No Malice

1132 Words

Hindi kami nagtagal sa supermarket dahil halatang-halata na hindi s’ya sanay na mamili ng mga stocks sa bahay. Pumili lang ako ng mga basic needs at iyon lang ang pinabili ko sa kanya. Panay pa ang reklamo n’ya nang pabalik na kami at nagsabi pang mag-uutos na lang daw s’ya ng bibili ng mga gusto n’yang i-stock na pagkain sa unit n’ya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na s’ya sa kung ano ang gusto n’ya. Pagbalik sa unit n’ya ay tinanong ko s’ya kung ano ang gusto n’yang kainin para sa tanghalian. Nagsabi naman s’ya agad na pasta ang gusto n’ya kaya iyon ang ginawa ko. Nang maalalang ayaw n’ya ng seafood ay ang normal na luto ng pasta na lang ang ginawa ko tutal ay mabilis lang namang gawin ‘yon. “Hindi ka ba pumasok ngayong araw?” tanong ko nang pinagsasaluhan na namin ang pasta na nil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD