Phoenix POV Nakapaa akong dumiretso sa kusina dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Si Jake naman ay agad din sumunod sa akin. Narinig ko pa nga siyang natawa nang mahina bago umupo sa katapat kong upuan. “Bakit hindi ka pa kumain?” tanong niya ilang sandali pa ang lumipas. Napansin niya kasing pinagmamasdan ko lamang ang kanin sa plato ko. “Pinapalamig ko pa 'yung kanin. Ayoko ng mainit. Hindi ko nalalasahan ang ulam dahil napapaso lang ako," sagot ko. "Bakit kasi isusubo mo agad kahit mainit? P'wede mo namang hipan." Bahagya pa siyang napailing. "Ayoko nga, e. Bakit ka ba nakikialam?" Sabay irap sa kaniya. Hindi na siya kumibo pa at hinayaan na lamang ako. *** Alas nuebe na ng gabi. Nakahiga na si Jake, maging ako. Nasa iisang kama lamang kami. Nakatihaya siya ng higa kaya kita