CHAPTER 5

2386 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO “GET the hell out of here, Miss.” Hindi man lang s’ya nagdalawang isip para tabuyin ako. Hindi na nga s’ya interesado sa ‘kin, tapos ayaw n’ya pang patulan ang pera ko? Even though he had a menacing presence, it didn’t intimidate me. Alam kong gusto n’ya akong takutin sa pamamagitan ng mga matatalim n’yang mga mata pero kahit katiting na takot, wala akong nararamdaman dahil mas nangingibabaw talaga ang kalandian ko. Nakipagtitigan lang ako kay Ferruccio kahit nananagos na hanggang kaluluwa. He is secretly scorning me but I find it adorable though. Mukhang s’ya na lang talaga ang sumuko at hindi talaga ako kinilabutan sa pagkakatitig n’ya dahil s’ya itong umiwas ng tingin hanggang sa tumayo na s’ya sa pagkakaupo. Nagaantay lang ako na sigawan n’ya ako o ano pero humakbang s’ya paalis sa kan’yang puwesto. Ako ang pinapalabas s’ya pero s’ya naman ang nag walk out at hindi n’ya ako sinubukang lingunin. Naiwan ako rito sa loob ng silid. Mukhang ipapasundo n’ya ulit ako sa mga security n’ya kaya ako na lang ang kusang lalabas. Ni-lock ko ulit ang wardrobe ko para matakpan ang aking cleavage. Napagkamalhan na tuloy tayong bayarang babae dahil sa pormahan natin pero hindi ko s’ya masisisi. Hindi naman ako galit. Kinuha ko ulit ‘yong booking form at ticket ko saka sinilid sa bag bago umalis sa palapag na iyon. “Have a great day, madame! Come again!” Bago pa ako maka-labas sa exit, sinigawan pa ako ng front desk clerk kaya nilingon ko s’ya at nginitian. “Yeah, I shall return.” Kinuha ko ang sunglasses sa loob ng hand bag ko at sinuot ko iyon bago humakbang palayo sa company building. “Where else could I have seen such a memorable appearance? Si Ferruccio lang yata,” mahinang bulong ko. Hindi ako magtatapos dito dahil hindi ako papayag na mapunta sa iba ang lalakeng katulad n’ya. Nang makauwi ako sa mans’yon, sa entrance pa lang ng bahay namin, natanaw ko na roon si Lhyne na pakad-lakad at hindi mapakali. Habang papalapit ako sa hagdan, nahagip n’ya agad ako ng tingin. “Demonyita! Ano ang balita?!” Hindi ko s’ya sinagot at humakbang muna ako paakyat habang nagaantay s’ya sa akin doon sa itaas. “I am willing to pay him a huge amount of money but he’s not interested… We failed again.” Bumagsak ang mga balikat ni Lhyne sa sinabi ko. “Tomorrow is another day naman so… hindi na masama kung susubukan ulit natin.” Nilagpasan ko s’ya sa paglalakad. “Lianna, ang tigas talaga ng ulo mo! Sinabi ko na ‘yo na ‘wag mo nang pilitin si Sir Ferruccio sa gusto mo!” Hindi ko s’ya pinakinggan dahil nagiisip ako ng ibang plano para mas mapalapit kay Ferruccio. Magbibihis lang ako at babalik ulit ako roon. When I went back to his company building, I found out that he wasn’t around. Aalis na sana ako pero may napansin akong nalaglag na flashy flyer sa isang poste. Tinangay pa iyon ng hangin at napunta sa parking lot. Malapit lang naman kung saan naka-park itong kotche kaya lumapit ako roon at dinampot. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para kunin pa 'to. “We are hiring… tattoo designer?” Nang binasa ko ang mga naka-saad sa flyer, sa company building pala ni Ferruccio 'to nanggaling. Ngumisi ako. "Is this what you want to me do?" bulong ko sa sarili. May plano agad na pumasok sa isip ko kaya humarurot ako pauwi ng bahay. “Lhyne, bring me a cup of coffee! I have work to do!” Pagkapasok ko sa kuwarto ko, inutusan ko agad si Lhyne na timplahan ako ng kape. Nilabas ko ang mga drawing materials ko na ilang taon ko nang hindi nagamit. Nang maibigay sa ‘kin ni Lhyne ang inumin ko, umalis na s’ya sa bahay at pinapauwi na kasi ng boyfriend n’ya. I don’t trust my drawing skill but I will try. Kahit ilang beses akong nag-sayang ng sketch pad, tinuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Naabutan na ako ng dilim sa balcony at automatic na umilaw ang mga built in bulbs sa kisame. It means, ala sais na ng gabi. Kaninang tanghali pa ako nag-d-drawing. It’s been years since I stopped sketching some random art but I don’t want to waste this chance. Susubukan lang natin. Siguro pasado alas dos na ako ng madaling araw nakatulog at doon ko lang kasi natapos ang isang buong 50 pages ng sketch pad pero sinigurado kong nakapag-set up ako ng alarm. Nang tumunog iyon, minulat ko agad ang mga mata ko at dumiretso na sa bathroom para makapagquick shower na. Maarte ako kaya nag-bihis pa talaga ako ng pang pokpok na outfit. Ang ikli ng skirt ko na halos makikita na ang pisngi ng puwet ko pero tatakpan ko muna gamit ang shawl ko. Tatanggalin ko lang kapag nasa harapan na ako ni Ferruccio. Umalis ako sa bahay, dala ang sketch pad at lumarga na papunta sa port. Sumakay ako ng kotche para marating ko na ang company building n’ya. “Madame, ikaw pala!” Kaharap ko ulit ‘yong front desk clerk. “Ano ang ipaglilingkod ko sa inyo, madame?” Tuwang-tuwa s’ya na makita ako. Sabi ko naman kasi kahapon na babalik ako rito. “Hiring kayo ng tattoo designer, right?” “Yes na yes, Madame! Are you interested by any chance?!” “Yeah, mabuti na lang at nakita ko ang flyer n’yo kahapon.” “We are still looking for tattoo designers since Sir Ferruccio’s studios are multiplying around the city!” “Where is he?” “You mean, Sir Ferruccio, madame?” Tumango ako. “Nasa floor 6 s’ya madame. May appointment s’ya ngayon.” Nagpasalamat ako sa clerk at dumiresto na sa palapag na iyon. Mukhang namukhaan na ako ng babaeng staff dahil pinaupo n’ya agad ako sa couch at hindi pa kasi tapos ang session doon sa silid. Halos isang oras yata ako nag-abang hanggang sa narinig kong bumukas na ang pinto. “Thank you so much, boss.” Pag-tingin ko sa pintuan, lumabas doon ang isang lalakeng burdado ng tattoo sa katawan. Mukhang kakatapos lang yata nila pero hindi pa lumalabas si Ferruccio. “Miss, puwede bang tawagin mo na ang boss mo? Kanina pa kasi ako naghihintay,” marahang utos ko sa babaeng staff. Mabilis n’ya naman akong sinangayunan at humakbang na s’ya papasok sa loob saka sinara ang pinto. Sumandal muna ako sa malambot na sandalan ng couch dahil ngayon lang yata ako nakaramdam ng back pain. Ang dami ko kasing ginuhit kagabi. Habang minamasahe ko ang aking balikat, narinig kong bigla na lang bumukas ang pinto at lumikha pa iyon ng malakas na kalabog na parang may kasamang sama ng loob. Napunta roon ang aking atens’yon at abot tainga ang ngiti ko nang matanaw ko na ang naglalagablab na presens’ya ni Ferruccio. “Ikaw na naman?” Napa-hilamos s’ya sa mukha at marahas na humakbang palapit sa kaharap kong mahabang sofa. “Miss, please, I have told you that I don’t tolerate dirty business here.” Umupo s’ya sa sofa at napapakiskis ng bagang habang binabanggit ang mga salitang iyon. In fairness, kahit gusto n’ya akong tumagos sa pader, marunong pa rin s’ya humandle ng mga malalanding client kagaya ko. “Saka na lang natin pagusapan iyan. I am here for a job. I want to apply as… a tattoo designer under your company, Ferruccio.” Tinikom ko ang aking bibig nang masilayan kong pumitik-pitik ang left lower eyelid ng mata n’ya. Kanina, parang wala pa ‘yong ugat na bumabakat sa sintido n’ya pero ngayon, hulmang-hulma na sa balat n’ya. “Miss, if I will hire you now, I will fire you immediately.” Ang harsh naman nito. “But please, give me a chance to present my artwork to you!” Doon ko na nilabas sa paper bag ang sketch pad ko at nilapag iyon sa ibabaw ng mesa na nasa harapan lang n’ya. Tinititigan n’ya lang ‘yon na parang wala s’yang planong hawakan. Pagkakataon ko naman para tumayo at yumuko sa kan’yang harapan para masilip n’ya ang cleavage ko. Pero dedma lang. He was just looking at me with a disgusted expression on his face. I really like the way he stares at me like that. “Here, I worked so hard to draw these arts last night.” Tinaas ko na ang cover ng sketch pad para makita n’ya ang mga ginawa ko pero napa-hawak lang s’ya sa sintido n’ya at minasahe. “Subukan n’yong i-explore ang sketch pad, Sir.” “Please, keep a distance away from me. You are too close.” Doon ako napa-tayo ng tuwid. Ang layo pa nga ng agwat namin pero parang takot na masagi ko s'ya. “I will review this but I won’t hire you, is that clear?” Inilingan ko s’ya na ikinadiin ng panga n’ya. “Try n’yong tingnan ang arts ko. Wala namang mawawala.” Bumuga s’ya ng marahas na hininga bago binalingan ng tingin ang sketch pad ko. “This is the most horrible design that I have ever seen.” Napa-kamot ako sa batok ko. Wala pa ngang 3 seconds, bad comment na agad ang narinig ko. Sinalin n’ya pa sa isang page hanggang sa narating n’ya na ang pinakalast. Nang maubos na, pabagsak n’yang tiniklop ang cover page ng sketch pad at inangat ako ng tingin. Pasimple ko na lang na dinampot iyon paalis sa mesa. “For me, I did great but… I didn’t expect that you would say that to me…” mahinang sambit ko sabay in-open ulit ang cover. Pinakita ko sa kan’ya ang art ko. “Maganda naman ‘to ah?” “Miss, this will be my last warning. If you show your face before my eyes again—“ “Ferruccio, are you busy?” Naputol ang paguusap namin nang may biglang pumasok dito sa loob. Napa-baling doon ang aking buong atens’yon at nagkatitigan kami ng babaeng may edad na. Mga nasa 50s na yata. “Can you wait in my office? I will deal with you later.” Hindi s’ya pinansin ng babae. Sa halip, nahagip n’ya ng tingin ang stetch pad na hawak ko at umawang ang kan’yang bibig. “Wow, that design is so bomb! Did you make that?!” Nabigla ako dahil lumapit sa ‘kin at hinablot ‘yong sketch pad. Nang makita n’ya pa ang iba kong ginuhit, nanlaki ang mga mata n’ya. “Oh my God, please tell me you designed this art! The details are insane!” Tinitigan n’ya ako at nagalangan akong tumango. “Really?! I have never seen like this before! Tattoo artist ka ba ni Ferruccio?! I am his loyal client! Nice to meet you!” Hindi agad ako nakapagreact nang nakipagkamay sa ‘kin ang babae. Ang hyper naman n’ya. “I am not his tattoo artist but… nag-a-apply sana ako bilang tattoo designer n’ya… Unfortunately, he didn’t like my designs. He said, my arts are horrible.” Doon n’ya tinapunan ng tingin si Ferruccio na agad na nilihis ang ulo sa ibang bahagi ng kuwarto. “How dare you to throw those words to a gorgeous lady?!” Tumango-tango naman ako at hinarap ako pabalik ng babae. “Nagsisinungaling lang s’ya, Hija. To be honest, ngayon lang ako naka-kita ng handmade art na ganito kaganda! Are these inspired art?!” “No, I drew those designs on the spot… actually, kahapon lang ako nag-try.” “Damn, really?!” Parang bilib na bilib s’ya sa ‘kin. Napapangitan pa nga ako sa mga gawa ko. Nilingon n’ya si Ferruccio. “Hire his girl, now! I want her designs… pronto!” “Roselyn, naniniwala ka agad na s’ya ang may gawa n’yan? You don’t know her yet.” “And so are you!” “That woman is no good. She won the special ticket and wanted to get a tattoo on her…” he paused. Mariin n’yang nilunok ang sarili n’yang laway na parang hindi kayang sabihin ang nasa dulo ng dila n’ya. “On her?” tanong nitong babae. “Sa pépè ko sana pero ayaw n’ya... Aasa pa rin ako na matupad ko 'yon at hindi ko s'ya titigilan.” Humagalpak ng tawa itong client n’ya. “See? And now she suddenly wants to be my tattoo designer? There’s no way,” mahinahong tugon n’ya habang natatawa pa rin ang babae. “But admit that her art designs are way better than your tattoo designers.” Doon tinikom ni Ferruccio ang kan’yang bibig na hindi maka-tingin ng diretso sa ‘min. “Dudumugin ang studios mo kapag kukunin mo s’ya!” “I don’t like her designs,” mariing tugon n’ya. “But I like it and I want it now.” Itong client n’ya, may nakikita nga akong tattoo sa mga braso n’ya. Pero si Ferruccio, he is a tattoo artist but I don’t see any tattoos on his body. Well, mapapatunayan ko kapag wala na s’yang suot na damit. Baka naka-tago lang ang tattoo n’ya. “Ferruccio, ako na ang nagsasabi. I-hire mo na ang dalagang ‘to at baka ibang owner pa ang maka-discover sa talent n’ya!” Imbes na sumagot, tumayo s’ya at nag-lakad papasok sa session room. Sinundan naman kaagad s’ya ni Roselyn. I can’t believe this. Hindi ko alam na may magagandahan pala sa drawings ko? Trip ko lang na mag apply sana para magpapansin. “Ferruccio, papalitan ko ang design na itatattoo mo sa ‘kin. Pumayag ka na! Please!” Naririnig kong kinukumbinsi n’ya ni Ferruccio. Umupo muna ako dahil matatagalan pa yata bago ako makaalis. Parang luluhod na nga para magmakaawa ang client n’ya para lang sa art ko. “Miss!” Tumakbo si Roselyn palapit sa ‘kin. “Congratulations, you are hired!” Tumigil s’ya sa harapan ko at tumayo ulit ako. “Sure ka po ba?” “Yes, Hija! Pumayag si Ferruccio!” “No, I will fire her after a week.” Narinig ko ang boses n’ya roon sa loob. Doon ako humarap. Hindi ko s’ya nakikita. “One... week lang pala ako rito?” tanong ko sa kan’ya. “Precisely.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD