Hanggang sa pagkain namin ng dinner ay panay ang tukso ni Arnold sa akin pero hindi ko s’ya binibigyan ng pagkakataon na makapangantyaw ng tuluyan. “Ayan ha? Hinatid kita hanggang sa tapat ng boarding house n’yo!” pagpapatuloy na kantyaw pa rin n’ya nang nasa tapat na kami ng gate ng boarding house. Sinimangutan ko lang ang pangangantyaw n’ya kaya umalis din naman s’ya kaagad. Pasado alas sais na nang dumating ako pero wala pa ring tao sa room namin. Bumuntonghininga ako at chineck ang mga gamit ng mga roommates ko at nasigurado kong hindi pa sila bumabalik doon mula pa kaninang umaga na inakala kong kumain lang sila ng breakfast. Hindi tuloy ako nakatulog sa kakahintay sa kanilang dumating. At habang naghihintay ako sa kanila ay iniisip ko na kung paano ko silang kakausapin tungkol sa