BILLIE KINABUKASAN ay nagulat pa ako nang pagpasok ko sa employee's entrance ng gusaling aking pinapasukan ay agad akong sinalubong ng mga bodyguard ni Sir Damian. Nalaman kong bodyguard niya ang mga iyon dahil na rin namumukhaan ko ang dalawa sa kanila. Alas-nuebe na ng gabi at isang oras na lang ay oras na ng aking duty. Walang nagbabantay sa aking ama sa ospital ngayon dahil may pasok si Agnes. Ngunit hindi ko magawang lumiban sa trabaho dahil na rin sa paghihinayang sa aking magiging sahod. "The boss wants to see you now," blangko ang mukha turan ng isa sa kanila. "T-Teka lang," angil ko nang hawakan ako ng isa sa mga ito sa braso. "May trabaho pa 'ko. Hindi ba p'wedeng mamaya na lang?" tanong ko. "The boss specifically told us that he wanted to talk you now. Not later but now," m