BILLIE TAHIMIK lamang ako buong byahe habang pabalik kami sa mansyon ni Damian. Kasalakuyan na kaming pauwi sa bahay ni Damian mula sa bahay ni Papa. Masyado akong nalibang sa pakikipagkwentuhan sa aking ama at pakikipaglaro sa aking kapatid kaya hindi na namin namalayan ang oras. Hindi na rin naming nagawang mamili katulad ng una naming plano. Hanggang ngayon ay lumulutang pa rin ang aking utak dahil sa mga kaganapan. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang dating taga-bantay at tagapag-alaga ni Papa ay kinakasama na niya ngayon. Ang mas nakakagulat pa roon ay mayroon na silang anak. Ngunit ang patuloy na gumugulo sa aking isip ay ang tungkol sa ginawa ni Damian. Hindi ko alam kung anong rason niya sa pagtatakip sa ginawa kong pag-alis at kung bakit patuloy ang pagsuporta nito sa aking ama