BILLIE HABOL-HININGA ako nang makarating sa ospital. Hindi kagaya noong una ay nanatili si Sir Damian sa aking tabi hanggang makapasok kami sa loob ng ospital. Nanatili itong tahimik habang nakasunod lamang sa akin. "Friendship!" bungad na bati ni Agnes sa akin nang salubungin niya kami sa labas ng ICU. Bahagya pa itong natigilan nang mapabaling ang kanyang mga mata kay Sir Damian na tahimik lamang na nakasunod sa aking likod. Agad niya akong tinapunan nang mapang-usisang tingin ngunit wala akong panahon ngayon upang magpaliwanag sa kanya kung anong ginagawa ni Sir Damian sa ospital. "Anong nangyari?" dali-dali kong tanong sa kanya. Saka lamang ito tumigil sa pagtitig sa mukha ng lalaking kasama ko nang marinig niya ang aking sinabi. "Stable na ang lagay ni Tito Bernard sa ngayon mata