yakap na tila ba ito na ang huling pagkakataong magagawa niya iyon. "H-hanapin mo ang kapatid mo... Hanapin mo siya. Ipangako mo sa akin Lily na balang araw... Magkakasama rin kayo." Matapos ng ala-alang iyon, natahimik ang lahat. She died... Not because of her pregnancy. No. She actually survived. But she died not because of anything related to her suffering or illness... Gusto kong mapamura. She died by her own hands, when she fell in love, when she got pregnant with a married man. Mama loved someone she couldn't have. It's been twenty years already, but the pain still stings. Isa na akong dalaga... isa ng ganap na pulis. Gayunpaman, ang mga hangarin ko para sa aking pamilya ay nanatiling malabong panaginip. The justice I was seeking for my mother became blurry. Paano ako hihingi ng hustisya kung si mama ang nagka-mali? I loved her to death, I just couldn't avenge her from the emotional damage that man gave to her. Sa mata ng mundo, kabit si mama. Isang pokpok na pumatol sa lalaking may sabit. But no one truly blamed the man who lied... the man who came to her abode and tried to use love against her. No one would side with her. Ako lang siguro. Pilit ko man gawin ang huling habilin ni mama, nanatili pa rin akong bigo sa aking layunin. Hindi man naging maganda ang naging simula ko sa Spider Flower Club, naging matatag naman ang loob ko sa lahat ng bagay. Nagsinunggaling ang kaibigan ni mama. Ginamit lang nila ako para maging utusan at alalay. Sa pagtanda, ninanais nila akong hubugin para maging tulad nila. Bagama't walang wala ako, nagawa kong igapang ang sarili. Sa gabi, nagtatrabaho ako bilang utos-utusan ng mga empleyado doon, sa umaga naman sinikap kong makapag-aral. Aaminin kong hindi ito ang pinangarap ni mama para sa akin, pero minsan ganito talaga ang daloy ng buhay. The bottom feeders gets to suffer, while the powerful stays unbothered. Hindi rin naswerte ang aking kapatid. Nang subukan kong hanapin ang bahay-ampunan kung saan siya nilagay ng taong pinagkatiwalaan ni mama, napag-alaman ko ang krimeng namumuno sa likod ng lugar na iyon. They sell orphans to syndicates and crime lords. Ang iba'y pinasok sa s*xual industry, ang iba'y naibenta na sa mga sindikato. My sister was sold by mother's trusted friend. Akala ko isa ang kapatid ko sa mga nasangkot sa ganoong klase ng industriya. Akala ko napabayaan siya! Akala ko wala na... Napakaraming lugar ang hinalughog ko mahanap lang siya ngunit anumang hanap ko'y wala akong makita ni isang bakas niya. Ang panalangin ko na lang ay sana napunta siya sa magandang pamilya at hindi sinalbahe gaya ng sinasabi nila. If Midnight says you're fine, then I'll put my trust in that...dahil wala na akong kakapitan kundi ang pagbabaka-sakali. Kahit isa man lang sana sa amin ay nagkaroon ng magandang buhay. Kamusta ka na kaya? Alam mo kayang hinahanap ka ng ate mo? Alam mo bang may kapatid ka pa?... Natupad mo kaya ang pangarap mo, Rose? Sana... Sana oo... **** Nang unti-unting kumatok ang aking kamalayan, natagpuan ko ang sarili sa isang madilim na silid. Makapal ang hangin at malamig ang simoy nito. Animo'y inagawan ng tinig ang kapaligiran ko dahil sa aking tabi, isang babae ang kumakausap sa akin, pero anumang pag-adjust ang gawin ko, hindi ko siya madinig. Malakas pa ata ang epekto ng kung anumang usok ang pinalanghap sa akin kung kaya't nahirapan akong makabangon. Aaminin kong nakakasakal ang katahimikan. Sinubukan kong igalaw ang bibig hanggang sa maramdaman ko ang nanunuyong lalamunan na kanina pa naghahanap ng tubig. Saan ba nila ako dinala? Kailan pa ako nandito? Pilit kong inalala ang mga kaganapan bago ako mapunta dito pero ang tanging pumapasok sa isipan ay ang enkwentro ko kay Maradona at ng mga tauhan niya sa gitna ng baryo. Bagama't takaw-atensyon ang panganib na umaaligid, ginawa ko pa rin ang makakaya maka-rekober. I may be captured, but I refuse to surrender like this easily. Kailangan kong maka-bangon. "G-gising ka na!" Ipinagpatuloy ko ang unti-unting pag-bawi ng pandama. Una ay ginalaw-galaw ko ang mga daliri, hanggang sa tuluyan ko ng nadama ang biyas ko. My hearing became better. At ang kaninang panlalabo ng mata ay naging mas malinaw. Medyo masakit ang kasu-kasuan ko pero hindi ko na iyon ininda. As I slowly sat up from bed, I was immediately greeted by an unknown woman. Halatang kanina pa siya umiiyak at nag-aalala base sa mga luhang natuyo na sa kanyang pisngi. Hindi lang iyon, mukhang matagal-tagal na rin siyang narito. Bukod sa mapayat niyang katawan, masyado na ring maputla ang kanyang balat, isang senyales na baka hindi na siya nasilayan ng araw. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid. Katam-taman lang ang laki, ang tanging gamit sa loob ay isang munting lamesa, salamin, at cabinet. Datapwa't hindi ganoon kalaki, magarbo ang disenyo ng lugar, para bang palasyo sa mga palabas na napapanood ko. Sa bandang kaliwa naman, may isa pang maliit na kwarto na sa tingin ko'y paliguan. Sinubukan kong kapain ang sarili. Isang puting bestida na lang ang suot-suot ko, habang ang leeg ko'y sinasakal ng isang kahina-hinalang metal device gaya ng naka-pulupot sa leeg ng babaeng kasama ko. Is this a tracking device? Sinubukan ko itong kabigin pero masyado itong secured sa pagkaka-lock. Hindi bale na, tsaka ko na ito reresolbahin. Alam kong wala rin naman akong magagawa sa kakulangan ng gamit dito. "N-nasaan t-tayo?" Unang bungad ko sa kanya, bahagyang nahihirapan pa magsalita. "H-h-hindi ko alam..." Huminga ako ng malalim bago ayusin ang kompustura. Malamang ay nababagabag pa siya sa mga pangyayari base pa lang sa mga kinikilos niya. Kaso wala naman akong magagawa kundi ang gambalain siya ng mga katanungan ko. "Ilang araw ka ng nakakulong dito?" "H-hindi ko n-nga alam!" sigaw niya, takot na takot habang niyayakap ang sarili. "How can you ask me these stupid questions?! Gaya mo ay napadpad lang din ako dito!" Ayoko sana siyang abalahin pa. Kung nasa tamang lagay kami baka nabigyan ko pa siya ng sapat na oras para huminahon, pero ang problema ay nabibilang ang oras namin dito. The enemy could come any moment. Kailangan ko na itong ayusin ngayon din. "Alam kong natatakot ka, but panicking won't help--" "Pero antagal ko na dito! I-ilang linggo na akong nag-aantay ng saklolo!" Puno ng desperasyon ang boses niya, as if she's having an anxiety attack. "A-ayokong mamatay..." bulong niya bago tuluyang humagulgol sa tabi ko. Agad ko siyang dinaluhan. "Shhh... naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero makinig ka sa akin kung gusto mo mabuhay. Kailangan nating magtulungan, at mag-isip ng solusyon, okay?" Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. Sa puntong iyon, hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. "Ngayon, para magawa iyon, kailangan ko munang kumalma ka. We can't panic or allow fear to consume us." She slowly nodded, taking a deep breath to steady herself. At least this is a good start for her. "Bago ang lahat, ano muna ang pangalan mo?" "K-Kenna..." "Kenna... teka... " I've heard the name before. Pilit kong hinalukay ang memorya dala ng pamilyar niyang pangalan, hanggang sa maalala ko ang investigation board ko. "--ikaw ba ang nawawalang anak ni mayor Samonte?" Bumakas ang gulat sa mukha niya. "P-paano m-mo i-iyon nalaman–" Tama nga ako. Isa siya sa mga kasong hawak ko. Pero dahil sa kondisyon niya ngayon, hindi ko siya agad namukhaan. I can't believe that she's still alive. I thought she was dead already. This is big news for everyone. "Pinapahanap ka ng ama mo. Nakikipag-kooperasyon na siya sa kapulisan para matukoy ka. Tiyak akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang buhay pa ang anak niya." Kinuha niya ang kamay ko. Saglit na bumakas ang kasiyahan sa mukha niya kahit pa punong-puno siya ng luha. "M-mahahanap niya t-tayo, diba? M-maliligtas din tayo?" Ayoko sana siya paasahin at bigyan ng kasiguraduhan ngunit disidido akong maligtas silang mga biktima. Kaya para sa ikakabu-buti ng kanilang mga damdamin, magsisinunggaling ako at sasabihing ayos lang ang lahat. "Oo... nasisiguro ko yan...Basta sumunod ka lang sa akin at makaka-labas tayo dito. Trust me." Tumango-tango siya at pinunasan ang luha. Naging medyo malumanay na rin ang kanyang kalooban. Para bang nabigyan ko siya ng panibagong pagasa. Nais ko pa sana siyang interogahin ngunit ang saglit na intermission na umalingawngaw ang nagpa-agaw ng pansin ko. "My brides." The voice cut through the silence like a knife--it was deep and enigmatic. May parte sa akin ang kinilabutan, may parte rin ang nagngitngit sa galit. Bumigat bigla ang hangin at mas naging tensyonado sa sumunod na anunsyo. "Meet me at the dinner table. Make yourselves beautiful... like a gift for me. I'll be waiting." May diin ang huli nitong sinabi. As he spoke, each syllable commanded undeniable authority, demanding you to follow even when you are urged to retreat. Saglit akong naubusan ng salita. His voice was rich and dark. Nakakatakot sa madaling sabi. Kinakabahan ako sa totoo lang, hindi lang para sa sarili, kundi para sa aming lahat. Minsanan ko ng naramdaman ang ganitong emosyon, partikular sa Spider Flower club kung saan ako unang naka-tikim ng karahasan. Ayaw ko na sanang magbalik-tanaw pa, kaya bakit ko ito naaalala? Ito ba ang senyales ng papalapit kong katapusan? Habang pinoproseso ang panganib sa kanyang tono, nanigas naman sa kinatatayuan ang katabi ko. Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Kenna. "Kenna? Ayos ka lang?" Hindi siya sumagot. "Ano yung tinutukoy ng nagsalita?" Tila ba wala na sa katinuan si Kenna matapos ang anunsyo na iyon dahil wala pang isang segundo nang bigla na lang siyang naging hysterical. "K-kailangan nating sumunod... Ayusin ang sarili para sa kanya!" "Teka lang..." Sinubukan ko siyang intindihin, pero halos hindi ko siya makausap ng matino. Panic sets in her eyes, and all I could do was blindly follow her to the dresser. "G-gusto niya ay malinis at presentable tayo sa mata niya..." "Pero bakit? At sino siya?" "Si Maradona!" Maka-hulugan niyang hinawakan ang aking pala-pulsuhan. "Nakikita mo itong numero sa pulso mo? That means you're his. You're one of us now. A bride for him." Kinalas ko ang pagkaka-kapit niya, kasabayan non ay ang pagmamadali niyang makapag-bihis. Mula sa aking balat, nakita ko nga ang itim na numerong naka-burda–number 11. Sinilip ko naman ang kanya habang nag-mamadali niyang nilabas ang tila formal dress sa loob. "Number 10..." Mahina kong bulong. "W-wala na akong oras ipaliwanag pa eleven! S-sumunod ka na lang o k-kung hindi... t-tayong dalawa ang malilintikan..." Mariin niya akong pinaki-usapan sa pamamagitan ng mata niya. Wala na rin akong nagawa pa kundi ang sumunod na lang. Mas matagal na siya kaysa sa akin dito, tiyak na mas maalam siya sa patakaran dito. "My name is Lily... kaya wag mo na ako tawaging eleven." Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus tumuloy na siya sa kubeta para makapag-linis ng mukha. Sa aking tenga, kumalembang ang nakakapanindig balahibong boses ni Maradona. 'I'll be waiting' Maradona... I can't believe that I'll be facing you this soon. My nemesis... My cause...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD