Chapter 6

1471 Words
BILLIE HALOS mag-iisang oras na rin akong nagpapalibot-libot sa kabuuan ng bar upang mag-alok ng sigarilyo. Bukod sa pagbebenta ay kailangan din naming makahanap ng mga client na papayag na ipalit ang mga sigarilyo nila sa brand na pinopromote namin. Bago lamang ito sa market pero hindi naman ito nalalayo sa kaledad nang mga branded na sigarilyo na nauna nang inilabas sa market. Lakas ng loob at kapal ng mukha ang puhunan dito kaya hindi rin biro ang sahod na ibinibigay ng agency. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa aking trabaho at saka muling naglibot upang makahanap ng iba pang kliyente. Sa aking paglilibot ay hindi sinadyang mapatungo ako sa lamesa kung saan may iilang lalaking nakaupo. Agad akong lumapit upang mag-alok nang biglang may tumawag sa akin. "Billie!" malakas na sigaw nito. Agad akong napalingon sa lalaking nakaupo sa pabilog na upuan. It was Alekhine, the bartender that handed me a free drink a while ago. Bahagya pa akong nagtaka kung paano nito nagagawang uminom sa oras ng trabaho. "H-Hi," alanganing bati ko. "P'wede pala kayong uminom sa oras ng trabaho?" tanong ko. He chuckled, "Tapos na duty ko," tugon niya. Tumango-tango lamang ako saka bumaling sa mga kasama niya nang tumama ang aking paningin sa pamilyar na mga mata. Nahigit ko ang aking hininga nang mabakas ko ang madilim niyang mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanyang mukha sa tuwing magtatama ang aming paningin. "Billie! Kumusta benta?" untag ni Agnes dahilan upang mapabaling ako sa kanyang gawi. "O-Okay naman, medyo konti pa lang pero maaga pa naman," tugon ko. "Why don't you join us?" alok ni Alekhine. "Sige!" mabilis na sagot ni Agnes. "Hindi na. May trabaho pa kami," halos sabay namin tugon. Agad naman kaming nagkatinginan. "Halika na. Minsan lang tayo makatyempo ng ganito ka-gwapo. Lumandi na tayo," mariin niyang bulong sa akin. "Friendship, alam mo namang trabaho ang pinunta ko rito hindi ang paglalandi. Kung gusto mo ikaw na lang basta mag-ingat ka at sabay tayong uuwi. Maliwanag?" saad ko. "How much are those?" turan ng isang baritonong tinig dahilan upang sabay kaming mapalingon sa gawi ng lalaking prenteng nakaupo sa pabilog na sofa. "T-Two hundred pesos per pack," nauutal kong sagot. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng t***k ng aking puso sa tuwing kakausapin niya ako. "I'll buy everything so you can both seat with us," seryosong turan ni Damian. Ako naman ay napanganga dahil sa kanyang sinabi habang si Agnes ay halos magtatalon sa tuwa. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at agad na umupo sa tabi ni Alekhine. Ilang minuto rin akong nanatiling nakatayo sa kanilang harapan at tila ba hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.  "Hoy, Billie! Ano ka ba? Umupo ka na. Wala ka nang idadahilan dahil bibilhin na daw ni Sir ang lahat ng items natin," turan ni Agnes na punong-puno ng excitement. Kahit dati pa man ay si Agnes talaga ang mas outgoing and free-spirited sa aming dalawa. Kahit na batak siya sa trabaho ay hindi nito nakakalimutang mag-enjoy. Isa iyon sa mga bagay na hinahangan ko sa kanya. Pasimple akong humugot ng isang malalim na hininga saka dahan-dahang lumapit sa pabilog na sofa. Marahan akong umupo sa tabi ni Sir Damian ngunit tiniyak ko may espasyo sa aming pagitan. Kaya gayon na lamang ang gulat ko nang mabilis itong umusog papalapit sa akin saka ipinatong ang kanyang mga braso sa sandalan ng aking inuupan. "Now, are you ready to answer my question?" Puno nang panganib ang kanyang tinig. Tila ba isa iyong babala na hindi ko dapat ipagsawalang-bahala. Napalunok ako nang mariin dahil na rin sa pagkakadikit ng kanyang balat sa akin. May kakaibang kiliting dulot iyon sa buo kong pagkatao. "H-Hindi ko po kung anong sinasabi n'yo," nauutal kong tugon.  "I asked you, what the f*ck are you doing in this kind of place wearing almost nothing?" he asked while gritting his teeth. Damang-dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Hindi ko magawang lingunin ito sa aking gilid dahil tiyak na magdidikit ang aking mga labi dahil sa iilang pulgadang pagitan ng aming mga mukha. "Hindi ko alam kung bakit importanteng sagutin ko ang tanong mo, Sir," matapang kong turan sa kanya. "Baka nakakalimutan mo nang malaki ang utang sa akin ng pamilya mo?" seryoso nitong turan. Dahil sa inis ay marahas ko siyang nilingon. Bagama't bahagya kong nahigit ang aking hininga dahil sa labis na pagkakalapit ng aming mga mukha ay pilit ko pa ring pinatapang ang aking itsura.  "Hindi ko 'yon nakakalimutan, Sir," mariin kong turan. "Kaya nga ako nagpapakahirap magtrabaho dahil hindi ko nakakalimutan ang utang namin sa 'yo," mataray kong turan sa kanya. Hindi ako makakapayag na isumbat niya sa akin ang tungkol sa utang ng aking ama. "And you're intending to pay me by working as a ho0ker?" nasusuya nitong turan. Nag-igting ang aking mga panga dahil sa labis na galit. How dare him call me a ho0ker. "With all due respect, Sir Damian. Marangal po ang trabahong ito. Baka po ang utak n'yo ang madumi," insi kong turan sa kanya at saka mabilis na tumayo. "If you're going to sell your body, why don't you just sell it to me? I can pay you a handsome amount of money—" Hindi ko na siya inintay na makatapos. Mabilis na dumapo ang aking mga palad sa kanyang mga pisngi. I can feel the stinging sensation from hand. Sila Alekhine at Agnes ay agad na napilingon sa aming gawi dahil sa nangyari. Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha dahil doon.  Balak ko sanang humingi nang paumanhin nang mahimasmasan ako dahil alam kong maaaring maging malaki ang epekto noon sa atraso namin sa kanya. "S-Sor—" Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay mabilis itong tumayo at marahas na hinapit ang aking baywang at pagkatapos ay walang inhibisyon niyang nilumukos ng halik ang aking mga labi. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Hindi ako agad nakakilos at nanatiling tuod habang ang kanyang braso ay nakapulot sa aking baywang at ang isa ay mariing nakahawak sa aking batok.  Mas lalo kong ikinagulat ang mapangahas na pagpasok ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. "Hmmmm..." Napaunggol ako dahil sa magkahalong gulat at kiliti na dulot ng mapagparusa niyang mga labi. Nakakaliyo ang dulot ng halik na iyon. Tila ba kay sarap manatili sa kanyang mainit na yakap at magpaalipin sa mapupusok niyang mga labi. Hindi ko man lang nagawang manlaban. Blangko ang aking isip dahil sa nakakalitong damdamin na lumulukob sa aking dibdib dulot ng kanyang mapagparusang mga halik. Litong-lito na ang aking isip dahil sa kanyang malalambot ng labi. Saka lamang ako bumalik sa tamang katinuan nang pakawalan niya ang aking mga labi. "I don't want to see you in this kind of place again. And if I do, I'll make sure that you would regret not listening to my warning," malamig nitong bulong habang halos iilang dangkal pa rin ang layo ng aming mga mukha saka mabilis akong binitawan at walang paalam na tumalikod. "And one more thing," habol pa niya, "My offer still stands. You know where my office is. I'll wait for you," saad niya saka mabilis na umalis. Ako naman ay naiwang tulala na tila ba hindi pa lubusang pumapasok sa aking isip ang mga nangyari. Ito na ang pangalawang pagkakataon na mapangahas niyang inangkin ang aking mga labi. Ang mas lalong hindi matanggap ng aking damdamin ay ang katotohanang may parte ng aking isip ang nais ulit iyong maramdaman. Tila ba mas lalo akong nananabik sa kanyang mga labi. Alam kong dapat akong magalit dahil sa kanyang kapangahasan ngunit kabaligtaran noon ang aking nararadaman. "Billie, okay ka lang? Anong nangyari?" usisa ni Agnes. "W-Wala," tugon ko. "Anong wala? Nangchukchakan kayo sa harap namin tapos wala?" saad nito. "Basta mahabang kwento," saad ko. "Hay, naku! Basta i-kwento mo next time, ha!" wika niya. "Pero teka! Umalis na si Sir Pogi, sino nang magbabayad nito?" tila nadismayang saad niya. "Don't worry, I'll pay for that," turan ni Alekhine. Medyo may kamahalan ang mga ito kaya nagdadalawang-isip akong ipaako sa kanya ang bayad para dito. Lalo na at hindi ko naman alam kung magkano ang sahod ng isang bartender dito sa bar na ito. "H-Hindi na, nakakahiya naman. Ibebenta ko na lang sa iba," giit ko. "I insist. Dahil nawalan ako ng kainuman dahil sa 'yo. Kaya obligasyon n'yo nang samahan ako tonight," paliwanag nito. Gusto ko pa sanang tumutol ngunit mapilit ito. Sa huli ay hinayaan ko na rin ito. At kagaya nga ng nais nito ay nanatili kaming kasama nito habang umiinom. Hindi ko na rin napigilang uminom ng alak upang mapalis ang init na lumulukob sa aking katawan dulot ng mapangahas na labi ni Damian. *********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD