Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ng binata. Oh, wait! Baka hindi lang niya ito naintindihan o marahil ay iba lang pagkakarinig niya. But he was firm with the invitation. He was asking her to have a date. Tama iyon nga iyon pero mas mabuti na iyong makasigurado dahil ayaw niyang mapahiya na naman sa harap ng mayabang na lalaking ito.
"You're what?" pag-uulit na tanong niya sa binatang naghihintay ng kaniyang sagot.
"I am asking you out. Is it hard to understand?" preskong tanong nito sa kaniya na ikinataas ng kilay niya.
"Thanks but no thanks. Hindi ako intresado," sagot niya rito at nagsimulang magmartsa palabas ng opisina nito.
"The contract depends on it," pahabol na wika nito sa kaniya.
Nabitin ang ginagawa niyang pagbukas ng pinto dahil sa sinabi nito. Binitiwan niya ang seradura at pumihit paharap upang makita ang itsura ng walang hiyang lalaking ito. Nakataas ang isang sulok ng mga labi nito na animo'y nagtagumpay ngunit hindi niya hahayaan iyon.
"Then terminate the contract," hamon niya. Siyempre malakas ang loob niyang sabihin iyon dahil mayroong nakalagay na kontrata na kapag ito ang nag-terminate ng kontrata sa pagitan nilang dalawa ay ibabalik ng mga ito ang mga nagastos niya kasama na ang mga items na nagamit. Wala siyang lugi roon kaya kahit ngayon din ay pwedeng-pwede nitong gawin iyon.
"Oh! I can terminate the contract and gave you the compensation right away but I'll make sure that I'll be your last client. How's that?" He smirked and she wanted to wiped that away from his handsome face.
Shit! Ganoon ba ito ka-impluwensiyang tao na kaya nitong gawin iyon? With his money, yes. Kayang-kaya nitong gawin iyon. Marami na siyang nabasang businesses na nagsara dahil sa pagbangga sa lalaking ito. At siya ay isang maliit na negosyo lamang. Chicken na chicken dito ang ipasara siya. Paano ang kaniyang mga empleyado? Saan pupunta ang mga ito? Sayang lang din naman ang ilang taong pinaghirapan at pinagsamahan nila kung isasakripisyo niya ang mga ito dahil lamang sa hindi niya pagpayag sa alok nitong date. Isang date lang naman. Walang mawawala sa kaniya. Isa lang. Para sa mga empleyado niya.
"At seven then," mahinang wika niya rito ngunit pinatalim niya ang tinging ipinukol dito para malaman nitong napipilitan lamang siya sa gusto nito.
Malapad ang ngiti nitong ibinigay nito sa kaniya bago tumayo. Hindi na rin niya alam kung ano ang sumunod na ginawa nito dahil nakalabas na siya ng opisina nito. Malakas niyang ibinalibag ang pinto ng opisina nito. Namumula ang mukha niya dahil sa pagtitimping sapakin at bulyawan ito. Pasalamat lang talaga ito dahil inisip niya ang kapakanan ng kaniyang mga empleyado.
"Here. Take this. Mauna na ako. Magkita na lamang tayo bukas for the other details. Then tell them to continue decorating this damn building," bilin niya kay Tatiana na nakakunot ang noo dahil sa nakikita nitong ekspresyon ng mukha niya.
"May nangyari ba?" nagtatakang tanong nito sa kaniya ngunit nagkibit-balikat lamang siya at kinuha ang jacket at sling bag dito. "Hoy! Anong ganap sa loob?" Sinundan siya nito habang patungo siya sa kinapaparadahan ng kaniyang motorsiklo.
"Don't mind me," sagot niya rito.
"Anong don't mind you? Iyang itsura mo para kang susugod ng giyera. Anong ginawa niya? Did he harrass you? Ako na lang sana!"
Wala sa sariling hinila niya ang buhok ng kaibigan dahilan para gumiwang ito dahil hindi naman nito inaasahan ang gagawin niya.
"Aray naman!" bulalas nito habang hinihimas ang anit. "Ang harsh mo talaga! So ano nga?"
"Mag-usap na lang tayo mamaya," sagot niya at sinakyan ang motorsiklo niya at tinangkang isuot ang helmet ngunit pinigilan ito ng kaibigan.
"Hindi ka aalis na ganiyan ka. Gusto mo bang madisgrasya? Panigurado akong paliliparin mo na naman iyan sa inis mo. So what? C'mon naghihintay ako."
She sighed, a deep one pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang helmet sa katawan ng kaniyang motorsiklo.
"That jerk was blackmailing me. Remember the guy I was telling you when I went North?"
"Iyong nakasama mo sa kulungan? Iyong gwapong sinasabi mo na tumulong sa iyong makalabas? Siya iyon?"
Tumango siya bilang sagot sa mga tanong ng kaibigan. "Wala nang iba pa. The one and only."
"Bess, tadhana na iyan! Baka siya na ang the one mo," bulalas ng kaibigan.
"Isa ka pa! Anong tadhana-tadhana ka riyan? He was blackmailing me. Ipapasara niya ang negosyo ko kung hindi ako papayag na makipag-date sa kaniya!"
Tumaas ang kilay ng kaniyang kaibigan sa sinabi niya at kinilig pa dahil bigla itong tumoli na parang nasusunugan. Jusko! Gusto niyang hilain ang lalamunan nito dahil sa kakatili nito. Hindi ba ito nasasaktan?
"Makatili ka naman!" sikmat niya.
"Bess, date! Kung ayaw mo, ako na lang. Pero hindi ako ang bet niya kaya ikaw na lang. Date lang naman. Parang hindi ka naman nakikipag-date. Gora ka na!" saad nito sa kaniya.
"May magagawa pa ba ako kung trabaho niyo ang nakasalalay?" tanong niya rito.
"Wala! Kaya go ka na. Alalahanin mo kami!"
"Oo na, wala na akong sinabi," mahinang wika niya. "Sige na! Magkita na lang tayo mamaya sa Demon's pagkatapos ng date ko," dagdag pa nito.
"Sige at isasama ko ang mga bata natin para may karamay ka," wika naman nito na ikinangiwi niya.
Paniguradong tagabantay na naman siya kung kasama nila ang staffs nila. Hay buhay! With that, isinuot na niya ang kaniyang helmet at pinaharurot ang motorsiklo pauwi ng apartment.
Pagdating doon ay humilata pa siya sa kama at wala sa sariling nakatingin sa kisame. Inalala niya ang naging engkuwentro nila ni Cedric sa opisina nito. Hindi naman maikakaila na saksakan ito ng gwapo at sobrang lakas ng appeal kakambal niyon ay ang parang bagyong kahanginan nito sa katawan. May ipinagyayabang naman talaga ito dahil mayaman ito, gwapo and all. Pero hindi talaga niya gusto ang kayabangan nito sa katawan. Napailing na lamang siya at naghanda para sa date nila.
Siyempre, ipapakita niya rito na napipilitan lamang siya sa date na iyon kaya naman isinuot niya ang usual na damit niya kapag lumalabas sa gabi. Ripped jeans at damit pang-itaas na tube at high heels. Naglagay rin siya ng makapal na make-up para i-match sa damit niya. Nang makuntento siya sa itsura ay sakto na nakarinig siya ng busina mula sa ibaba. She looked at the wall clock and it was seven sharp. Napataas siya ng kilay dahil doon. So, she took her bag and went down to meet him.
Pero tumaas lalo ang kilay niya nang makita na driver ng binata ang naroroon. Disappointed. Akala pa naman niya ang binata na iyon. So iponapakita lamang nito na ginu-good time lang siya nito. For fun. Kaya naman kung gusto niyong maglaro ay makikipaglaro din siya rito.
"Ma'am, magkita na lang daw kayo sa restaurant dahil may meeting pa si Mr. Arnault," wika ng driver sa kaniya.
Ngumiti siya. "No problem," sagot niya rito at prenteng naupo sa likurang bahagi ng sasakyan.
Nang makarating sa restaurant ay napangiwi ang waiter na nag-aabang sa kaniya dahil sa suot niya. Pumasok ito sa loob ng resto upang kausapin ang manager. Kaya naman habang hinihintay ang pagbalik nito ay pumasok siya sa loob ng sasakyan na nakaparada sa harapan. Nang bumalik ang waiter ay kasama na nito ang manager.
"I'm so sorry, Ma'am but we have a strict dresscode. I can recommend some restaurant for you if you want," hinging-paumanhin ng manager sa kaniya.
"Ah ganoon ba? But my date said he has a reservation here," wika niya rito.
"Hindi po talaga pwede, Ma'am," giit pa rin nito.
"Oh! So, could you please call him to inform that we're switching resto? Hindi ko kasi alam ang digits niya," sweet na wika niya sa manager. Gosh! Anong acting itong ginagawa niya?
"Pwede ko siyang tawagan, Ma'am," presenta ng driver sa kaniya.
"Okay, go ahead," sagot niya.
Tinawagan nga ng driver ang binata. Kinausap nito ang binata pagkatapos ay ibinigay sa kaniya ang cellphone dahil gusto raw siyang kausapin.
"Yes?"
"What's the problem?" malamig ang boses na tanong nito sa kaniya.
"Oh! You can talk to the manager. Wala naman akong problema," sagot niya rito. Nagsasalita pa ito nang ibigay niya sa manager ng resto ang cellphone.
"Good evening, Sir. We can't allow your date to enter the resto. She didn't follow the prescribed dresscode." Paused. "Yes, Sir I understand." Paused. "Okay, Sir. Thank you."
Matapos ang tawag ay ibinalik nito sa kaniya ang cellphone na ibinalik naman niya sa driver.
"So?" tanong niya sa manager.
"Just wait for a moment, Ma'am. Aasikasuhin lang namin ang sinabi ni Mr. Arnault," sagot nito sa kaniya.
"And what was that?" curious na tanong niya rito.
"We will close the resto to accomodate you."