Chapter 9

1498 Words
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ng manager sa kaniya. Mali ba ang narinig niya? Minamaligno na yata siya. "What did you say?" pag-uulit natanong niya rito. "Ipinapasara po ni Mr. Arnault ang restaurant to accomodate you," wika nito sa kaniya pagkatapos ay nagpaalam na ito na babalik sa loob ng restaurant. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsimula nang lumabas ang mga naroroon sa loob ng retaurant hanggang sa tuluyan na itong nagsara. Nagsara upang bumukas para sa kaniya. Taray! Sweet! Galante! Biglang sumakit ang ulo niya dahil doon but at the same time, she was impressed. Kung driver nito ang sumundo sa kaniya na ikinadismaya niya at bumawi naman ito sa pagpapasara sa restaurant para lamang makapasok siya. Hindi niya maiwasang matuwa at kiligin sa ginawa nito. Dagdag points dahil na alam niyang umandar na naman ang kayabangan nito. Aside from that, she was wondering kung magkano kaya ang katumbas nang ginawa nito? Makausap nga ang manager mamaya. Then the manager came out and fetch her in the car. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila sa loob ay pinagtinginan na siya ng mga empleyado roon with matching bulungan pa. Nailang siya but she didn't mind them instead, she talked to the manager. "So magkano ang ibabayad ni Mr. Arnault?" usisa niya sa manager. "Hindi ko pa ho nakakausap ang mismonf may-ari ng restaurant dahil si Mr. Arnault na raw ang kakausap rito. They will just inform me of how much the bill is later on," sagot sa kaniya ng manager. Inihatid sa nito sa magiging table nila ni Cedric pagkatapos ay muli ring iniwan. Nang muli niyang sulyapan ito at may kausap na ito sa telepono at panay ang tango lang. "So magkano ang ibabayad? Nakausap mo na ang boss mo, 'di ba?" muli niyang tanong rito. Nag-alangan pa ito kung sasabihin ba sa kaniya ang napag-usapan ng dalawa but then she gave in. "Mr. Arnault paid for their meals amounting to almost two hundred fifty thousand more or less and for the rent of the whole restaurant for two million," sagot nito sa kaniya. Bigla niyang nalunok ang sarili niyang laway sa narinig. Patango-tango siya sa sinagot sa kaniya ng manager. "So that's how expensive this date is. Well okay lang naman iyon dahil siya naman ang gagastos," saad niya. "So can I have my order now? I'm starving." "Sure, Ma'am. I'll personally assist you for tonight," sagot sa kaniya ng manager. "Kasama rin ba iyon sa bayad niya?" curious na tanong niya rito. "Yes, Ma'am," sagot nito at iniabot ang menu na ibinigay ng waiter dito. HIndi umalis ang manager sa tabi niya hanggang sa maka-order siya. Maging ang ibang staff ng restaurant at inasikaso rin ang kaniyang pangangailangan. Ang ilang empleyado ay nagkumpulan malapit sa kaniya at nagchichikahan ngunit rinig na rinig naman niya ang mga ito dahilan para tawagin niya ang mga ito. "I can hear you," wika niya sa mga ito nang makalapit. "Eh Ma'am, ang swerte-swerte niyo po kasi. Ipinasara itong resto para sa inyo," wika ng isa. "Oo nga, Ma'am," sang-ayon naman ng isa. "Ma'am, may kapatid pa ba iyon? Pareto naman naman," wika ng isa pa. Nginisihan niya ang mga ito. "First swerte nga ako dahil napilitan lang naman ako sa date na ito at isa pa ay hindi ko alam kung may kapatid iyon. Sana nga ay wala dahil hindi ko ma-gets ang ugali niyon," sagot niya sa mga ito. "Back to work," sita ng manager sa mga empleyado dhailan para umalis na ang mga ito sa harapan niya. "Sorry about that," hinging-paumanhin nito sa kaniya. "That's fine," sagot niya. Inilapag ng manager ang order niya at dahil mukhang masarap iyon aside from sayang ang ibinayad nito kaya naman sinimulan na niyang lantakan ang mga nakahain. Hindi naman siya selfish kaya maging ang binata ay kinuhanan na rin niya ng order. Hindi naman siguro ito maarte. Maging ang driver sa labas ay binigyan niya ng order kasama na ang take-out. Abala kailangang sulitin ang bayad. She was busy enjoying her meal nang dumating ang binata at may dala pa itong bouquet. She looked at him at hindi niya mapigilan ang maawa sa itsura nitong halatang pagod na pagod. "You're here," pilit ang siglang wika niya rito. "Tara, kain ka na." Tinanggal nito ang coat at basta na lamang isinampay sa isang upuan pagkatapos ay niluwagan nito ang necktie bago kinuha ang mga kubyertos. While eating, panaka-naka ang ginagawang pagsulyap nito sa kaniya samantalang siya naman ay parang walang pakialam sa presensiya nito ngunit halos sumabog ang t***k ng kaniyang puso dahil sa presensiya nito. Kahit kasi pagod na pagod ang itsura nito ay malakas pa rin ang appeal nito sa kaniya. Grabe nga ang pagpipigil niyang ayusin ang ilang hibla ng buhok nito na nawala sa ayos. Kating-kati na siya rito ngunit pigil na pigil siya baka kasi may masabi ito at awkward naman na hawakan niya ito. Kaya naman itinuon na lamang niya ang pansin sa pagkain. "Tapos ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya sa binata. "I'm full. Just eat," sagot naman nito sa kaniya. "Busog na rin ako," wika niya rito sabay tingin sa mga pinagkainan niya. Halos lahat naman kasi ng nakahain ay nabawasan na niya. "So, can we go?" Napabuntong-hininga na lamang ang binata sa sinabi niya. Sumenyas ito sa manager para sa bill nila na agad namang tumalima. Nang lumapit ang manager sa kanila ay dala na nito ang hinihingi ng binata. Cedric took his wallet and pulled out his black card. Umalis naman kaagad ang manager upang asikasuhin ang bill nila. Ilang saglit lang ang lumipas ay bumalik na ito at ibinigay ang card ng binata. She, on the other, stood up and was ready to go when she heard him spoke. Tumingin siya sa binata na nakaupo pa rin at nakatingala sa kaniya. "What?" tanong niya. "Ihahatid na kita," wika nito sa kaniya. "Nah! No need. Mag-taxi na lang ako anyway I'll meet my staffs so I gotta go. Thank you for the dinner," saad niya at umalis na. Kabastusan man ang ginawa niya but she needed to get away from him dahil iba ang tumatakbo sa isip niya ngayon. As minutes passed by habang kasama niya ito ay mas lalo siyang na-a-attract rito. His appeal, his manly scent was intoxicating and captivating her. Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ni Tatiana sa binata dahil maging siya ay napupunta na sa ganoong sitwasyon. It was dangerous for her to be with him that long. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang nangyayari sa kaniya. She was attracted with men but he was different. There was something different about him that was pulling her to crave for him. Meanwhile, Cedric was itching to ask Kaithlyn to stay ngunit halatang nagmamadali ito at halata ring ayaw nito sa kaniya. What can he do? Hindi naman niya ugali ang isiksik ang sarili sa babaeng ayaw sa kaniya. Marami riyang iba. Women that could give all he wanted. But Kaithlyn was different. Maangas ito something na hindi niya nakikita sa mga babaeng nasa paligid niya. That was the thing that took his attention unang makita pa lamang niya ito sa presinto. But they clashed. Halatang hindi maganda ang timpla ng dalaga sa kaniya up until now. When he heard from his driver the situation when they arrived at the restaurant, biglang sumakit ang ulo niya at the same time was impressed with her. Akalain mong nag-tattered jeans ito sa isang restaurant na strict ang dress code? So he did it kahit na hindi dapat. He paid for the entire venue and the shouldered the bills of the customers para lamang matuloy sila ng dalaga sa date nilang iyon. At ngayon, wala pang isang oras niya itong nakasama ay aalis na ito. So much for two million. Gago rin kasi ang may-ari ng restaurant na iyon who happened to be his friend and took advantage of this situation. Wala na sa paningin niya ang dalaga nang magtauhan siya sa kaniyang daydreaming kaya naman hinabol niya ito and thank God she was still outside waiting for a cab. Mabuti na lamang pala at pinauwi na niya ang kaniyang driver and he took his motorcycle. Isa iyon sa rason kung bakit natagalan siya sa date nila ng dalaga. He hurriedly went towards his motorbike and started the engine. And bingo! Kaithlyn glanced to where the roar came from. Ipinarada niya sa harapan ng dalaga ang kaniyang motorsiklo. "Care for a ride?" he asked. Nagbabakasaling pumayag ito. But then he was sure that she will agree because of the sparks in her eyes as she was staring at the body of the bike. Nakakainggit na mas intresado pa itong tingnan ang motorsiklo niya keysa sa kaniya but then that was an advantage for him. Nakuha niya ang atensiyon nito. "Nice ride!" puri nito. "So?" muli niyang tanong sa dalaga. "Sure!" sagot nito. "It's going to be a bumpy ride, Sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD