CHAPTER 7

2916 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO GUSTO ko sanang mag-hysterical pero naalala kong si Ferruccio naman itong kasama ko kaya tinikom ko na lang ang aking bibig habang nasa biyahe. I have no idea where he’s heading but I don’t mind anyway. Med’yo kapos ako sa hangin pero kaya ko pa naman. Napapatanong na lang ako kung saan n’ya ako dadalhin dahil tumagal ng mahabang minuto bago tumigil ang kotche. Hanggang sa narinig ko na ang mga yabag n’ya palapit kung saan ako naroroon at binuksan n’ya na ulit ang back compartment. Tinapunan n’ya ako ng tingin sa naniningkit na mga mata. “Where are… we?” “Get out,” mariing utos n’ya. Mabilis akong bumangon. Humakbang pa s’ya palayo sa ‘kin nang maka-labas na ako. Inaayos-ayos ko pa ang sarili ko bago ko s’ya hinarap. “Miss Devillianna, this is not funny anymore. You are making me uncomfortable.” Hindi ko muna s’ya sinagot dahil igininala ko muna ang paningin ko sa paligid. Nasa labas kami ng isang gusali pero hindi pa ako pamilyar sa lugar na ‘to. “I am trying to be nice but you keep triggering my temper,” mariing usal n’ya sa ‘kin. Doon ko s’ya tinitigan. “Sorry, gusto ko lang kasi makipagkilala sa ‘yo…” “Miss, I am sorry but I have no interest in you. Please stop meddling with my business… pinagbigyan lamang kita dahil nakitaan ka raw ng potensyal ni Roselyn, but it doesn’t mean that you would just cross my boundary.” Dinidiinan n’ya na ang bawat salitang narinig ko. “Can you behave and just focus you want to become in your life?” “Sorry, hindi ko na uulitin.” “You are not sincere, Miss. It seems like you will do this again… and again.” “No, I am serious.” “If you are, please leave me alone.” May hand gestures pa talaga s’ya at halatang stress na sa ‘kin. “If you want to seduce me, it won’t work. I am telling you already. Mahalin mo na lang ang sarili mo, Miss.” Kaya nga ako naghahanap ng lalake para may magmamahal sa ‘kin maliban sa sarili ko. “Are you bored or what? Alam kong hindi trabaho ang sadya mo sa kompanya ko.” “Ganoon na nga.” ‘ “Miss, please, get out of my way.” He is better at communicating than I thought. Pilit n’ya kasing pinapaintindi sa ‘kin ang side n’ya kahit naglalabasan na naman ang mga ugat sa noo n’ya. “Okay,” maikling tugon ko. Pinalusot ko na lang sa kabilang tainga ang mga sinasabi n’ya. “Come with me.” “What?” Hindi n’ya na ako sinagot. Humakbang s’ya palapit sa ‘kin at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang kinapitan n’ya ang kaliwa kong pulsuhan. Halos mapasinghap na ako dahil marahas n’ya akong hinila. Agad akong napa-sunod sa kan’ya. Napapatikom ako ng bibig at napa-titig sa kamay n’yang naka-gapos ang mga daliri sa paligid ng wrist ko. His hand is cold like a corpse as if there’s no blood flowing in him. He only held me there but my cheeks were already melting as well as my heart. Sinasabayan ko ang laki ng kan’yang mga hakbang. Papasok pala kami sa loob ng building na hindi ko alam kung ano ‘yon. Baka hotel? “W-Wait, what is this place?” “I am trying to help you so you won’t bother me anymore,” matigas n’yang tugon sa ‘kin. Nang makapasok ako sa entrance, napagalaman kong gym pala itong building at umagaw kaagad sa pansin ko ang apat na kalalakihan na may kan’ya-kan’yang ginagawa. Napansin kaagad nila na may pumasok. Binitawan ako ni Ferruccio. “Yow, bro. Who is she?” tanong ‘yan ng lalakeng tumatakbo sa treadmill. “Can you help this woman to find her soul mate? It can be any of you.” Iyan lang ang huling binanggit ni Ferruccio bago s’ya humakbang palayo. “’W-Wag mo akong iwan dito, Ferruccio!” Palabas na s’ya sa exit kaya humakbang din ako roon. Iyon sana ang gagawin ko pero may biglang humarang sa ‘kin na lalakeng kasing laki lang din ni Ferruccio. Dahan-dahan ko s’yang tiningala. “Look, this tiny mouse has lost her way…” Napapaatras ako. May kapit-kapit kasi s’yang dumbbell at tinataas-baba iyon ng braso n’ya. Pawis na pawis pa. “What is your name?” At napa-hinto ako sa paguurong dahil naramdaman kong napa-sandal ako sa matigas na katawan. Humarap kaagad ako at ibang lalake naman ang nasilayan ko. “Kaano-ano mo si Ferruccio?” Sumulpot naman ‘yong isa pa sa harapan ko. “Dudes, ‘wag n’yong pagtripan ‘yan.” Sinaway sila ng lalakeng nandoon sa treadmill. Bumagal ang kan’yang pag-takbo at hinablot ang facetowel na naka-sabit sa kan’yang balikat. Pinunas-punasan pa ang mukha bago umalis doon at lumakad din palapit sa aming kinaroroonan. “Do you know him? Ferruccio? What’s his relationship to you?” Inakbayan n’ya ang kasamahan n’ya at humarap din sa ‘kin. “Uh, he’s my boss?” “Wow, what a delicate voice you have,” rinig kong komento ng nasa likod ko. “Allow us to introduce ourselves. I am Kier… nice to meet you.” Nilahad n’ya ang kan’yang kaliwang kamay. Nagaalangan pa ako para makipagkamay pero ginawa ko na lang at mukha naman s’yang matino. “I am Dantei, and you?” saad naman ng nasa gitna. “Lazaro,” tugon ng guy na sinabihan akong daga. “And… I am Pierre,” wika naman ng nagsasalita sa likod ko. S’ya ‘yong humarang sa dinadaanan ko. “Can we know your name?” magalang na tanong sa ‘kin ni Kier. “Devillianna.” Parang saglit silang natigilan nang marinig ang pangalan ko. “Nakakatakot naman ang pangalan mo,” natatawang sagot ni Pierre. Lumipat s’ya ng puwesto. Nasa harap ko na rin s’ya at tumabi kay Kier. “You have the face of an angel but your name is describing you otherwise?” He chuckled. “I heard you are looking for a soul mate... Baka ako na 'yon.” “Pierre, don’t scare her,” saway ni Kier kahit hindi naman ako natakot. “May kursunada ka ba sa amin?” tanong pa ni Pierre. Doon ko naman sila sinulyapan isa-isa. Lahat sila, may mga random tattoo design sa katawan. Halos magkasinglaki lang sila ni Ferruccio but, he has the best face among them all. Ang guguwapo ng apat na ‘to pero wala ‘e, wala akong naramdaman na udyok man lang para landiin sila at mapalitan si Ferruccio. “Na saan ba ako? Gusto ko nang umuwi.” “You didn’t answer our question, Devillianna…” mahinang sambit ni Pierre. “Ayaw ko sa inyo. Si Ferruccio pa rin.” Natawa si Dantei at maging si Kier. “See? Walang makakatapat sa taong ‘yon,” sabi ni Kier. “Anyway, where do you live? Ihahatid na kita.” “No, magpapasundo na lang ako rito at baka kung ano ang mangyari sa ‘kin.” Doon na tumawa ng malakas si Pierre. “It’s okay, I will accompany you to our lounge upstairs.” Sumalpok pa ang mga kilay ko sa sinabi nitong Kier. “No. Sa labas na ako maghihintay.” Tinalikuran ko na sila at patakbong lumabas sa exit. Huminga ako ng malalim. Akala ko babastusin nila ako pero hindi naman. Nakakainis naman si Ferruccio, pinamigay na agad ako. Tumayo ako sa labas ng gusali, malayo sa mga pintuan. “Devillianna, mangangalay ka sa kakatayo riyan. Here, I brought a chair.” Narinig ko ang boses ni Kier na papalapit sa aking kinaroroonan. Binalingan ko s’ya ng tingin at binaba n’ya ang kapit na adjustable na bangko. Tumayo s’ya ng tuwid para maharap ako ng mayos. “Wala pa ba ang sundo mo?” Tinitigan ko s’ya pababa-pataas at muntik ko na s’yang irapan. “I apologize for our behavior earlier but… we are not bad guys like you think.” “If you say so.” Umupo na lang ako sa upuan. Mas’yadong maikli itong skirt ko. Naiwan ko ‘yong shawl ko roon sa back compartment. Natanggal na hindi ko namamalayan kaya binaba ko ng binaba ang palda ko. Umalis na si Kier. Doon ko naman nilapag ang hand bag ko sa aking mga hita at kinuha ang cellphone ko. Nagpadala ako ng message sa driver doon sa port para masundo n’ya na ako rito. Wala kasi akong dalang cash kaya aantayin ko na lang s’ya. “Devillianna!” Marahas kong tinapunan ng tingin dahil sumigaw ulit si Kier. Natanaw ko s’yang tumatakbo palapit sa ‘kin habang may hawak-hawak na itim na leather jacket yata. “You can borrow this.” Tumigil s’ya sa harapan ko at inabot ‘yong jacket. Nginiwian ko iyon sabay inangatan s’ya ng tingin. “Don’t worry, I haven’t used it yet. Kinakapos ka kasi sa tela at kanina ka pa tinititigan ng tatlo.” Huminga ako ng malalim at kinuha na lang ‘yong jacket. “Hindi kita dinidiktahan... in terms sa kasuotan mo pero sa susunod, ‘wag kang mag-suot ng mga ganiyan kung hindi ka naman komportable.” “Ok,” maikling tugon ko. “Isasauli ko na lang ito bukas.” “No problem. If you need help, just look for me and I will assist you.” At tumakbo na s’ya palayo sa ‘kin. Doon naman ako tumayo para suotin itong leather jacket. Hanggang hita ko ang haba kaya makakagalaw na ako ng maayos nito. Akala siguro ni Ferruccio, mapapalitan ko s’ya sa mga choices na binigay n’ya sa ‘kin. S’ya lang ang naka-pasok sa standards ko kaya walang susuko. Dumating na ang sundo ko. Gusto ko sanang bumalik sa company building ni Ferruccio pero palalamigin ko muna ang ulo n’ya dahil papainitin ko naman kasi iyon bukas. CHAPTER 8 DEVILLIANNA FIACRA VERNO I WENT home safely. If he was thinking that I would replace him from those big dudes, nagkakamali s’ya. Akala n’ya siguro ang landi-landi ko na at binigyan n’ya pa talaga ako ng apat na lalake para may pagpilian. “Demonyita, ano ‘tong naka-siksik sa hand bag mo?” I am removing my make up using a cotton pad with face cleanser. Naka-harap ako sa makeup mirror at narinig kong tinanong ako ni Lhyne habang naka-higa pa s’ya roon sa kama ko. “Hindi ko pa ba nasabi sa ‘yo na hired na ako as a tattoo designer ni Ferruccio?” Pagkasabi ko n’yan, narinig kong kumaripas s’ya ng takbo papasok dito sa walk in closet. “You… what?!” Tumigil s’ya sa gilid ko. “H-Hired?! Sa company ni Sir Ferruccio?! Seryoso ka?!” “Ang mga papel na nakita mo sa bag ko, mga client ko ‘yan na nagustuhan ang designs ko.” “Wait, paano nangyari ‘to?! Paano ka na-hire?” “Patapusin mo na ako rito.” Iyan ang tugon ko sa kan’ya pero hindi na makapagantay si Lhyne kaya ikuwento ko na ang mga nangyari. “G-Grabe! So magiging busy ka na pala?!” Kumibi’t balikat ako. “I don’t know, tinatamad pa rin ako. Hindi ko nga alam kung gagawin ko ‘yang project na ‘yan at sobrang dami.” “Nako, ‘day, ano pa ang inaantay mo?! Gawin mo na kaya?! Pagkakataon mo na para iimpress si Sir Ferruccio pero inaatake ka pa rin ng katamaran mo?!” Tinigil ko ang pag-punas ng mukha ko binalingan ko s’ya ng tingin. “He doesn’t like my designs. May kan’ya-kan’ya namang taste ang tao ‘e. Kung nagustuhan ni Roselyn ang mga art ko, ibahin mo s’ya kaya nakakatamad. Okay lang sana kung maiimpress ko nga s’ya gamit ang talent ko pero hindi at alam mo bang… para matigil ang kahibangan ko sa kan’ya, pinakilala n’ya ako sa mga apat n’yang kaibigan? I am not sure kung friends n’ya ang mga nagguguwapuhang mga lalakeng ‘yon… pero pinapalabas n’yang nirereto n’ya ako sa kanila… Ewan ko ba kay Ferruccio, para s’yang introvert na hindi ko maintindihan. Sa susunod, mag dahan-dahan na lang ako sa mga ikinikilos ko sa kan’ya para hindi ko s’ya mas’yadong ginagalit…” “Why? Have you done anything bad to anger him again?” “Marami siguro. Naiinis s’ya sa ‘kin ‘e.” “Ipakita mo na lang kaya na seryoso ka sa trabaho mo para ganahan s’ya sa ‘yo?” “Hindi ko alam. Tinatamad nga ako.” “Ano ka ba naman, Lianna… sumusuko ka na agad?” “I didn’t say that. What I mean is, that I do have a talent but I am too lazy to use it. Hanggang ngayon nga, nangangalay pa rin ang wrist ko.” Sabay iniko-ikot ang kaliwang pulsuhan ko habang napapangiwi. Nabigla yata dahil ilang taon na akong hindi naka-hawak ng lapis. “Ewan ko sa ‘yo, ‘day. Ikaw ang nakakaalam kaya ikaw na ang bahala kung paano ka papansinin ni Sir Ferruccio…” Tumango ako. Pag-sapit ng malamig na gabi, sinamahan ulit ako ni Lhyne. Ala una na kami naka-tulog. Imbes na gagawin ko ‘yong project ko, ang nangyari, nanood na lang kami ng movie. “Lianna… Lianna… ‘day… ang phone mo, nag-r-ring…” Naalimpungatan ako dahil niyugyog n’ya ang balikat ko. Akala ko madaling araw pa lang pero pag-mulat ng mga mata ko, maliwanag na pala. Kinapa ko naman sa ibabaw ng side table ang phone ko at tinitigan ko muna ang screen kung sino itong tumatawag na ang aga-aga pa. “Unrecognized number…” mahinang usal ko pero kahit hindi ko napamilyaran ang numero, sinagot ko na lang at dinikit na sa kaliwang tainga ko. “Hello…” “Devillianna, ikaw ba ‘to?” Tuluyang napa-mulat ang mga mata ko dahil si Roselyn pala itong tumawag. “Yes.” Bumangon ako sa pagkakahinga. “Bakit?” “Nakisuyo sa ‘kin si Ferruccio na tawagan ka… He would like to summon you here…” “Where? Sa company building n’ya?” “Oo, bilisan mo na at may mga paguusapan kayo.” Nagtataka ako dahil hindi ako ipapatawag kung hindi importante. Nagmadali akong nag-asikaso ng sarili ko at bumiyahe na papunta roon. Nang marating ko na ang palapag kung saan ang office n’ya, nadatnan ko silang naka-upo sa sofa at couch. Si Ferruccio, si Barbire at Roselyn. “Good morning, Devillianna!” S’ya ang unang bumati sa ‘kin. “Halika, maupo ka rito, Hija!” Tinapik-tapik n’ya ang couch kaya tumungo ako roon. Nakita kong umusog palayo si Barbie na parang iniirapan ako. Tumabi naman ako kay Roselyn. “Nakikita mo ba ang mga papel na ‘yan, Hija?” Napa-diretso ang mga mata ko sa tinuturo n’ya sa ‘kin. Dumako agad ang aking paningin sa tinutukoy n’ya. Nakita ko nga iyon na naka-lapag sa ibabaw nitong center table. Naka-tambak ang mga papel. “Tapos?” tugon ko. “Those are your tasks, girl! Sinabi ko naman sa ‘yo na dadagsain ka!” Tinapunan ko agad ng nananalpok na tingin si Roselyn. “You’re kidding,” mariing usal ko pero inilingan n’ya ako. “No, Hija. Pati nga kkami, nagulat din at umabot ng 1301 ang naakit mong mga client! This is your turn to shine!” Lumaki ang mga mata ko. “One… thousand three… hundred… one person?!” Namutla ako bigla at napapamura na lang ako sa isip ko. “You broke Ferruccio’s sales, Hija! Hindi kami makapaniwala marami ang naging interesado sa designs mo! Lagi ko itong ginagawa pero… konting advertisement lang naman ang in-announce noong nakaraang gabi sa concert namin pero hindi ko inaasahan na ganoon kadami—“ “No, I am out of here too!” Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at lumakad patungo sa naka-bukas na pinto. “This is madness, I can’t handle making a thousand designs—“ Bago ko pa marating ang daan palabas, may humawak sa kanang pulsuhan ko at marahas akong hinila pabalik. Akala ko si Roselyn pero pag-harap ko, si Ferruccio pala. “You are not going anywhere. You wanted this, right? Then take responsibility.” Kikiligin sana ako dahil hawak n’ya ako pero ayaw kong mamaga ang mga pulsuhan ko! “Ayoko! Let me go!” Sinubukan kong iwaksi ang kamay ko para matanggal ang pagkakakapit n’ya pero hinawakan n’ya naman ang kaliwa kong pulsuhan. Doon ako natigilan at inangat s’ya ng tingin. Naka-titig na pala ang mga mata n’yang hindi nakurap. “Devilianna, Hija... I know you have no intention to be famous but please, sayang naman kung aayawan mo ito dahil maraming naka-pila at pipilahan ka pa,” pangungumbinsi sa ‘kin ni Roselyn pero umiiling-iling ako habang nagsasalita s’ya. Hanggang ngayon nga, dinaramdam ko pa rin ang sakit ng wrist at likod ko tapos bigla-bigla na lang ako binigyan ng isang libong project?! No! “I want to go home! May mga tattoo designers naman kayo! Sila na lang!” Lumapit sa ‘min si Roselyn. “Devillianna… your designs are top tier!” “I hate to say this but…” Napa-baling ang buo kong atens’yon kay Ferruccio. Saglit n’ya pang pinikit ng mariin ang kan’yang mga mata at bumuga ng marahas na hininga. “I will do the dirty service that you are waiting for.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD