CHAPTER 4

1305 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO SINILIP ako ni Lhyne. Naka-suot pa rin ako ng bathrobe at halos kalahating oras na yata ako nagkakakalkal, baka sa kaling may makita akong kakaiba pero hindi ko type. “Ako na nga lang ang pipili para sa ‘yo!” Humakbang s’ya papasok dito sa loob at lumapit sa closet cabinet na para sa mga dress ko. Hinawi n’ya ang mga naka-hanger doon. “Ito, ayaw mo ba nito? Ang ganda ah?” At pinakita n’ya sa ‘kin ang isang glittery dress na kapag tatamaan ng liwanag, siguradong sasakit ang mga mata mo. “I am not going to a night party, Lhyne… I want something seductive with a hint of elegance...” “Seductive with the hint of elegance ba ‘ka ‘mo?” Inulit n’ya ang mga binanggit ko. “Sandali lang, may naisip ako.” Umupo muna ako sa couch habang inaantay kong may mahanap s’ya na pasok sa taste ko ngayon. Sa sobrang dami kong masusuot, naguguluhan ako kung ano ang pipiliin ko para malaglag ang panga ni Ferruccio. Hindi n’ya agad ako pinatulog kagabi. Madaling araw ko na nakuha ang antok ko. “How about… this V-neck strapped fitted red dress with… fur wardrobe?!” Pinaharap n’ya sa ‘kin ang dalawang hanger. Nakapaloob doon ang mga binanggit n’ya na ikinatayo ko. “Perfect.” “Jusko, bilisan mo na. Magbihis ka na!” Sinuot ko na ang napili ni Lhyne at humarap na ako sa full body mirror para makita ko ang buo kong katawan, mula ulo hanggang paa. “Grabe, parang mas’yadong showy naman yata? Konti na lang, makikita na ang n****e mo?” “Ipapakita ko lang ang cleavage ko kapag kinakailangan, I will cover it with this white fur wardrobe.” Sinablay ko na iyon sa mga balikat ko at ni-lock sa neckline ng aking dress. S’yempre, hindi mawawala ang black tinted sunglasses ko. Nang maayusan ko na ang aking sarili, lumabas na ako sa bahay. Since nasa isla kami, sumakay muna ako ng service boat. Nang makarating ako sa port, lumakad ako sa private parking lot at nandoon ‘yong mga sasakyan namin. Pumasok ako sa loob ng kotche at nagmaneho na agad ako papunta sa company building ni Ferrucio. Pagdating ko roon, nag-park muna ako sa vacant parking slot at lumabas sa kotche. Tinungo ko na ang entrance habang kapit-kapit ang hand bag ko. Pagkapasok ko sa ground floor, tumungo agad ako sa front desk. “Hello, good morning madame… how can I help you?” Kinausap kaagad ako ng lalakeng clerk na todo ngiti sa ‘kin. “I have an appointment with Ferruccio Gustav… I am one of the lucky winners of the special ticket,” marahang sambit ko na ikinatango n’ya agad. “May I see the ticket ma’am?” Nilapag ko muna ang hand bag ko sa ibabaw ng semi circle table at dinukot ko roon ang ticket na sinasabi ko. Inabot ko iyon sa clerk. Vinerify muna ulit bago binalik sa ‘kin. “You can proceed to his studio on floor 6, madame…” “Thanks, cutie.” Nginitian ko pa ang clerk na ikinatikom naman ng kan’yang bibig. Binalik ko sa loob ng aking bag ang ticket at kinapitan ko na ang handle bago humakbang patungo sa elevator. Rinig na rinig ko ang bawat lagapak ng suot kong stiletto shoes. Nang makapasok na ako sa elevator 1, tinap ko ang floor button 6 at sumara na ang dalawang pors’yon ng pinto. Umangat na ang elevator. Ilang segundo lang, dinala na ako sa hallway at base sa natatandaan kong pintuan, doon ako tumungo. Tumigil ako sa harapan at kumatok ng dalawang beses. Pinagbuksan kaagad ako. Babae ang bumungad sa aking paningin. “Good morning, Miss.” Binigay ko na agad sa kan’ya ang booking form and the ticket. Mukhang hindi n’ya ako namukhaan kahit kahapon ko lang din s’ya naka-usap pero alam ng babaeng ‘to na may appointment ako kaya pinapasok n’ya agad ako sa malawak na isang kuwarto kung saan ako magpapatattoo. Pinaupo ako sa adjustable chair. Sumandal muna ako roon sabay nilapag ang aking hand bag sa table. Iginala ko muna ang aking mga mata sa bawat sulok ng silid. Ang dami kong nakita kagaya nalang ng mga tattoo posters, storage cabinets, mga vacant tables, chairs, beds, and mga lightings like adjustable lamps. I haven’t seen any picture of him here. Iyon sana ang nais kong masilayan pero ni isa, wala akong nakita. I waited almost 20 minutes until the door creaked. Bahagya kong pinikit ang aking mga mata nang sumabay sa aircon ang panlalakeng pabangong nalalanghap ko. My chest slowly expands as I sniff his manly scent. I know it's him. Kahit hindi ko s’ya nakikita pero sa mga yabag pa lang, si Ferruccio na. Pinaramdaman ko ang malakas n’yang presens’ya hanggang sa narinig kong hinila na n’ya ang upuan at umupo na sa aking harapan. Doon ko dahan-dahang minulat ang aking mga mata. Naka-suot ako ng sunglasses kaya hindi n’ya alam na sinalubong ko na pala ang tingin n’ya. My fabulous presence does not impress him at all and it seems like he hasn’t recognized me yet. Siguro dahil mas bihis na bihis ako ngayon kumpara kahapon. Nagmamadali kasi ako no’n at baka ma-late ako. Kapit-kapit n’ya ang isang black folder na alam kong nakapaloob doon ang details ko na binigay sa babaeng staff kanina. Bago n’ya pa mabuksan ang folder, inangat ko ang kaliwa kong kamay at inalis ko ang sunglasses na sagabal sa aking mga mata. Doon saglit na natigilan si Ferruccio at napa-diretso ang paningin n’ya sa ‘kin. Nang magkatagpo ang aming mga mata, sa pangalawang pagkakataon, bumakat ang buto ng panga sa kan’yang mga pisngi. “We… meet again.” Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong white fur wardrobe para maexpose ang nakakasilaw kong balat, lalong-lalo na ang naka-luwa kong cleavage. Imbes na tititigan n’ya ako roon pero napa-pako lang ang pagkakatitig n’ya sa mukha ko na parang nandidiri. “Why are you staring at me with so much hatred in your eyes?” “Stop flaunting your body to me, Miss.” His manly voice makes my ears melt. “I apologize but I will assign a new tattoo artist for you.” “Ano ang silbi ng ticket na napanalunan ko kung ibang tattoo artist lang din pala ang tatattoo sa ‘kin? Kung ayaw mo akong tattoo-an sa private part ko, how about in my butt cheek instead?” Nasaksihan ko kung paano nanginig ang mga labi n’ya na parang ngingiwian n’ya na ako. Ilang beses na rin s’yang napapakiskis ng bagang. “That is a ridiculous part too,” pormal n’yang tugon. Bumuga pa s’ya ng malalim na hininga. He looks so stressed out. “You are the creepiest client that I have ever encountered.” Hindi naman masakit. “Ang pinakaayaw ko sa lahat, ang mga babaeng mababa ang lipad.” Hindi naman ako na-offend sa sinabi n’ya dahil hindi naman totoo. “Your name sounds demonic and you look like a stripper in a club. I do not want to see you in my studio again, Miss. I am sorry.” At least marunong mag-sorry. Hindi nga nagkakamali si Lhyne dahil mukhang magaspang nga ito sa mga babaeng katulad ko. Parang allergic s’ya sa ‘kin. Pero mas na-e-excite ako kapag ganito ang lalakeng kaharap ko. Susubukan ko kung hanggang saan ang kaya nito. I won’t let go of this ferocious man. “How about…” I paused. Sinentro ko ang aking mga mata sa kan’ya at bahagyang umangat ang kabilang sulok ng mga labi ko nang masilayan kong mariin s’yang napa-lunok ng sarili n’yang laway. “…I will pay you 1 million pesos in cash? Is that enough for your first-ever dirty service, Ferruccio?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD