"Congratulations Mr. and Mrs. Arnault!" Tatiana greeted them.
Napakasaya ng buong paligid dahil sa pag-iisang dibdib nila ng kaniyang kasintahan na ngayon ay kaniya ng asawa na si Cedric Arnault. It was a whirlwind romance and she didn't expect that it will turned out to be this way, that she will be happy with him.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang isang gwapong bilyonaryong si Cedric Arnault ay mapapaibig ng isang hamak na pipitsuging interior designer lamang? Maraming kababaihan ang naiingit sa kanya at baka isinusumpa na siya ngayon dahil siya ang pinakasalan, minahal nito. It was a fairy tale. She wasn't a damsel in distress but he was indeed a prince charming every woman dreamt of.
Speaking of her prince charming, nakataas ang sulok ng mga labi nito habang sinasalubong ang pagbati ng mga nakidalo sa kanilang kasal. Her husband doesn't smile often. Tipid na tipid ang ngiti nito at kung hindi pa niya sinasabi na ngumiti ito ay aakalain mong hindi nito gustong pakasalan siya dahil sa napakapormal na mukha nito. But she knew better. This man beside her was a softy especially towards her.
"Thank you, Bess," wika niya sa kaibigan at niyakap ito.
"Oh, siya maiwan ko na muna kayong dalawa dahil marami pa ang nakapila para batiin kayo. Pero, Cedric tandaan mo kapag ikaw, sinaktan mo itong kaibigan ko ay humanda ka na. Hindi porke't mayaman ka ay basta ka na lang pagbibigyan," banta pa ni Tatiana sa kanyang asawa.
"No worries. I won't hurt her. Takot ko lang," sagot naman ng kanyang asawa sa kaibigan na ikinangiti niya nang malapad.
"Oh, siya babush! Mag-usap na lang tayo mamaya bago kayo umalis," paalam ni Tatiana sa kanila.
Matapos umalis ang kaibigan ay hindi na natigil ang pagdatingan ng mga bisita sa harapan nila upang batiin sila. Mabuti na lamang at nakaupo siya dahil kung hindi ay baka kanina pa nangalay ang kanyang mga paa. Hindi naman kasi niya maintindihan kung bakit napakarami ng bisita nila, ng mga inimbita ng kanyang asawa. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero nakakapagod. At hindi talaga siya makapagreklamo dahil ni pisong duling ay wala siyang ginastos sa kasalang ito. Cedric took care of everything at ano raw ang silbi ng yaman nito kung pati siya ay gagastos eh kaya naman nito.
See? That's how loving and caring Cedric to her. Pero hindi naman ibig sabihin noon na wala siyang panggastos. May pera rin naman siya dahil sa business niya. She was self-earning at marami na rin siyang ipon. Wala rin naman siyang binubuhay kundi ang kanyang sarili lamang.
May pamilya siya but her parents had passed away years ago. Her mother died when she gave birth to her while her father passed away because of an incident. Tanging kamag-anak ng nanay at tatay na lamang niya ang natitira ngunit hindi rin naman sila masyadong close maliban sa lolo at lola niya.
"Are you okay?" tanong sa kanya ni Cedric nang wala nang lumapit sa kanila.
"Yeah, I'm good. Medyo pagod lang," sagot niya rito. Kinuha nito ang kanyang kamay at dinala sa labi nito pagkatapos ay binigyan ng mabining halik.
"I am so lucky to have you as my wife. I love you, Mrs. Arnault," madamdaming wika nito sa kanya.
"And I love you too, Mr. Arnault," sagot niya rito na nakangiti.
The reception of the wedding was spectacular. Sa hotel na pagmamay-ari ni Cedric naganap ang reception ng kasal nila. Wala siyang masabi at kudos sa mga organizer nito. Talagang ginastusan ito ng kanyang asawa. Masayang-masaya siya sa araw na ito.
"Hija, anong oras ang alis ninyo ni Cedric?" tanong ng kanyang mother-in-law.
Her mother-in-law was the best. Mabait ito sa kanya at magiliw maging ang nag-iisang kapatid ni Cedric na babae ay kasundo rin niya. Tuwang-tuwa nga ang mga ito noong ipinakilala siya ng asawa. His family was wonderful.
And yes, aalis sila patungong Indonesia para sa kanilang honeymoon. Bakit sa Indonesia? Well, gusto kasi niya iyong malapit lamang lalo na't busy silang pareho ni Cedric sa trabaho. Isa pa ay tatlong araw lamang iyon dahil lilipad si Cedric patungo sa Singapore para sa isang business conference. Sa Singapore sana ang honeymoon nila para diretso na sila ni Cedric ngunit hindi siya pumayag dahil ayaw niyang maging sagabal sa gagawin ng binata.
"Tomorrow morning, Mommy," sagot niya sa ginang.
Nag-usap pa sila ng ginang bago siya nito iniwan. Sandamakmak ang mga bilin nito sa kanya patungkol sa anak nito na panay oo na lamang ang sagot niya.
Matapos ang selebrasyon ay umakyat na sila sa kanilang kwarto upang magpahinga. Pagdating doon ay naroroon na ang sandamakmak na regalong natanggap nila mula sa mga bisita. Nakakatuwa.
Nahiga siya sa kama dahil sa sobrang pagod sa buong maghapon. Sumunod naman doon ang kanyang asawa na hinila siya palapit sa katawan nito at niyakap.
"Don't sleep. We still have work to do," bulong nito sa kanya at bahagyang kinagat ang puno ng kanyang tainga. Inamoy-amoy rin nito ang kanyang leeg.
"Do we have work to do? I am so sleepy," wika niya sa asawa na ikinataas ng mukha nito.
"C'mon, let's clean ourselves," wika nito sa kanya at basta na lamang siya nito pinangko patungo sa banyo.
Basta ba lamang siya nito inilapag doon at bago pa siya makapagsalita ay narinig na niya ang tunog na likha ng pagkapunit ng kanyang damit. Napanganga siya sa ginawa nito. Mabuti na lamang at nakapagbihis siya kanina ng ibang gown kung hindi ay aawayin niya ito kung ganoon din ang gagawin nito sa kanyang wedding gown.
"So beautiful," mahinang sambit nito sa kanya habang nakatingin ito sa ngayong hubad niyang katawan.
Nagtalop na rin ito ng damit at basta na lamang inihagis sa kung saang bahagi ng banyo pagkatapos ay binuksan ang shower kasabay nang pag-atake ng mga kamay at labi nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan hanggang sa tuluyan na silang nag-isa. And just imagine what else would they do under the shower. It was their first night afterall.
Matapos ang maiinit na eksenang naganap sa kanila ay muli siyang binuhat ni Cedric pabalik sa kanilang kama at doon ipinagpatuloy ang sinimulan sa banyo. The room was filled with their moans and screams and calling of each other's names. Hindi na nga rin niya alam kung anong oras sila nakatulog dahil sa pinaggagawa. Basta ang naalala niya ay magkayakap silang natulog.
Naalimpungatan si Kaithlyn na wala ang asawa sa tabi. When she looked at the clock on the bedside table, it was three in the morning. Luminga siya upang tingnan sa paligid ang asawa ngunit wala ito. Baka nasa banyo ito o kaya sa labas lamang ng kwarto kaya naman tumayo siya at kinuha ang roba na nasa gilid ng kama at tinungo ang banyo upang umihi. Pagbalik niya ay wala pa rin si Cedric kaya nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto at hanapin ito.
Madilim sa labas kaya naman in-adjust muna niya ang mga mata sa dilim bago nagpatuloy sa paglalakad. Unti-unti na niyang naririnig ang may kahinaang boses ng asawa sa salas ng kwartong inuokupa nila sa hotel.
"Damn it! How many times do I have to tell you not to mention that name? I don't regret doing that to him. He deserves it," mahina ngunit madiing wika ng kanyang asawa sa kausap nito sa telepono.
Bakit parang galit pa ito? Sino ang kausap nito? Sino ang tinutukoy nito? She knew her husband to be merciless when it comes to work. There's no second chances to him kaya naman ilag talaga ang mga trabahador nito sa lalaki. Pero kahit ganoon ay mabait din naman ito at hindi sila pinababayaan kaya patas lang din.
Napagdesisyunan niyang tumalikod na lamang at hintayin ito sa kanilang kwarto dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito. Nagsimula na niyang tahakin ang daan pabalik sa kwarto.
"No! You can't tell Kaithlyn about it," wika nito na ikinatigil niya sa paglalakad. "Yeah! I know who he was, so what? Maximo Saavedra, deserves it. He deserves to die and I would never regret ending his life."
Die? Ending his life? Tama ba ang narinig niya? Kilala ni Cedric ang kanyang ama at may kinalaman ito sa pagkamatay nito? Oh yes! Her father was killed and up until now it was still a mystery on her part of who would have done that to him. And now? Maririnig niya ito sa sariling bibig ng kanyang asawa?
Biglang nanikip ang dibdib niya sa realisasyong nalaman. Unti-unti na ring bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga mata. And yes, naririnig pa rin niya ang asawa na pinag-uusapan ang kanyang ama at kung papaano ito hindi nagsisisi sa ginawa nito sa kanyang ama. And she can't take it anymore.
"You were the one who killed my father?" mahinang sambit niya na ikinalingon ni Cedric.
Kahit sa dilim ay kitang-kita niya ang pagtakas ng kulay sa mukha nito at ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sofa at unti-unting lumapit sa kanya. Habang humahakbang ito palapit sa kanya ay panay naman ang hakbang paatras palayo rito.
"Tell me! Tama ba ang narinig ko, Cedric? Tama ba na ikaw ang dahilan kaya nawala ako ng ama? Was it you who ordered to kill him? Or it was you who killed him? Tell me! Tell me!" sigaw niya sa asawa na hindi malaman ang sasabihin o gagawin.
"Kaithlyn, I can explain," wika nito sa kanya habang tinatangka pa rin ang paglapit sa kanya.
"Tell me!" muli niyang sigaw sa asawa habang panay ang tulo ng kanyang mga luha.
Tinangka nitong abutin siya ngunit tinabig niya ang mga kamay nito upang hindi siya mahawakan.
"Don't come near me, you murderer!"
"Kaithlyn, I-I---,"
"You what? I've heard it all, Cedric. Lumabas mismo sa sarili mong bibig ang mga narinig ko! Was it true? Was it true?!" sigaw niya.
"I'm sorry."
Natutop niya ang sariling bibig dahil sa pag-amin nitong iyon. Hindi na rin ito nangtangkang lumapit sa kanya at basta na lamang nakatayo sa harapan niya. Back was his usual arrogant merciless face.
"W-why?" tanong niya rito.
"He deserves it," sagot nito sa kanya. "Ang mga katulad niya ay hindi na dapat pang binubuhay."
"H-he deserves it? So you knew me all along?" Tumango ito sa kanya. "Was this for real? All of it?"
Nakita niya ang pagtangis ng baga ni Cedric. Napailing siya. So this isn't real. Lahat ng ito ay pakana lamang ni Cedric dahil sa nangyari sa ama niya. Ano ito bayad utang? Hindi na niya napigilan pa ang sarili at bigla na lamang niya itong sinugod at pinagsasampal, pinangsusuntok sa dibdib. At lahat ng mga iyon ay tinanggap naman nito. Ibinuhos niya ang lahat ng sakit at hinanakit dito hanggang sa namanhid na ang kanyang mga kamay kasama na roon ang kanyang buong katawan, sistema. Kusa na rin siyang lumayo sa hindi pa rin natitinag na Cedric.
She started walking towards their room like she was a zombie. Hindi pa rin niya matanggap ang buong katotohanang natuklasan sa mismong gabing ng kanyang kasal. He husband was the one who caused her father's death and he didn't regret it at all. So much for her wedding night.
Nasa bukana na siya ng pintuan nang magsalita.
"Don't you ever ever let me see your face again, Cedric because I might kill you."