Chapter 1 - i don't know him anymore

2230 Words
"Hurry up, Syndell!" pumapadyak na ang bestfriend kong si Gwen habang hinihintay ako. "Diba nga sabi nila, 'haste is waste'?" nakangiting sabi ko. I took my time arranging my books and putting back my pens inside my bag's pocket. "Tigilan mo muna ako sa mga words of wisdom at life's lessons mo na iyan ha at bilisan mo na!" angil nito pabalik sa akin. "Friend, patience is a virtue. Everything comes to those who wait," kalmadong wika ko habang inilalagay sa bag ang mga gamit ko na nakakalat sa table. "Oo, pati reprimand will come to us kapag hindi mo binilisan. Siguradong nagche-check na sila ng attendance ngayon!" I know for a fact na walang kinalaman sa punctuality ang pagmamadali niya and that's what makes torturing her even more fun. "Cool ka lang! There's plenty of time. Ang laki laki ng covered court, hindi mapupuno iyon." Walang bahid ng pagmamadali sa kilos ko. Gwen is carefree by nature kaya nag-eenjoy ako kapag nai-stress siya. "Syndell Grace Nazareno!" "Okay, okay, eto na! Peace!" This time dali dali ko nang isinara ang zipper ng aking backpack bago siya nginitian at hinila palabas. "Let's go! Ano pang hinihintay mo, friend?" I asked cheerfully. Hinampas muna ako nito sa balikat bago kumapit sa aking braso at sabay kaming naglakad. "Late na tayo kaya huwag ka nang magpaka-Ms. Congeniality ha! Baka lahat ng makita mo papuntang gym tigilan mo pa, wala na tayong time even for a little chitchat." Friend magnet daw ako sabi ng mga kakilala ko. I easily start conversations and make friends. Likas din akong masayahin at palangiti, minsan kahit sa mga hindi ko naman kakilala. Mana ako sa Mama ko. Yun siguro ang dahilan kaya na-elect akong Secretary ng Student Council. Final year na rin namin sa college kaya busy sa school activities pero kahit na sinasabi ni Gwen that I'm biting off more than I can chew, wala sa akin iyon. Nag-eenjoy naman ako at iyon ang mahalaga. "Kasalanan bang maging friendly? Last time I checked hindi naman. Friends are life's treasures, you must know that." "Wala na tayong pupwestuhan sa gym, hindi ko na makikita ng malapitan si Tyler my Love at kasalanan mo iyon! Hindi kita mapapatawad kapag nagkataon!" Si Tyler ang Forward ng Raging Thunders, ang Basketball Team ng Perpetual University. Siya ang ultimate crush ni Gwen...at ng kalahati ng school female population. Gwapo naman talaga ito, matangkad, maganda ang katawan at napaka friendly pa. Siya iyong tipong kumakaway sa fans kapag naka-shoot at nagpapasalamat sa mga nagchi-cheer sa kanya after every game. Darling of the crowd nga daw ito kaya maraming nababaliw sa kanya at isa na si Gwen sa mga iyon. Mas gusto ko sanang tumambay sa Student Council office if given the choice pero malabo iyon sa ngayon. Eto nga at hinihingal na ako sa bilis ng lakad ni Gwen pero hindi pa man kami nakakalayo ay may sumigaw na ng pangalan ko. "Hi Dell! Looking good!" bati ng kasalubong namin na kasamahan ko sa Student Council. "Uy Charlie, nice to see you! Check natin yung budget for the Christmas Ball, kelangan na daw ipa-approve sa board kase medyo malaki iyon," sagot ko. "Sige, let's meet later." he tapped my shoulder before jogging away. "Yan na nga ba sinasabi ko!" gigil na bulong ni Gwen sa tabi ko. "Syndell!" narinig kong sigaw naman sa likuran. "Madel, kumusta?" Nilingon ko siya pero hindi itinigil ang mabilis na paglalakad dahil nararamdaman ko ang pagbaon ng mga kuko ni Gwen sa braso ko. "Yung write-up about Student Council gusto sana namin isama sa first quarterly issue ng newsletter this school year, pwede mo ba kami i-sched ng interview with the officers?" "Sure!" "Hello Dell!" "Hi, Megan!" "Dell, what's up?" "Uy Russel, buti magaling ka na!" Nang makaalis ito, Gwen stopped abruptly and gave me a death glare. "Syndell, do you really have to greet everybody?" "Friend, it's very impolite naman kung de-deadmahin ko sila. Mas mabuti yung madaming kaibigan, diba? You'll never know when you'll need them, iyon ang laging sinasabi sa akin ni Mama." Gwen rolled her eyes crossed her arms impatiently. Before she could speak again, I pulled her arm and walked as fast as I could on the way to the gym, dragging her along. Panay ang salita niya habang hila-hila ko lalo na kapag may mga bumabati sa akin at nililingon ko. Nang sa wakas ay narating namin ang gym, Gwen halted and threw me another meaningful look. She didn't say anything but her eyes were shouting "I told you so!" I bit my lip and looked around. Lagot. Jam-packed ang covered court. Malay ko ba na ganito pala karami ang basketball fans at ganito kapursigido ang mga tagahanga ng varsity players ng University. As far as I know iyong students lamang na may PE classes ang required manood ng exhibition game ng Raging Thunders. Freshmen at Sophomores lamang iyon. Kung hindi lamang nag-uumapaw ang school spirit ng prof namin sa Philippine History ay hindi nga dapat kami obligadong manood dito. Lumingon lingon ako, desperately searching for familiar faces pero sa dami ng estudyante doon ay halos magkakamukha na silang lahat. Malilintikan ako nito kay Gwen na makabusangot na ang mukha sa tabi ko. "Don't worry, I'll find us a seat. I promise," I said unsure just to ease her anger. "You'll find us a seat, alright. Pero saan? Sa likod ng bleachers? Ano pang makikita ko doon?" angil niya. I kept on looking and was only relieved nang mapansin ko ang kumakaway na lalaki sa bandang kanan ng mga bleachers. Whew. Grinning from ear to ear was Josh. He is my closest guy friend. Sila naman ni Gwen, childhood bestfriends. They grew up together sa Quezon province at nang makilala ko sila during enrollment noong incoming freshmen pa lamang kami ay magkadikit na talaga ang bituka nila so to speak. Senior na rin siya pero buti na lang at nandito siya. Nag-reserve pa talaga siya ng seat para sa amin. She really knew Gwen so well. Agad kong hinila si Gwen papunta kay Josh. Hindi niya agad napansin ito pero nang makita niya ang matalik na kaibigan ay mabilis na lumamig ang ulo nito lalo na nang makitang maganda ang pwestong naka-reserve para sa amin. "Dell, may vacant pa dito o!" sigaw ni Kyle na dati kong classmate sa Humanities pag akyat namin ng bleachers. "Thanks Kyle, andun si Josh," sabi ko sabay turo. Nilingon ko si Gwen with a triumphant smile. "See, it helps to have many friends!" Ngumuso lamang ito at itinulak ako. "Oo na, bilisan mo at malapit na ang half time. Marami na akong na-miss sa laro nila Tyler my Hapiness!" "Syndell, wala kayong maupuan? Dito na kayo, pwede naman akong tumayo," alok ni Dale habang naglalakad kami sa masikip na bleachers. Saglit akong tumigil kahit halatang naiinis na ang mga nahaharangan namin sa panonood ng ongoing na game. "Pwedeng kumalong na lang ako sayo?" sabi ng puso ko pero isang simpleng "Salamat!" lamang ang lumabas sa bibig ko. Si Dale ang President namin sa Student Council. Nang alukin niya ako na tumakbong Secretary ay na-mesmerize yata ako sa ngiti niya at sumang-ayon nang hindi nag-iisip. Wala kong ideya noon kung ano ang ginagawa sa Student Council pero naisip ko na final chance ko na ito na maging officer so I siezed the moment. Ni hindi ko nga inakala na mananalo ako pero dahil nga siguro sa pagiging friendly ko at dahil na rin dinala ako ni Dale sa team niya kaya malaki ang naging lamang ko sa mga kalaban. Luckily mababait naman ang elected officers at natututunan ko naman agad ang mga duties ko with their kind assistance. In fact, nag-eenjoy ako sa pagiging Secretary at bonus na rin siguro na nandoon siya at palagi kong nakikita. "May upuan na kami doon," nakangiting paliwanag ni Gwen para sa akin sabay turo sa kinaroroonan ni Josh. Tumango naman si Dale at ngumiti. Haaayyy......ang ganda talaga ng smile nya. "You're drooling, friend. Punasan mo yang laway mo at baka makahalata si President," pabulong na baling sa akin ni Gwen. "And move it! Aantayin mo pa bang itulak tayo ng fans ng Raging Thunders?" Nilampasan ako nito at nauna nang maglakad. Ako naman ay kumaway muna kay Dale at akmang susunod na sa kaibigan ko nang.... Booooogsh!!!! Kung kanina ay sobrang ingay dahil sa mga tilian lalo ng mga kababaihan, ngayon ay biglang tumahimik ang paligid. Biglang dumilim ang paningin ko at nahilo sa lakas ng impact ng bola sa kaliwang side ng mukha ko. Namanhid ang bahaging iyon na tinamaan ng bola at noon ko lamang napatunayan na totoo pala yung nakakakita ng mga stars kapag natutuliro. Kung hindi ako nahawakan ni Dale sa braso ay siguradong matutumba ako. "Time out!" sigaw ng isang boses na nanggaling sa court. "Syndell, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dale habang sinisipat ang parte ng mukha ko na tinamaan. Shit, this is so humiliating. Daig pa nito yung time na nag-ikot ako sa mall kasama ni Gwen not knowing na bukas pala ang zipper ko hanggang sa finally nilapitan ako ng isang gwapong kapwa customer sa bookstore para sabihin iyon. Akala ko pa naman ay makikipagkilala siya. This is even worse than that time nung may nag-ring na cellphone na pagka-lakas lakas habang sakay kami ng jeep ni Josh. Habang tumatawa ay niremind ko siya na hinaan iyon dahil nakakahiya. Sinabi ko pa sa kanya na siya na lang ang kilala kong gumagamit ng special na ring tone at ascending pa! Nung kinalabit ako ni Josh at ipinakita ang hawak niyang cellphone na naka-off ay bigla akong namutla. Tsaka ko lang napansin ang isang ale sa tapat ko na masama ang tingin sakin. Bigla tuloy akong pumara kahit hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan. Wala ring sinabi dito yung time na tinatanong ako ni Papa habang nasa bus kami at sumagot ako ng pasigaw dahil ang lakas ng sounds. Only to find out na naka earphones nga pala ako. This is by far my most humiliating experience. And to think it happened in front of the whole school, not to mention literally in front Dale. Gusto ko sanang tuluyan na lang magpakahimatay pero naisip kong mas nakakahiya iyon at wa-poise kung bubulagta na lamang ako dito kaya with all the pride left in me, if there's any, I tried to regain my composure and steadied myself with Dale's help. "Gusto mo bang samahan kita sa Clinic?" Dale offerred. It sounded like a great way to escape and to be with him pero umiling ako. I don't want to draw further attention when I leave this place escorted. "Okay lang ako," pagbabalewala ko. "Here," someone beside me offered a bottle of water. Uminom muna ako bago tiningala ang kung sinong six footer na nag-abot noon. Si Tyler. Kahit pawisan ito ay hindi nabawasan ang kagwapuhan niya. Ang gorgeous talaga niya lalo sa malapitan. Kaya pala halos mahibang si Gwen tuwing nakikita siya. And speaking of Gwen, sa halip na lumapit siya sa akin at tulungan ako ay eto siya at nakatulala sa Adonis na nasa harap ko habang tinatapik ni Josh na hindi makaraan dahil nakaharang siya. Sinapo ko ang kaliwang bahagi ng ulo ko bago umusal ng isang absent-minded na "Thank you" kay Tyler. "Okay ka lang ba? Sorry ha, he just lost his grip," paliwanag nito. Napaka-apologetic ng pagkakasabi niya kaya pinilit kong ngumiti kahit naiinis ako dahil isa siya sa mga naglalaro sa court at malamang isa rin sa nagcontribute sa pagkakatapon sa akin ng bola. Sinuklian niya ang ngiti ko at ginulo muna ang buhok ko in a playful manner bago bumaba ng bleachers makaraang pumito ang referee. "Sinong last touch?" narinig kong tanong ng isang player sa di kalayuan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, determined to know who was responsible for my utter humiliation. "Number 4, Mateo!" Gavin Mateo. Damn it. Of all people. Hindi ko maintindihan kung magagalit ba ako o malulungkot o matutuwa na siya ang may kasalanan. By instinct ay nagagalit ako dahil sa kahihiyan na idinulot sa akin ng pagbato niya ng bola. Nalulungkot naman ako dahil iyon ang palaging nararamdaman ko kapag nakikita ko siya o naaalala pero this time dapat ba akong matuwa na finally mapapansin niya that I still exist? Nakita kong lumapit sa kanya si Tyler. Tinapik siya nito, bumulong at tumuro sa gawi ng kinatatayuan ko. Nagtama ang paningin namin at parang pansamantalang tumigil ang t***k ng puso ko. It's been a long time simula ng huli niya akong tapunan ng tingin. I held his gaze despite the fact na lalo akong naghina sa titig niya. And for a moment I expected him to at least mouth an apology. Then I realized that was too much to ask for. I was not even surprised when he just shrugged his shoulders and ran off to the other side of the court as if nothing happened. But why did that hurt more than the ball slamming on my face? It's been two years. Two years simula nang maging invisible ako sa mga mata niya. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya. Hindi maliwanag sakin why he suddenly shut me out and stopped being my friend. Pero sa mga oras na ito, isa lang ang malinaw. I don't know him anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD